Pops Fernandez naiyak sa pagkukuwento tungkol sa special bond sa anak nina Martin at Katrina

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Feb 6, 2020
PHOTO/S: Screenshot

Naging emosyonal si Pops Fernandez sa kanyang pagkukuwento tungkol sa pagiging close niya sa anak ni Martin Nievera kay Katrina Ojeda na si Santino.

Video: GMA News.

Si Katrina ang itinuturo noong naging dahilan ng paghihiwalay ng dating mag-asawang Pops at Martin. Magkahiwalay na rin ngayon sina Martin at Katrina, pero nananatili pa rin silang magkaibigan.

Ibinahagi ni Pops sa presscon ng nalalapit nilang concert ni Martin na TWO-gether Again, na nakasama niyang nag-celebrate nung nakaraang Pasko sina Martin at kanilang mga anak na sina Ram at Robin, at sina Katrina at Santino.

Kuwento ni Pops sa presscon, hindi raw naging madali sa kanya na kalimutan nang lahat ang nangyari sa kanilang tatlo nina Martin at Katrina, pero nang makita't makasama na niya si Santino, mas lalo niyang naisip na kailangang maging maayos na ang lahat sa kanilang tatlo.

Nagkaroon daw agad ng special bond sina Pops at Santino nang magkasama sila.

Ani Pops sa interview sa kanya ni Lhar Santiago ng 24 Oras, "I didn't expect that we will have that love for each other. It's an automatic thing."

Continue reading below ↓

Na-appreciate naman ni Martin ang pagmamahal na ito ni Pops sa kanyang anak.

"A lot of people don't know this, but my son is on the spectrum.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Kasama din yun sa love niya kay Santino," sabi pa ni Martin tungkol sa pagtrato ng dating asawa sa kanyang anak kay Katrina.

Samantala, panoorin sa report na ito ang pagbabalik-tanaw sa naging pag-usbong ng romansa noon sa pagitan nina Pops at Martin, mula sa pagiging magkaibigan at co-hosts sa lingguhang late-night show ng GMA-7 na The Penthouse Live, hanggang sa kanilang kasal nung 1986.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Screenshot
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results