Yassi and Issa Pressman's father passes away

by Jojo Gabinete
Feb 6, 2020
Ronald Pressman, father of actresses Yassi and Issa Pressman, passed away at the age of 90, Thursday, February 6.
PHOTO/S: Instagram

Nagluluksa ang magkapatid na Yassi at Issa Pressman dahil sa pagpanaw ng kanilang ama na si Ronald Pressman ngayong Huwebes, Pebrero 6.

Mga kumplikasyon dala ng katandaan ang dahilan ng pagpanaw ng 90-year-old British father ng Pressman sisters, sa St. Luke’s Medical Center, Bonifacio Global City, Taguig City.

Bago ito ay nagkaroon ng heart attack si Ronald noong Pebrero 2.

Nakaburol ang mga labi ng ama nina Yassi at Issa sa Chapel A and B ng Arlington Memorial Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City.

PRESSMAN SISTERS

Ngayong hapon ay nag-post ng mensahe si Issa sa Instagram para sa yumaong ama.

Pahayag ni Issa: "If you met my father, I bet he made you smile or laugh once if not more.

"He was charming, always smiling, and had a great sense of humour.

"He always saw the brighter side of things, no matter the situation.

"No wonder why you lived such a great and long life, you were always so positive.

Continue reading below ↓

"You were a happy ball energy Papa.

"Loving you, Your baby"

Masakit man ang nangyari, maluwag sa kalooban na tinanggap ni Yassi ang pagkawala ng kanyang ama.

Sa mga interbyu noon kay Yassi, hindi nito nakakalimutang pasalamatan ang ama niyang solo na nagpalaki sa kanila ni Issa.

Sa guesting ng mag-ama sa Magandang Buhay ng ABS-CBN noong October 2018, napaiyak si Yassi habang sinasabi nito sa tatay niya na magpalakas.

Continue reading below ↓

Nangako rin si Yassi na aalagaan nito ang ama.

"I’m just going to promise that I will always take care of you, because you’re my Papito, you’re my macho.

"You just promise to be strong always."

Sagot naman ng tatay niya, "I will. That’s to show my appreciation for your presence.

"I will, I will, I will."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ronald Pressman, father of actresses Yassi and Issa Pressman, passed away at the age of 90, Thursday, February 6.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results