Are Ryle Santiago and Sammie Rimando an item?

by Rachelle Siazon
Feb 7, 2020
Hashtag Ryle Santiago and GT member Sammie Rimando get teased about their growing closeness on and off cam.
PHOTO/S: @hashtag_ryle Instagram

Totohanan na ba ang kilig sa pagitan nina Ryle Santiago at Sammie Rimando?

Si Ryle, 21, ay miyembro ng Hashtags, ang all-male dance group sa ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

Si Sammie, 22, ay kabilang sa all-female group sa It's Showtime na GT o dating kilala bilang Girl Trends.

Noong Miyerkules, February 5, nag-post si Ryle ng litrato nila Sammie bilang birthday greeting sa dalaga.

Kuha iyon nang iangkas ni Ryle sa kanyang motor si Sammie.

Continue reading below ↓

Birthday cake at heart emojis ang simpleng caption ni Ryle.

Isang kakila ni Ryle, si @msjlouiese, ang nag-comment ng "Angkas driver ka nga!!! @hashtag_ryle"

Sagot ni Ryle, "only for one special passenger ate jean"

Nag-comment din si Sammie, at sinabing kinabahan siya nang dumaan sila ni Ryle ng EDSA sakay ng motor.

Continue reading below ↓

"juskupu di na ako mag eedsa ng naka motor [laughing emoji]"


Kinilig nang husto ang netizens na sumusuporta kina Ryle at Sammie, na nagkakatambal sa skits sa It's Showtime.

Tanong nila kina Ryle at Sammie: "Kayo na?"

REEL OR FOR REAL?

Nag-ugat ang panunukso kina Ryle at Sammie dahil sa ginawa nilang "MAGJOWA FOR A DAY" challenge para sa vlog ng binata noong January 9.

Continue reading below ↓

Isang buong araw silang nag-date sa mall at nagpalagay ng ear piercings bilang bahagi ng challenge.

Pero panay ang hirit ni Ryle na gusto niyang totohanin ang pagkakamabutihan nila ni Sammie.

"Yung saya ko, totoo," saad ni Ryle sa isang bahagi ng video.

Tanong ni Sammie, "Bakit?"

Sagot ni Ryle, "Kasi kahit walang challenge, gusto ko pa rin gawin 'to, e."

Habang kumakain sila ng ice cream ay humirit ulit si Ryle.

Tanong ng binata kay Sammie, "Alam ba ng mommy mo na love mo ako?"

Sabi ni Sammie, "Nasagot ko na kanina, wala nang ulitan."

Pangungulit pa rin ni Ryle, "Alam ba ng mommy mo na love mo ako?"

Tila nahihiya si Sammie na pasimpleng kinurot si Ryle.

Pero maya-maya pa ay sumagot ang dalaga ng "Oo."

Noong araw ring iyon ay isinama rin daw ni Ryle si Sammie sa pagbisita ng binata sa kanyang stepfather na si Chris Tan na nasa ospital.

Continue reading below ↓

Naroon din daw ang ina ni Ryle at aktres na si Sherilyn Reyes.

Pero hindi na ipinakita ni Ryle sa video ang bonding nila ni Sammie kasama ang kanyang mga magulang.

COLLEAGUES ROOTING FOR RYLE-SAMMIE

Samantala, ilan sa mga katrabaho nina Ryle at Sammie ay panay ang tukso sa pagiging malapit ng dalawa.

Ito ay matapos i-post ni Ryle sa Instagram ang litrato nila ni Sammie mula sa kanilang "MAGJOWA FOR A DAY" date.

Continue reading below ↓

Sabi ng kapwa-GT member ni Sammie na si Chie Filomeno, "Bakit hindi na lang totohanin?"

Sumagot si Ryle ng isang monkey with hands on the mouth emoji.

May comment din ang Pinoy Big Brother ex-housemate na si Elisse Joson.

"Cute niyo," ani Elisse.

"Salamuch," sagot ni Ryle.

Noong January 11, nag-post ulit si Ryle ng litrato nila ni Sammie.

Continue reading below ↓

May comment dito ang dating Hashtag member at ngayo'y Kapuso actor na si Jon Lucas.

Ani Jon, "first time ko mafeel na totoo yung ngiti mo sa isang photo [smile covering mouth]"

Sagot ni Ryle, "so ano plastic ako sa iba ganun"

Hirit ulit ni Jon, "oo kasi kay @sammie ka lang totoo"

Continue reading below ↓

Nanunuksong comment naman ni Hashtag Luke Conde, "Ayie!"


Kung sakali, tila parehong single sina Sammie at Ryle.

Huling nakarelasyon ni Sammie ang Kapamilya actor na si Arjo Atayde. Naghiwalay sila bandang last quarter of 2018.

Si Ryle ay naugnay kay Kira Balinger mula 2018 hanggang 2019.

Sa panayam ng PEP Troika noong September 2019, umamin si Ryle na nanligaw siya noon kay Kira.

Continue reading below ↓

Pero huminto na raw siya bilang respeto sa mga magulang ni Kira na hindi pa pinapayagang makipagrelasyon ang dalaga.

Naugnay rin si Ryle sa Kapuso actress na si Pauline Mendoza, pero hindi malinaw kung naging sila o natapos na ang kanilang relasyon.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hashtag Ryle Santiago and GT member Sammie Rimando get teased about their growing closeness on and off cam.
PHOTO/S: @hashtag_ryle Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results