Janno Gibbs no longer regrets past mistakes

by Rey Pumaloy
Feb 7, 2020
Janno Gibbs: "Hindi ako maggi-give up kahit matagal akong hindi gumagawa, marami akong negative write-ups, mga comments. Kasi, eto talaga ang mahal ko, wala naman akong ibang gustong gawin, na talagang acting at singing lang ang gusto ko.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Patapos na ang shooting ng Viva movie na Mang Jose, kung saan bida si Janno Gibbs.

Kasama sa pelikulang ito ang asawa niyang si Bing Loyzaga at ang dati niyang ka-love team na si Manilyn Reynes.

“Kanina, pinapanood ko sa screen yung presentation ng mga coming movies ng Viva, kinikilig ako,” sabi ng 50-anyos na singer-comedian nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Viva 2020 Vision presscon noong Enero 28, Martes, sa Novotel Hotel, Araneta City, Quezon City.

“Siyempre, excited ako. Ang tagal na akong di gumagawa ng movies, e.”

Minsang nalagay sa alanganin ang showbiz career ni Janno kaugnay sa isyu ng pagiging unprofessional.

Naisip ba niyang magbibida pa rin siya sa pelikula ngayong millennials ang umaariba?

“I’ve always wished. Kasi, twenty years akong hindi gumawa, e,” nakangiting pag-amin ni Janno.

“Siyempre, nasa puso ko, gusto ko pa sanang gumawa ng pelikula.

“But, hindi magiging possible ‘yan kung hindi dahil kay Boss Vic [del Rosario].

Continue reading below ↓

“Kasi, lumipat lang naman ako sa Viva, bumalik na lang ako uli two years ago or last year. Very thankful.

“Kung hindi dahil sa kanila, hindi magkakatotoo ang dreams ko na makagawa uli ng movie... Pero, personally, passion ko.

"Hindi ako maggi-give up kahit matagal akong hindi gumagawa, marami akong negative write-ups, mga comments.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Kasi, eto talaga ang mahal ko, wala naman akong ibang gustong gawin, na talagang acting at singing lang ang gusto ko.”

May pinagsisihan ba siya, na dapat hindi niya ginawa sa kanyang career?

Nag-isip muna ang aktor at saka nagsalita, “Dati siguro, noong bata-bata ako, pinagsisihan ko ang mga pagkakamali ko.

“Pero now, parang wala nang point para magsisi ka, e. Bumawi ka na lang.

“Siyempre, hindi mo makakalimutang bumawi… sa asawa ko!” sabay tawa ni Janno.

“Hindi, sa lahat ng aspeto.”

Kasali rin si Janno sa Viva movie na A Hard Day, na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.

Continue reading below ↓

Ganoon din sa Pakboys, kasama sina Andrew E, Dennis Padilla, Jerald Napoles, Ana Roces, at Angelu de Leon.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janno Gibbs: "Hindi ako maggi-give up kahit matagal akong hindi gumagawa, marami akong negative write-ups, mga comments. Kasi, eto talaga ang mahal ko, wala naman akong ibang gustong gawin, na talagang acting at singing lang ang gusto ko.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results