James Reid speaks up about breakup with Nadine Lustre: "I still love her."

by Rachelle Siazon
Feb 5, 2020
James Reid on breakup with Nadine Lustre: "I don’t want it to seem, like, me wanting to know who I am without Nadine is the only reason."
PHOTO/S: Mark Atienza

"I still love her. It’s just my perspective on love has broadened."

Ito ang malamang pahayag ni James Reid tungkol sa hiwalayan nila ng ex-girlfriend niyang si Nadine Lustre.

Ipinaliwanag ni James na maraming dahilan kung bakit kinailangan nilang tuldukan ang kanilang relasyon.

Pero isa raw sa mga ito ay gusto niyang mahanap ang sarili.

Parehong 26 years old sina James at Nadine.

"We’ve been in a love team for so long. And that’s been my whole life," ani James sa Mega Man February 2020 cover story.

Tinutukoy ng singer-actor ang onscreen teamup nila ni Nadine (JaDine), na nagsimula sa pelikulang Diary Ng Panget noong 2014.

Naging opisyal silang magkasintahan noong February 2016, hanggang sa magdesisyong maghiwalay ang dalawa bandang December 2019.

Patuloy ni James, "I can’t even begin to think of who I am or what I’m supposed to be outside of that love team, which is scary.

"And that’s why I said I got a lot of figuring out to do."

Continue reading below ↓

Maliban doon ay tumanggi si James na idetalye pa kung nagkaroon man sila ng hindi pagkakaunawaan ni Nadine.

“People might say I’m a bit heartless.

"I don’t want it to seem, like, me wanting to know who I am without Nadine is the only reason.

"There are too many to point out, but that’s all I’m able to share without going into depth."

Sa parte ni Nadine, nanindigan siyang maayos ang hiwalayan nila ni James.

Hindi raw matatawaran ang pinagsamahan nilang dalawa.

Sa hiwalay na panayam ng Mega Magazine, sabi ni Nadine: "He’s the first person to come and rescue…

"I’ve learned so much from him.

"I’m always going to be thankful that that guy came into my life, no matter what happens."

GOOD FRIENDS DESPITE BREAKUP

January 1, 2020 nang iniulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na tinuldukan na nina James at Nadine ang kanilang halos apat na taong relasyon.

Continue reading below ↓

Isang source na malapit sa dalawa ang nagsabing "irreconcilable differences" ang dahilan ng breakup.

Noong una, kinuwestiyon ng fans kung hiwalay na nga ba ang dalawa dahil nagsama pa ang mga ito at ilang malalapit na kaibigan na nag-hiking sa Mt. Ulap.

Nakapag-bonding din ang ex-couple nang lumipad sila sa Brazil para sa isang magazine shoot bandang second week of January.

Hanggang sa kinumpirma nina James at Nadine—sa isang joint statement sa Tonight With Boy Abunda noong January 20, 2020—na hiwalay na sila.

Ang dahilan: gusto raw nilang magpokus sa kanilang mga sarili, hindi lang sa ngalan ng kanilang showbiz "career" kundi mas para raw sa kanilang "personal growth."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
James Reid on breakup with Nadine Lustre: "I don’t want it to seem, like, me wanting to know who I am without Nadine is the only reason."
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results