Sam Concepcion says he will court Janella Salvador if the actress is single

Feb 6, 2020
Sam Concepcion (left) on Janella Salvador (right): “Marami akong gusto about her. Janella is a very dedicated actress. She’s very good. She’s also a singer... Gusto ko siyang makatrabaho ulit."
PHOTO/S: @sam_concepcion, @superjanella on Instagram

Aminado si Sam Concepcion na marami siyang nagustuhan kay Janella Salvador matapos niya itong makatrabaho.

Nagkasama sina Sam, 27, at Janella, 21, sa katatapos lang na ABS-CBN primetime series na The Killer Bride.

Ka-love team ni Janella sa serye ang nali-link sa kanya ngayong si Joshua Garcia, 22 anyos.

Pero ilang araw matapos umere ang finale ng The Killer Bride, lumutang ang espekulasyon ng fans na may selosan daw sa pagitan nina Sam at Joshua.

Pinagbatayan ng fans ang mga litratong kuha sa after-party ng The Killer Bride finale noong January 17.

Sa unang litrato, makikitang nag-uusap sina Sam at Janella sa pagkakaupo sa harap ng mesa, habang matamang nakatingin sa kanila si Joshua, na katabi ni Janella.

Sa ikalawang litrato, kinabig ni Joshua si Janella palapit sa kanya, habang nakikipag-usap naman si Sam sa hindi ipinakitang katabi sa kabilang upuan.

LOVE TRIANGLE?

Sa interview ni Sam sa Tonight With Boy Abunda nitong Miyerkules, February 5, itinanggi ng singer-actor ang maintrigang kuwento sa likod ng dalawang litrato.

Continue reading below ↓

“That’s not... I wouldn’t say that’s the story!” natatawang sabi ni Sam.

Tiniyak din ni Sam na magkakaibigan sila nina Joshua at Janella.

Nagpukol din ng tanong ang host na si Boy Abunda mula sa isang Facebook user: may gusto ba si Sam kay Janella?

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Natigilan 'tsaka natawa si Sam bago sumagot: “Marami akong gusto about her.

“Janella is a very dedicated actress. She’s very good.

“She’s also a singer.”

Pero kinumpirma ni Sam ang isang “gusto” niya kay Janella.

“Gusto ko siyang makatrabaho ulit,” sabi ng singer-actor.

Kasunod nito, may hypothetical question si Boy: kung sakaling single ngayon ang young actress, liligawan ba ito ni Sam?

Dalawang magkasunod na “yes” ang isinagot ni Sam.

Single ngayon si Sam, na ang huling nakarelasyon ay si Kiana Valenciano.

IS JANELLA SINGLE?

March 2019 pa nali-link si Janella sa Kapamilya actor na si Markus Paterson, 21 anyos.

Pero hanggang ngayon ay walang direktang pag-amin mula kina Janella at Markus tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Continue reading below ↓

Samantala, bagamat inili-link ngayon kay Janella si Joshua, “friend” ang paglalarawan ng young actress sa kanyang love team partner.

Mababasa sa Instagram post ni Janella para kay Joshua nitong January 20: “I’m glad I found a friend in you— one that is so much like me.”

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sam Concepcion (left) on Janella Salvador (right): “Marami akong gusto about her. Janella is a very dedicated actress. She’s very good. She’s also a singer... Gusto ko siyang makatrabaho ulit."
PHOTO/S: @sam_concepcion, @superjanella on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results