Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Sam Concepcion comments on James Reid-Nadine Lustre breakup

by Rose Garcia
Feb 4, 2020
Sam Concepcion on friends James Reid and Nadine Lustre's breakup: “They have a good head on their shoulders. They know what to do. They know how to handle each other. They're mature about it.”
PHOTO/S: Sam Concepcion Instagram

Bilang isa sa malapit na kaibigan nina James Reid at Nadine Lustre, hindi nakaligtas si Sam Concepcion na matanong tungkol sa breakup ng JaDine.

“Nothing changes,” pasakalye ni Sam.

“Whatever it is, it’s their story to tell... it's their relationship.

"Us, friends, we’re there to support."

Parehong kaibigan ni Sam sina James at Nadine, iisa silang barkadahan.

Hindi niya naramdaman na baka maipit siya o iba pa nilang mga kaibigan sa breakup ng dalawa?

Tugon ng 27-year-old singer-actor, “I think, as friends, we just want to keep the noise out, so we don’t forget who we are as people.

"And that’s it, there’s a lot of noise happening outside—misconceptions, false stories, pride, saying this and that...

"And for us, we just remain friends.”

Dahil sa nangyari, ang dami ring komento mula sa netizens. Ilan sa mga ito ay negatibo o pamba-bash.

Reaksiyon dito ni Sam, “Well, I wouldn’t say that we’re not aware, ‘coz we are.

Continue reading below ↓

"But, we know, so what’s the point of listening?"

JADINE FRIENDS

Kasama rin sa barkada nila si Issa Pressman, na naakusahang third party diumano sa breakup nina James at Nadine.

Ngunit kaagad naman itong napabulaanan matapos magsalita pareho sina James at Nadine.

Ano ang reaksiyon ni Sam na nadadawit silang mga kaibigan nina James at Nadine sa isyu?

Saad niya, “It is... Unfortunately, that’s the way things are, and it's not an ideal situation to put anyone.

"And... why do I understand?

“Somehow, if you can point your finger at nearest possible, it’s, like... I guess, that’s all I have to say.”

Natawa lang si Sam nang tanungin kung kinabahan ba siyang ma-link kay Nadine nang nagkapareha sila sa pelikulang Indak noong 2019.

Hanga raw siya kina James at Nadine dahil sa kabila ng kanilang breakup, napapanatili ng mga ito ang pagigiging mabuting magkaibigan.

“Yeah, at the end of the day, they’re individuals. They have their careers and they both did really well.

Continue reading below ↓

“They have a good head on their shoulders. They know what to do.

"They know how to handle each other. They're mature about it.”

Naniniwala si Sam na mahirap talaga sa dating magkarelasyon na mapanatili ang pagiging magkaibigan.

Sabi nga niya, “Yeah, and they know each other the best more than we do.”

Bilang kaibigan nina James at Nadine, gusto ba niyang magkabalikan ang dalawa?

“I want what’s the best for both of them,” nakangiting sagot ni Sam.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam sa mediacon ng Trumpet’s musical play na Joseph the Dreamer noong February 3, Lunes, sa Max’s Restaurant, Scout Tuason St., Quezon City.

Si Sam ang gaganap bilang Joseph.

Mapapanood ang musical play mula February 21 hanggang March 7 sa Globe Auditorium, Maybank Performing Arts Theater, BGC, Taguig City.

NO LOVE LIFE AT THE MOMENT

Kung love life naman niya ang pag-uusapan, tahasang sinabi ni Sam na hindi ito ang focus at prayoridad niya ngayon.

Continue reading below ↓

“I’ve always been with someone in the past, I’ve always been in a relationship.

"Ngayon, medyo focused muna sa work."

Single siya ngayon?

“Yeah,” nakangiti niyang sagot.

Mula nang mag-break sila ni Kiana Valenciano, single pa rin siya.

Kung sina James at Nadine ay magkaibigan pa rin pagkatapos ng breakup nila, sila ba ni Kiana ay magkaibigan pa rin?

“Good, good,” pakli ni Sam.

Bumalik ang pagiging magkaibigan nila?

“Yes, slowly,” saad niya.

“Hindi naman immediate for us, but it can be true that ex can be friends.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sam Concepcion on friends James Reid and Nadine Lustre's breakup: “They have a good head on their shoulders. They know what to do. They know how to handle each other. They're mature about it.”
PHOTO/S: Sam Concepcion Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results