Lotlot de Leon clarifies she has no beef with Lolit Solis; respects daughter Janine Gutierrez's opinions

by Rommel Gonzales
Feb 5, 2020
Lotlot de Leon (left) when asked by Lolit Solis (center) if Janine Gutierrez (right) has an issue with Senator Bong Revilla: "Siguro po you and Janine should sit down and talk. I don’t think it’s right for me also to speak on her behalf, because she’s a grown woman already."
PHOTO/S: Instagram / Shaira Luna

Nilinaw ni Lotlot de Leon na maayos pa rin ang pakikitungo niya sa talent manager na si Lolit Solis.

Ito ay sa kabila ng naging isyu sa pagitan ng panganay na anak ni Lotlot na si Janine Gutierrez at ni Lolit, na nag-ugat sa one-liner comment ni Janine tungkol sa alaga ni Lolit na si Senator Bong Revilla.

Noong December 18, 2019 ay naging trending topic ang komento ni Janine na “Oh God” sa balitang magbabalik sa telebisyon si Senator Bong.

Continue reading below ↓

Ayon kay Lotlot, okay sila ni Lolit.

“Oo naman!” bulalas ng 48-year-old actress.

“Oo naman, kasi sabi ko nga, si Nay Lolit naman, kinalakihan…

“Actually, halos lahat naman kayo kinalakihan ko na dito, e, bata pa lang ako, wala pa ako sa…”

Ibig bang sabihin ay wala ring isyu si Janine kay Lolit?

Tugon ni Lotlot, “Yeah! Wala namang… ang liit ng mundo natin, hindi naman para mag-away-away or mag-ano.

“I think, it’s but natural for everyone to give their opinions.

“So, ako, I have so much respect for Nay Lolit and everyone here.

“So, maliit ang industriya natin, there’s no room for… we’re not supposed to burn bridges.

“And lahat naman tayo dahil, kumbaga sa… out of malasakit, di ba? So, ganun lang iyon.”

JANINE HAS HER OWN OPINIONS

Sa presscon para sa pagpirma ni Lotlot ng kontrata sa kanyang bagong manager na si Leo Dominguez, ng LVD Management & Consultancy Services, noong January 28, Martes, isa si Lolit sa mga imbitadong press.

Continue reading below ↓

Magkatabi pa sina Lotlot at Lolit ng upuan sa The Frazzled Cook sa Scout Gandia, Quezon City.

Sa isang punto ay tinanong ni Lolit si Lotlot kung bakit ganun ang saloobin ni Janine tungkol kay Bong.

Magalang na tugon ni Lotlot, “Nay, siguro po you and Janine should sit down and talk.

“I don’t think it’s right for me also to speak on her behalf, because she’s a grown woman already.

“May sarili po siyang opinyon, and I think also that because of social media, and lahat naman po tayo nakakapagbigay ng opinion, e.

"Minsan hindi tama sa tenga ng ibang tao, minsan mali.

“But we all have, I think, the right to say that, to say what we feel, to voice our opinions.

“So, siguro lang po, talagang pag-uusap lang.

“Kumbaga, kung medyo nasaktan nang konti, or kung hindi naging maganda yung dating, siguro it should really be personal, dapat mapag-usapan.

Continue reading below ↓

“‘O bakit mo naman nasabi?’ or something like that, so that ma-clear po kaagad yung… whatever misunderstanding that there may be.”

Natanong naman ni Lotlot kung hindi ba niya puwedeng pagsabihan si Janine, 30, na maging apolitical na lang, na madalas ay kalakaran sa showbiz.

Malinaw namang saad ng anak nina Nora Aunor at Christopher de Leon, “Hindi ko puwedeng sabihin kay Janine na hindi siya puwedeng maging… magbigay ng opinion, e.

“Kasi po, unang-una, she has a voice of her own.

“So, even if she’s my daughter, I can only… I can give her advice, siyempre alam naman ni Janine ang tama at mali din, but she has to… she has the freedom to say what she feels is right.

“And I know that if she can say something that may be taken against her, siguro naman kaya din niyang ipagtanggol yung opinyon niya, hindi ba?

“So… matalino naman ang anak ko, e, mabait din naman… hindi dahil sa anak ko siya, pero mabait yung bata.

Continue reading below ↓

“I’m sure hindi naman niya intensiyon na makasakit o may masabing may masasaktan ang kung sino man.

“But, ayun na nga, minsan kasi kung ano yung tama sa akin, maaaring mali sa ‘yo. Yung mali para sa ‘yo, maaaring tama sa akin.”

Sabi pa ni Lotlot kay Lolit, “Hindi naman po kayo sasagutin ni Janine.”

Isa raw iyon sa hinahangaan ni Lotlot sa anak.

Sabi ng magaling na aktres, “Yes! Actually, for all the kids.

“Kasi, if there’s one thing that I always tell my children is, ‘Before you say anything, pag-isipan ninyo muna nang isang daang beses bago kayo magsalita.’

“So, si Janine, knowing her, when she voices out her opinion, it may be taken against her, it may be taken constructively or negatively, but that is her opinion.

“So, may karapatan siya magsalita kung ano man iyon.”

Hindi pa nakakatrabaho ni Lotlot si Bong.

“No, but I know him personally, but I don’t think I’ve ever worked with Senator Bong.”

Continue reading below ↓

LOTLOT’S NEW MANAGER

Samantala, ngayong si Leo na ang manager ni Lotlot, umaasa ang aktres na mabibigyan siya ng mas maraming proyekto.

“Hopefully, yes, praying, because I want to work.

“Full management po, so he will, of course, guide me, and then sa trabaho, and communicate…

“Ayun, basta kung ano po… ako, I just want to work, gusto ko lang po talagang magtrabaho.”

Nauna na si Janine na i-manage ni Leo. Ang anak ba ang naghikayat sa kanyang magpa-manage na rin kay Leo?

Ayon kay Lotlot, “No actually… paano ba? Sabi ko, ‘Janine I want to work, I’ll talk kaya to Leo?’”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lotlot de Leon (left) when asked by Lolit Solis (center) if Janine Gutierrez (right) has an issue with Senator Bong Revilla: "Siguro po you and Janine should sit down and talk. I don’t think it’s right for me also to speak on her behalf, because she’s a grown woman already."
PHOTO/S: Instagram / Shaira Luna
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results