Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Celebrity-backed online petition for ABS-CBN franchise renewal has 171K signatures so far

by Arniel C. Serato
Feb 7, 2020
A screenshot of the online petition of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) on change.org shows that more than 171,000 netizens have signed the petition to renew ABS-CBN'S franchise. Its target is 1 million signatures.
PHOTO/S: Screenshot from change.org

Halos tatlong linggo na ang lumipas mula nang ilunsad ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), noong January 17, ang online petition sa change.org na may ganitong pamagat: "1M signatures for ABS-CBN franchise renewal."

Layunin ng petition na mangalap ng pirma para hikayatin ang Kongreso na talakayin ang mga nakahaing panukalang batas na naglalayong mabigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.

Ang target ng NUJP: isang milyong pirma.

Sa pagbisita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa change.org ngayong Biyernes, 4 p.m., February 7, mahigit 171,300 pa lamang ang lumalagda rito.

Kulang pa ng mahigit 800,000 signatures upang maipasa ang petisyong ito sa Kongreso.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

CELEBRITY-BACKED ONLINE PETITION

Kabilang sa pumirma sa online petition na ito ang ilang Kapamilya stars.

Unang ABS-CBN celebrity na pumirma sa petition ang international singer-actress na si Lea Salonga.

Ibinahagi ni Lea ang kanyang saloobin ukol dito sa kanyang Twitter account, na mayroong 5.5 million followers, noong January 19.

Mensahe ni Lea: “Yes, I have personal and professional reasons for this one. Not gonna lie.”

Hiniling din ng It's Showtime co-host na si Anne Curtis sa kanyang followers sa social media na pirmahan ang nasabing petition.

Si Anne ay may 14.2 million followers sa Instagram, 12.5 million followers sa Twitter, at 14.5 million followers sa Facebook.

Saad ni Anne, na naka-maternity leave ngayon, “Please sign the petition. So many lives will be affected by the jobs that will be lost."

Ang Unkabogable Star na si Vice Ganda—na mayroong 13.2 million followers sa Twitteray nagbahagi rin ng kanyang opinyon matapos pirmahan ang petition.

Continue reading below ↓

Saad ng It's Showtime host, "WE WILL NOT LOSE OUR FAMILY.

"ABS-CBN: One million for ABS-CBN's franchise - Sign the Petition!"

Ang iba pang Kapamilya stars na nagbahagi ng link at pumirma sa online petition ng NUJP ay ang Magandang Buhay co-hosts na sina Melai Cantiveros (mayroong 1.2 million followers sa Instagram) at Karla Estrada (2.7 million followers sa Instagram).

Kulang-kulang dalawang buwan na lamang ang nalalabi upang makakuha ng bagong prangkisa ang ABS-CBN mula sa Kongreso, dahil magtatapos na ang 25-year legislative franchise nito sa March 30, 2020.

Hanggang March 14 na lamang ang regular session ng Kongreso dahil sa summer break.

Hanggang ngayong araw, February 7, hindi pa rin naikakalendaryo ng House Committee on Legislative Franchises ang lagpas sa sampung panukalang batas para sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A screenshot of the online petition of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) on change.org shows that more than 171,000 netizens have signed the petition to renew ABS-CBN'S franchise. Its target is 1 million signatures.
PHOTO/S: Screenshot from change.org
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results