Heart Evangelista helps Taal eruption-affected animals; calls for more aid

Feb 7, 2020
Heart Evangelista on Wednesday, February 5, joins a group from Philippine Animal Welfare Society in feeding hundreds of animals that were abandoned by their owners following the Taal Volcano eruption last January 12.
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram

Kasabay ng pagtulong sa relief operations ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS), nanawagan si Heart Evangelista ng karagdagang financial aid para sa daan-daang hayop na naapektuhan ng pagsabog ng Taal Volcano sa Batangas.

January 12, 2020 nang sumabog ang Bulkang Taal, at libu-libong pamilya sa mga bayan na nakapaligid sa bulkan ang kinailangang mag-evacuate dahil sa matinding ashfall.

Biglaan ang paglilikas, partikular sa mga lugar na malapit sa bulkan, kaya naman maraming evacuees ang napilitang iwan ang mga alaga nilang hayop.

Ang ilan sa mga hayop, binalikan ng mga may-ari sa kanila o kaya naman ay nasagip ng animal rescue groups.

Pero marami pa ring hayop ang nananatili sa mga lugar na labis sinalanta ng ashfall.

DAILY RELIEF OPERATIONS

Nitong January 26, ibinaba ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 3 ang Taal, at pinayagan na ring makauwi ang ilang evacuees.

Dahil dito, naipagpatuloy ng PAWS ang araw-araw nitong relief operations sa mga naiwang hayop sa Batangas.

Continue reading below ↓

Nitong Huwebes, magkakasunod ang Instagram posts ni Heart, 34, tungkol sa pagsama niya sa pagbisita ng PAWS noong Miyerkules, February 5, sa mga abandonadong hayop.

Si Heart ang spokesperson ng PAWS.

Sa unang litrato, makikitang nakasuot si Heart ng PAWS volunteer shirt, black cap, at N95 mask habang karga ang isang tuta.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Saad sa caption ni Heart: “Don’t worry little one, we’re all doing what we can to give all of you the love and care you need during this time. [heart, dog face emojis] @pawsphilippines #taalvolcano #PAWSphilippines.”

Continue reading below ↓

Sinundan ito ng actress-fashion icon ng pagpo-post ng kanyang selfie kasama ang isang aso, at ang television director na si Rich Ilustre.

Tulad ni Heart, ilang taon na ring volunteer ng PAWS si Direk Rich.

Pinasalamatan ni Heart ang direktor: “Shoutout to direk @richilustre who I’ve been working with for @pawsphilippines for 13 years now!

“Grateful for everything we have done together and I’m happy to be by your side as you make the world a better place for all our furry friends out there. [heart, dog face emojis] #taalvolcano #PAWSPhilippines.”

Continue reading below ↓

Sumagot ang direktor: “It only takes a single step to start a journey and I’m glad to be taking that journey with PAWS and with you.”

HEART PAYS TRIBUTE TO VOLUNTEERS

Sa ikatlong post ni Heart, kasama niya sa litrato ang iba pang PAWS volunteers.

Binigyang-pugay ng social media influencer ang lahat ng tuluy-tuloy na nagmamalasakit para maayudahan ang mga naabandonang hayop.

Continue reading below ↓

Kinilala rin niya ang buwis-buhay na kabayanihan ng volunteers na araw-araw bumibisita sa mga hayop upang pakainin ang mga ito.

Caption ni Heart: “Taal has been on lock down for weeks now but was finally able to go yesterday because of @pawsphilippines to help these animals. [heart emoji]

“To everyone who has been helping with the welfare of animals that were left behind, and risking their lives appeal by going to Taal, you truly are heroes. [praying hands emoji] #taalvolcano #pawsphilippines”

Continue reading below ↓

APPEALS FOR AID

Kaugnay nito, idinaan ni Heart sa Twitter ang panawagan niya nitong Miyerkules para sa financial aid.

Ang pera ay gagastusin sa pagkain, gamot, at iba pang pangangailangan ng mga hayop na naabandona sa Batangas.

“Still so much is needed to help the animals here in taal [praying hands emoji] medical , food and other supplies [praying hands emoji] follow @PAWSPhilippines to see how else you can help . No amount is too small [heart emoji]”

Continue reading below ↓

Kabilang si Heart sa mga unang nagbigay ng donasyon sa PAWS sa kasagsagan ng pagre-rescue ng grupo sa ilang abandoned animals sa Batangas.

FEEDING MORE THAN 400 ANIMALS

Batay sa Facebook post ng PAWS nitong Huwebes, mahigit 400 hayop—kabilang ang mga aso, pusa, at manok—ang araw-araw na binibisita at pinapakain ng grupo sa Batangas.

Nakasaad din sa post na namahagi ang PAWS ng pet food at chicken feed sa ilang pet owners na nagsiuwi na mula sa evacuation centers.

Sa huli, nagpaabot ng pasasalamat ang PAWS sa lahat ng nag-donate para sa mga hayop na naapektuhan ng pagsabog ng Taal.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heart Evangelista on Wednesday, February 5, joins a group from Philippine Animal Welfare Society in feeding hundreds of animals that were abandoned by their owners following the Taal Volcano eruption last January 12.
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results