Pilita Corrales scolds granddaughter Janine Gutierrez over Bong Revilla tweet

by Arniel C. Serato
Feb 5, 2020
Asia's Queen of Songs Pilita Corrales tells granddaughter Janine Gutierrez: "You’re wrong! You are wrong! When you are wrong, you’re wrong."
PHOTO/S: Courtesy: @janinegutierrez on Instagram

Pinagalitan at sinita ni Pilita Corrales ang apong si Janine Gutierrez dahil sa negatibong reaksiyon ng Kapuso actress sa napipintong pagbabalik-telebisyon ni Senator Bong Revilla.

Sa live episode ng digital show nina Lolit Solis, Cristy Fermin, at Mr. Fu kahapon, February 4, sinabi ng Asia’s Queen of Songs na pinagsabihan niya si Janine dahil sa nasabing tweet.

Si Lolit ang talent manager ni Bong.

Si Janine ay apo ni Pilita sa anak na si Ramon Christopher at dating asawa nitong si Lotlot de Leon.

Sabi ni Pilita, “Bago ako mag-umpisa, Lolit, pinagalitan ko si Janine kahapon.

“I said, ‘You’re wrong! You are wrong! When you are wrong, you’re wrong.’

“Wala naman na siyang… Ang sabi niya, ‘Yes, Mita. Yes Mita.’"

Mita ang tawag ni Janine sa kanyang paternal grandmother.

Patuloy ng veteran singer, “Sometimes kasi, she just ano…

"Ang sabi ko, ‘You don’t do that, you don’t say that. Who do you think you are?’”

Continue reading below ↓

Nag-ugat ang isyu noong December 18, 2019, nang i-retweet ni Janine ang artikulo tungkol sa bagong show ni Bong sa Kapuso network.

Ayon sa artikulo, ngayong 2020 na muling mapapanood sa GMA-7 si Bong, sa bago nitong show na Agimat ng Agila.

Caption ni Janine sa ipinost na artikulo: “Oh God”

Lumikha ito ng samu’t saring reaksiyon mula sa netizens.

Gaya ng inaasahan, marami sa kampo ni Bong ang nag-ingay. Isa na rito si Lolit na sinabihan si Janine na wala pa itong napapatunayan kaya huwag magsalita.

Sa kabilang banda, marami namang netizens ang humanga sa young actress dahil nangahas itong magsalita tungkol sa pulitika kahit ang ganitong gawi ay maaaring makasira sa isang nasa showbiz.

Si Bong Revilla ay nakulong ng halos limang taon sa plunder charges. Noong 2014 inakusahan itong nambulsa ng P224million sa pamamagitan ng pagbibigay ng pera sa bogus organizations na hawak ni Janet Napoles. Noong 2018 na-acquit ng Sandiganbayan si Bong sa plunder charges. Ngunit pinag-post pa rin ito ng P480,000 bail para sa 16 pang graft charges na kinakaharap nito. Ang popular na star/politician ay nahalal muling senador nitong nakaraang eleksyon.

Continue reading below ↓

Si Janine ay ipinagtanggol ng kanyang inang si Lotlot, isang respetadong artista, at iba pang mga nasa showbiz, gaya ni Sandy Andolong, na malalim din ang filmography. Ngunit ngayon ay kinastigo ito ng kanyang lola na pamoso namang singer.

Sabi pa ni Pilita, “Sinabi ko talaga sa kanya na, ‘Sometimes, you just open your mouth and you don’t know. Maybe you meant, 'Oh my God, so exciting.’

“You didn’t do that, Janine.”

Sa kasalukuyan ay hindi pa sumasagot si Janine tungkol sa naging reaksiyon niya sa pagbabalik-telebisyon ni Senator Bong.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Asia's Queen of Songs Pilita Corrales tells granddaughter Janine Gutierrez: "You’re wrong! You are wrong! When you are wrong, you’re wrong."
PHOTO/S: Courtesy: @janinegutierrez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results