Lotlot de Leon on Pilita Corrales: "Minsan lang talaga may mga matanda na hindi karespe-respeto at walang pinagkatandaan!"

by Erwin Santiago
Feb 6, 2020
Hindi nangimi si Lotlot de Leon (kaliwa) na buweltahan ang dating biyenang si Pilita Corrales (kanan) dahil sa pagkastigo nito sa ere sa apong si Janine Gutierrez (in stripes).
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

Damang-dama ang pagsambulat ng galit ni Lotlot de Leon sa kanyang Facebook posts nitong Miyerkules, February 5.

Hindi tinukoy ng 48-year-old actress kung kanino nakadirekta ang kanyang nagpupuyos na galit, ngunit malinaw na ang pinatatamaan niya rito ay walang iba kundi ang Asia's Queen of Songs na si Pilita Corrales.

Si Pilita, 80, ang ina ni Ramon Christopher Gutierrez, ang dating asawa ni Lotlot at ama ng mga anak nito.

Si Lotlot ay kasal na ngayon sa Lebanese businessman na si Fadi El Soury.

Ang Facebook posts ni Lotlot ay malinaw na reaksiyon sa naging pahayag ni Pilita sa live episode ng digital show nina Lolit Solis, Cristy Fermin, at Mr. Fu noong February 4.

Ibinoluntaryo ng veteran singer sa hosts na sinabihan nito ang apong si Janine Gutierrez ng "Who do you think you are?" dala ng negatibong reaksiyon ni Janine sa pagbabalik-telebisyon ni Senator Bong Revilla.

Ang senador, 53, ay alaga ni Lolit sa showbiz career nito.

Continue reading below ↓

Si Janine, 30, ang panganay sa apat na anak nina Lotlot at Ramon Christopher.

Ito ang sinabi ni Pilita: “Bago ako mag-umpisa, Lolit, pinagalitan ko si Janine kahapon.

“I said, ‘You’re wrong! You are wrong! When you are wrong, you’re wrong.’

“Wala naman na siyang… Ang sabi niya, ‘Yes, Mita. Yes Mita.’

“Sometimes kasi, she just ano…

"Ang sabi ko, ‘You don’t do that, you don’t say that. Who do you think you are?’

“Sinabi ko talaga sa kanya na, ‘Sometimes, you just open your mouth and you don’t know. Maybe you meant, 'Oh my God, so exciting.’

“You didn’t do that, Janine.”

LOTLOT DE LEON: "AKO KAYA MAGSABI WHO I THINK YOU ARE?"

Sa Facebook, hindi nangimi si Lotlot maghayag ng disgusto sa pagkastigo ni Pilita kay Janine sa ere.

Mensahe ng anak nina Nora Aunor at Christopher de Leon (published as is): "Mabuti na lang marunong ako rumespeto sa ma tanda!!!

Continue reading below ↓

"Pero Minsan lang talaga may mga matanda na hindi ka resperespeto at walang pinagkatandaan!

"Minsan din ang mga sinungaling kawawa kase sa sobra nilang gusto na sila ang pakinggan kung ano anong storya ang sasabihin nila.

"I never said anything in the many years! This might be the first!!! Don’t push me!!!"

Malamang na ang tinutukoy ni Lotlot dito ay ang mga taóng nagkasama sila ni Ramon Christopher at ang mga kuwento-kuwento tungkol sa papel sa buhay nila ng ina ni Monching.

Buwelta pa ni Lotlot kay Pilita: "WHO DO YOU THINK YOU ARE??!!??? ???? Talaga???!!! Yan ang bitaw mo?!?!?

"Ako kaya mag sabi who I think you are!!!"

Kasunod nito ang mahabang mensahe ni Lotlot sa Instagram tungkol sa pamilya at ang pagbibigay ng respeto.

Kalakip ang isang group photo ng mga miyembro ng pamilya, saad ng aktres (published as is):

"Pinaghirapan namin ito.. itong relasyon naming lahat para mabuo, maging isa.. we have learned to set aside our differences, we have learned to forgive.

Continue reading below ↓

"Oo, Hindi naging madali.. it took years to build..but one thing's for sure ang RESPETO namin para sa isa't isa ay andyan.

"We have learned through the years on how to talk, as a FAMILY.

"Hindi kami perpekto, we have misunderstandings, pero ang isa sa hindi namin gagawin kahit kailan ay ipangalandakan sa buong mundo ang pagkakamali ng isa.

"Hindi kame Manlaglag just because we feel or think na mali ang isa!

