Derek Ramsay explains "inappropriate" outfit on his date with "Miss Uganda"

by Arniel C. Serato
Feb 6, 2020
Derek Ramsay and girlfriend Andrea Torres prepare a sumptuous dinner for Atuhumurize Evelyne, a nanny from Uganda who wished for a dinner date with the Kapuso hunk.
PHOTO/S: Courtesy: @ramsayderek07 / @andreaetorres on Instagram

Tinupad ng Kapuso hunk na si Derek Ramsay ang hiling ng isang nanny mula sa Uganda na maka-date siya nito.

Ngunit pinuna ng ilang netizens ang suot na sando at sumbrero ni Derek sa kanilang date, samantalang pinaghandaan daw nang husto ang pagkikita nila ng Ugandan nanny na si Atuhumurize Evelyne.

Nagsimula ang kuwento ng date nina Derek at Evelyne nang dumulog ang huli sa Wanted sa Radyo program ni Raffy Tulfo, sa Radyo Singko, noong January 25, 2020.

Isang taon nang nasa Pilipinas si Evelyne, na binabansagan ngayong "Miss Uganda."

Nagtatrabaho siya bilang nanny, o tagapag-alaga, sa isang Pinay na propesor na nakilala niya sa Uganda. Siya ay sumasahod ng P4,500 kada buwan bilang nanny.

Ayon kay Evelyne, noong una ay maayos ang pakikitungo sa kanya ng amo.

Ngunit kalaunan daw ay naging selosa ito dahil napalapit si Miss Uganda sa mga kamag-anak ng kanyang amo.

Lumapit si Miss Uganda sa programa ni Tulfo upang mabawi ang kanyang passport mula sa amo, dahil overstaying na siya sa bansa at kailangan na niyang makauwi sa Uganda.

Continue reading below ↓

Nangako naman ang kapatid ng amo ni Miss Uganda na makukuha nito ang kanyang passport.

Sasagutin din daw nila ang plane ticket nito pabalik ng Uganda, pati na ang bayad sa pag-o-overstay nito sa Pilipinas.

DATE WITH DEREK RAMSAY... AND ANDREA TORRES!

Sa isang bahagi ng programa, binanggit ni Miss Uganda kay Raffy ang kanyang kahilingang makilala nang personal si Derek Ramsay.

Sabi ni Miss Uganda: “When I was coming here, the immigration in Uganda asked me, ‘Evelyne, what are you going to do in the Philippines?’

“And that time, the next day was Valentine's, ‘I want to go and spend it with Derek Ramsay.'”

Dagdag niya: “He was my best actor of all time.

“I think, if he was born in Uganda, I wouldn’t think I’m still single. I’ve already been married.

“Trust me, I will go right away [to that date].”

Continue reading below ↓

Bilang malapit na kaibigan ni Raffy si Derek, tinupad ng brodkaster ang hiling ni Miss Uganda.

Naganap ang pinakahihintay na dinner date ni Miss Uganda kay Derek noong January 31 sa bahay ng aktor sa Alabang.

Kasama ni Derek na humarap kay Miss Uganda ang kanyang girlfriend na si Andrea Torres.

Pero bago ang pinakaasam-asam na date ni Evelyne kay Derek, dumaan muna si Evelyne sa programa ni Raffy sa Radyo Singko.

Dito ay binigyan siya ng brodkaster ng accessories at iba pang regalo.

Kabilang sa mga ibinigay ni Raffy ay Swarovski bracelet, earrings, necklace, isang mamahaling singsing, Bomerce watch, at Aldo bag.

Bukod pa rito, ang sasakyan ni Miss Uganda papunta sa bahay ni Derek ay Mercedes-Benz limousine na may back-up car pa at bodyguards.

Continue reading below ↓

Laking galak naman ni Evelyne sa mga inihandog ni Raffy si kanya.

Sa kanilang vlog sa YouTube, ibinahagi nina Andrea at Derek ang preparasyon nila para sa dinner date kasama si Miss Uganda.

NETIZENS' REACTION

Maraming netizens ang pumuri kay Derek dahil sa pag-accommodate nito kay Evelyne.

Ngunit may ilan namang kinuwestiyon ang kanyang suot na sando sa kanilang dinner date.

Continue reading below ↓

Komento ng isang netizen: “medyo disappointed ako sa meeting nyo ni miss uganda, pinaghandaan nya yung meeting nyo tapos ikaw nakasando at sumbrero pa while nasa table, napaka inapproapriate mo @ramsayderek07 but anyways salamat for granting her wish.”

Magalang naman itong sinagot ng aktor.

Ayon kay Derek: “dear i didnt know she was getting fully dressed and made up.

Continue reading below ↓

"She wanted to meet me and i wanted to make her happy before she goes home.

"I invited her to my home so that its more private."

EVELYNE RETURNS TO UGANDA

Nitong February 3, Lunes, bumalik muli si Evelyne sa programa ni Raffy upang magpasalamat.

Feeling nasa Cloud 9 pa rin ito sa nangyaring dinner date nila ng paborito niyang aktor.

Continue reading below ↓

Pero bago siya lumipad pabalik ng Uganda, binigyan naman siya ni Raffy ng $1,000 mula sa sariling bulsa nito, isang Kate Spade bag, at isang Chanel bag.

May iniabot din si Raffy na isang envelope na naglalaman ng $3,000 mula raw sa isang di nagpakilalang donor.

Pero nag-insist daw si Raffy sa donor na pangalanan na niya ito para mapasalamatan.

Ang nasabing halaga ay mula pala kay Senator Manny Pacquiao.

Laking tuwa naman ni Evelyne na makakauwi siya ng kanilang bansa na may pera para makatulong sa kanyang mga kapatid.

Malaking halaga raw ang $4,000, o lagpas P200,000, sa kanilang bansa.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay and girlfriend Andrea Torres prepare a sumptuous dinner for Atuhumurize Evelyne, a nanny from Uganda who wished for a dinner date with the Kapuso hunk.
PHOTO/S: Courtesy: @ramsayderek07 / @andreaetorres on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results