Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Jake Ejercito clears rumored romances with Maine Mendoza, Bea Alonzo

by Rey Pumaloy
Feb 8, 2020
Jake Ejercito (middle) clears rumored romances with Maine Mendoza (left) and Bea Alonzo (right).
PHOTO/S: Photo credit: @mainedcm on Instagram / Cyrus Panganiban for YES! Magazine / @beaalonzo on Instagram

Nais ni Jake Ejercito na bumalik muli sa Eat Bulaga, kung saan ipinakilala siya habang kasagsagan ng AlDub kalyeserye noong Enero 2016.

“I think noong time na pinababalik nila ako, medyo pabalik-balik pa ako sa Singapore.

"Hindi pa ako makapag-commit,” sabi ni Jake nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa media launch ng pelikulang Coming Home noong Enero 23, Huwebes, sa Discovery Suites, Ortigas Center, Pasig City.

“But I did a couple of Lenten specials with them.

“Pero kung open pa rin nila iyung doors, why not? Siyempre, sa kanila ako nakilala, malaki pa rin iyung utang na loob ko sa kanila. Babalik at babalik pa rin.”

GOOD FRIENDS WITH MAINE

May communication pa rin ba sila ni Maine Mendoza?

“Not so much anymore,” mabilis na tugon ni Jake.

“Paminsan-minsan. Siguro, nagdi-DM [direct messaging], nagkukumustahan. Pero not so much anymore.”

Na-bash noon si Jake dahil inakalang siya ang third wheel kina Maine at Alden Richards.

Continue reading below ↓

“Okey lang ma-bash kung totoo. Pero kung hindi totoo...

"Yes, we’re out pero there’s nothing,” pagbuntong-hininga ni Jake.

“Maraming nasabi nun, pati yung parents ko, sinali nila."

Ang parents ni Jake ay ang former at deposed President Joseph Estrada at ang former actress na si Laarni Enriquez.

"Pero most of all, iyung pinakamasakit, anak ko na iyung sinasali nila.

“Yun talaga ang medyo ano...”

Merong eight-year-old daughter si Jake kay Andi Eigenmann, si Ellie.

Iginiit ni Jake na walang romantic relationship na namagitan sa kanila ni Maine. Hindi raw siya nanligaw dito.

“We’re good friends, good friends. And I’d like to think that until now,” diin niya.

RUMORED ROMANCE WITH BEA

Na-link din si Jake kay Bea Alonzo dahil sa titigan video nila noong Oktubre 2019.

RELATED STORY

“No, like I said, nagpunta akong birthday party niya as a plus one,” pagbabalik-tanaw ni Jake.

“Kasi, close ako doon sa... one of her stylists is a good friend of mine.

Continue reading below ↓

“So, plus one ako ng stylist niya. Hindi ko rin alam kung bakit ako napapayag na maging plus one sa stylist.

“Yun nga, ang ending ng pagpunta ko doon, na-blow up na sa social media. Pero there’s nothing to it.

“Talagang fan ako ng One More Chance.

"Kaya noong makita ko si Bea, talagang na-starstruck ako. Kasi, in my head, si Basha. Fan ako ni Basha at ni Popoy.”

Ang One More Chance ang pelikulang pinagtambalan nina Bea at John Lloyd Cruz noong 2007, kunsaan sumikat ang kanilang love team bilang Basha at Popoy.

Hindi rin daw niligawan o pinormahan ni Jake si Bea.

“Wala, walang ganoon," muling diin niya.

“Kaya nahihiya ako kay Bea dahil biglang nagkaroon ng isyu, ng kulay. Wala naman.”

Nawawalan ba ng gana o umaatras agad sa isang babae si Jake, lalo na sa isang showbiz personality, kapag naunahan ng controversy?

Umayon si Jake, “I guess, oo. Hindi ko nga napansin iyun, e.

Continue reading below ↓

"Well, parang ano... kasi, like every time na nasasama ako sa isang kuwento o issue, ang dami rin nila kasing sinasabi, ang dami nilang sinasali.

“Kasi bilang introvert, tahimik na lang ako. Atras na lang ako.”

Darating kaya ang panahong manliligaw siya sa isang taga-showbiz?

“Well, see. Right place, right time,” sambit pa ni Jake, na sinasabing nakuha ang good looks sa ina.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jake Ejercito (middle) clears rumored romances with Maine Mendoza (left) and Bea Alonzo (right).
PHOTO/S: Photo credit: @mainedcm on Instagram / Cyrus Panganiban for YES! Magazine / @beaalonzo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results