"Family is suppose to be about trust, trust that you can tell them anything without judgement.

"Understanding the other. Personally give advices, solicited or unsolicited na hindi na kakababa ng pagkatao!

"And TRUTH. You don't bring one down just to prove na tama ka!

"We don't do that! Because nobody deserves to be treated that way!

"We have never crossed that line because we know it's WRONG!

"Ang pamilya ay pamilya kahit ano ang mangyare!

"I will always protect my FAMILY! No matter what it takes."

Continue reading below ↓

LOTLOT-PILITA FEUD

Hindi kaila sa publiko na hindi maayos ang naging relasyon nina Lotlot at Pilita, bago pa man na-annul ang kasal ng aktres kay Ramon Christopher noong 2008.

Ito ay bunga na rin diumano ng pagiging overprotective at pagiging enabler ni Pilita kay Monching, palayaw ni Ramon Christopher, na anak niya sa veteran actor na si Eddie Gutierrez.

Continue reading below ↓

Lalo pang umalat ang relasyon sa pagitan nina Lotlot at Pilita nang magdesisyon si Lotlot na hiwalayan si Monching.

Nagbitiw ng mga maaanghang na salita si Pilita laban kay Lotlot noon.

Sa taped interview ni Pilita sa defunct showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz, noong May 2008, inilarawan nito ang relasyon nila ni Lotlot.

Pahayag ng Asia's Queen of Songs: "She hasn't spoken to me dahil galit talaga siya sa akin. I don't know why.

"Pero wala naman akong kagalit sa mundo, siguro siya lang ang may galit sa akin.

"Pero if it makes her happy, no problem."

Sa live interview naman ni Lotlot sa parehong programa, tinanong siya ng host na si Boy Abunda kung may kinikimkim siyang sama ng loob kay Pilita.

"Hindi po ko galit sa kanya," sagot ng aktres kasabay ng pagbagsak ng luha nito.

"Nasaktan lang talaga ako kasi umalis ako ng bahay na walang dala.

Continue reading below ↓

"Umalis ako limang daan ang pera ko, P500. I rented a house, ang kasama ko si Matet. Nangutang ako kay Tita Angge, and para sabihin na..."

Ang tinukoy ni Lotlot na "Matet" ay ang kanyang nakababatang kapatid na si Matet de Leon.

Ang "Tita Angge" naman na binanggit ng aktres ay ang dati niyang talent manager na si Cornelia Lee, na pumanaw noong 2017.

Patuloy ni Lotlot: "Siyempre, I practically grew up with Mamita, and I know that whatever she says is because she loves Monching very much, and that I respect.

"Sino ba ang hindi magmamahal na ina sa anak?"

Mamita ang palayaw ni Pilita sa mga kamag-anak.

Ngunit inamin ni Lotlot na labis siyang nasaktan sa mga binitiwang salita ng dating biyenan at sa mga pag-aakusa raw nito sa kanya noong kasagsagan ng hiwalayan nila ni Monching.

"I was expecting, since I was married to Monching for thirteen years, kahit papaano kilala niya ako bilang tao.

Continue reading below ↓

"At para marinig ko from her na nanlalaki ako o gusto kong mag-asawa ng mayaman, masakit para sa akin yun," hinaing ni Lotlot.

"But, you know, I have learned to move on. I have learned to accept the fact na mahal na mahal lang talaga niya si Mon.

"And because of that and because of the love that she gives my children, okay na sa kin ‘yon.

"Di bale na ako, okay lang ako, kaya ko naman, e. Okay lang."

Ikinasal sina Lotlot at Monching—dating sikat na young love team—sa isang civil ceremony na ginanap sa Club Filipino noong 1989.

Noon ay 18-anyos pa lang si Lotlot, at 20 naman si Monching.

Naghiwalay sila noong 2003.

Noong March 2007 ay nag-file si Lotlot ng petition for annulment sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC).

Pagkalipas ng mahigit isang taon, noong April 24, 2008, idineklara ng QCRTC na null and void ang kanilang kasal dahil wala pa sa legal age si Lotlot nang ikasal sila ni Monching.

Continue reading below ↓

Iniutos din ng korte na maghati sina Lotlot at Monching sa kustodiya ng kanilang apat na anak.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi nangimi si Lotlot de Leon (kaliwa) na buweltahan ang dating biyenang si Pilita Corrales (kanan) dahil sa pagkastigo nito sa ere sa apong si Janine Gutierrez (in stripes).
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results