Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Nathalie Hart mum on James Reid-Nadine Lustre breakup

by Glenn Regondola
Feb 8, 2020
Nathalie Hart on James Reid-Nadine Lustre breakup: “Kung anuman, I don’t wanna comment on that, kasi buhay nila yun.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Tumangging magbigay ng mahabang pahayag ang dating sexy actress na si Nathalie Hart sa isyu ng hiwalayang James Reid at Nadine Lustre.

Kung matatandaan, noong 2018 ay na-link si Nathalie kay James nang lumabas ang kissing photo nilang dalawa.

RELATED STORY

Agad naman nilang pinabulaanan ang tsismis tungkol sa relasyon nila, dahil ang larawang yun ay kinunan noon pang 2014.

Sina James at Nadine ay naghiwalay late December ng 2019..

Ayon sa 27-year-old actress, “I’m not with James for a very long time.

“It’s his problem na. It’s not my problem na.

“My God! I’m happy for him. Kung anuman ang mga ginagawa niya.

“Good luck sa kanila.

“Kung anuman, I don’t wanna comment on that, kasi buhay nila yun.”

Pero giit ni Nathalie, handa naman daw siyang makipagtrabaho sa dating Viva actor kung may magandang project na i-offer sa kanya.

Saad niya, “Of course, I’m willing to work with them. Even with anyone.

Continue reading below ↓

“But for me, I’m a big fan of Daniel [Padilla] and Kathryn [Bernardo].”

BIG KATHNIEL FAN

Nasa bucket list nga raw niya ang makatrabaho ang number one young loveteam na ito.

Sabi pa ng Viva actress, “I feel their love team is so nice.

“I’m a fan, so paano ko sila…

“Gusto ko silang makatrabaho.”

Patuloy pa niya, “Kinikilig ako sa kanila.

“Pag umaakting sila, ang lakas ng dating ni Daniel, ‘tapos gusto ko rin si Kathryn na umaakting.

“So, I find them very attractive as a couple, and isa sila sa gusto kong makatrabaho in this industry.”

NATHALIE'S BUCKET LIST

Kapag meron nga raw offer sa kanila ni Daniel na tipong May-December affair ang istorya ng pelikula, wala nang arte-arte siya at susunggaban niya ito.

Ani Nathalie, “E, di go! Reding-ready na ako.

“Kelan pa ‘yan ? Basta.

“Ganun kasi. Magaling sila. Magaling silang dalawa.

“And for me, maghahangad na rin lang ako kung sino ang gusto kong makatrabaho, dun na ako sa the best.

Continue reading below ↓

“Yes, I find it cute.”

Sa ngayon raw, masaya siya sa sunud-sunod na ginagawa niyang project.

Isa na rito ang pelikulang Kunwari…Mahal Kita, kung saan nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nathalie sa mediacon nitong ginanap sa Viva office sa Tektite Building, Ortigas Center, Pasig City, noong February 6.

Kasama si Nathalie sa cast na pinagbibidahan nina Joseph Marco at Ryza Cenon, sa direksiyon ni Roderick Lindayag.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nathalie Hart on James Reid-Nadine Lustre breakup: “Kung anuman, I don’t wanna comment on that, kasi buhay nila yun.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results