Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Bea Alonzo, Alden Richards spotted in Thailand airport

by Rachelle Siazon
Feb 4, 2020
Netizens react to Kapamilya actress Bea Alonzo and Kapuso actor Alden Richards being seen together at Suvarnabhumi International Airport in Thailand.
PHOTO/S: @aldenrichards02 / Jenifer Maglangit Madridano Patagnan Facebook / @beaalonzo Instagram

Magsasanib-puwersa ba sina Bea Alonzo at Alden Richards sa isang proyekto?

Namataang magkasama sina Bea at Alden na nakapila sa check-in counter ng Philippine Airlines (PAL) sa Suvarnabhumi Airport sa Bangkok, Thailand noong Linggo ng gabi, February 2.

Si Bea, 32, ay homegrown star ng ABS-CBN; habang si Alden, 28, ay homegrown star naman ng GMA-7.

Hindi malinaw kung anong proyekto ang pinagsamahan ng dalawa sa Thailand.

Pero kasama rin nila si Leysam Sanciangco, handler ni Alden mula sa GMA Artist Center.

Nakasuot si Alden ng simpleng white shirt at denim pants, habang si Bea ay nakasuot ng matching lavender suit at white inner top.

Pareho ring naka-face mask sina Alden at Bea bilang proteksiyon laban sa 2019 novel coronavirus (2019-nCoV).

Makikitang nagkukuwentuhan ang dalawa, pero pinaunlakan din nila ang ilang mga kapwa-pasaherong nagpakuha ng litrato sa kanila.

Continue reading below ↓

NETIZENS' REACTIONS

Ikina-excite naman ng ibang fans na makitang magkasama sina Bea at Alden, na mula sa magkaribal na TV networks.

Kung commercial shoot man ang ipinunta nila sa Thailand, hiling ng fans na sana ay magkaroon din ng acting project ang dalawa.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Noong 2019, una nang nakatambal ni Alden ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo sa Hello, Love, Goodbye, na record-holder ng highest-grossing film of all time.

Sakaling may oportunidad ulit na makatrabaho niya ang isang ABS-CBN star, naihayag ni Alden sa isang interview noon na si Bea ang gusto niya sanang maging leading lady

"I am really looking forward to work with Bea Alonzo. Masaya ako na andun siya sa premiere night to see the movie," saad ni Alden sa isang presscon noong August 2019.

ALDEN AND BEA'S FIRST MEETING

Unang nagkrus ang landas nina Bea at Alden sa birthday party ng kanilang stylist, na ginanap sa isang restobar sa Makati City noong December 2016.

Dinaluhan din iyon ni John Lloyd Cruz, ang perennial leading man ni Bea sa ABS-CBN.

Naiulat noon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ipinost ni Alden kasama nina John Lloyd at Bea.

Aminadong na-starstruck si Alden dahil paborito niyang pelikula ang One More Chance na pinagtambalan ng dalawang Kapamilya stars.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens react to Kapamilya actress Bea Alonzo and Kapuso actor Alden Richards being seen together at Suvarnabhumi International Airport in Thailand.
PHOTO/S: @aldenrichards02 / Jenifer Maglangit Madridano Patagnan Facebook / @beaalonzo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results