John Lloyd Cruz spotted with Bea Alonzo at Makati restaurant

by Rachelle Siazon
Feb 6, 2020
Are John Lloyd Cruz and Bea Alonzo brewing a project together or just catching up?
PHOTO/S: @janelaizacatudio via @beajohnlloydforever / CTTO @beajohnlloydforever Instagram

Mailap pa rin sa showbiz si John Lloyd Cruz, kaya agaw-pansin ang muling pagkikita nila ng Kapamilya actress at perennial leading lady niyang si Bea Alonzo.

Sinasabing namataan silang magkasama sa isang restaurant sa Poblacion, Makati City.

Base ito sa mga litrato nina Bea, 32, at John Lloyd, 36, na kumalat sa social media kahapon, February 5.

Naka-matching black outfit sina John Lloyd at Bea. Black button-down shirt at denim pants ang suot ni John Lloyd, habang naka-black shirt at black leather jacket naman si Bea.

Kung susuriin, malinaw na pumayag silang makunan ng litrato kasama ang ilang staff ng restaurant.

May solong kuha si John Lloyd, at may solong kuha rin si Bea, kasama ang mga naroon.

Continue reading below ↓

Hindi magkasama sina John Lloyd at Bea sa pictures.

Pero isang lalaking puti ang suot na damit ang nagpa-picture kasama si Bea, at hagip sa likuran nila ang isang lalaking katindig at kapareho ng buhok ni John Lloyd.

Tugma rin ito sa naunang picture ni John Lloyd na may sukbit na itim na backpack bag.

Continue reading below ↓

Nagpakuha rin ng picture ang lalaking puti ang damit kasama si John Lloyd.

Sa puntong ito ay nahagip din sa likuran nila ang babaeng katindig at kapareho ng haba ng buhok ni Bea.

Nakatalikod ang hinihinalaang si Bea, na tugma ang suot na leather jacket at handbag sa naunang picture ng aktres.

Continue reading below ↓

Iisa ang lugar kung saan nakunan ang mga litrato, pati na ang mga taong nagpa-picture kina John Lloyd at Bea.

Kaya hindi maitatatwang nagkrus ang landas ng dalawang stars.

Kung may iba pa silang kasamang kumain doon sa restaurant ay hindi mahihinuha sa mga larawan.

CONSTANT COMMUNICATION

Minsan nang nasabi ni Bea na patuloy ang komunikasyon nila ni John Lloyd sa kabila ng mahigit dalawang taong showbiz hiatus ng aktor.

Malalim ang pinagsamahan nina John Lloyd at Bea, lalo pa't magkatambal sila sa walong pelikula at pitong teleserye sa ABS-CBN.

Noong September 21, 2019, magkatabi silang nanood ng stage play na Himala: Isang Musikal, sa Power Mac Center Spotlight sa Makati.

Nagtambal din sila sa isang endorsement na kinunan sa El Nido, Palawan, noong June 2019.

"We never lost contact. Hindi naman kami ever yung hindi nakapag-usap," saad ni Bea sa panayam ng PEP.ph noong July 2019.

"Once in a while magte-text iyan, 'Kamusta ka?' Ako rin ganun sa kanya.

Continue reading below ↓

"Pero hindi na siyempre kagaya dati na palagi kami nagkikita..."

BREWING PROJECT OR JUST CATCHING UP?

Sa muling pagkikita nina Bea at John Lloyd ngayong 2020, na-excite ang kanilang fans sa posibilidad na muling magbalik-tambalan ang dalawa sa pelikula.

Hindi pa rin nila malimutan ang iconic teamup nina John Lloyd at Bea, bilang Popoy at Basha, sa pelikulang One More Chance noong 2007.

Nagkaroon iyon ng sequel, ang A Second Chance, na ipinalabas noong November 2015.

Sa ngayon, ang nakapilang proyekto ni Bea sa ABS-CBN ay ang teleseryeng Kahit Minsan Lang, kung saan katambal niya si Richard Gutierrez.

Si John Lloyd ay abala rin sa paggawa ng pelikulang Servando Magdamag, mula sa direksiyon ni Lav Diaz at sa panulat ni Ricky Lee.

Huling napanood si John Lloyd sa kanyang special cameo appearance sa 2019 Metro Manila Film Festival entry na Culion.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Are John Lloyd Cruz and Bea Alonzo brewing a project together or just catching up?
PHOTO/S: @janelaizacatudio via @beajohnlloydforever / CTTO @beajohnlloydforever Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results