Yassi Pressman posts tribute to late father

by Bernie V. Franco
Feb 10, 2020
Yassi Pressman (left) posts touching video of late father Ronald Pressman, who passed away last week. (Right photo), Yassi, sister Issa, and their dad during happy times.
PHOTO/S: @yassipressman on Instagram

Madamdamin ang tribute post ni Yassi Pressman para sa kanyang ama na si Ronald Pressman, na pumanaw noong February 6, 2020.

Sa kanyang Instagram post ngayong Linggo, February 9, ibinahagi ni Yassi ang video clip kung saan sumasayaw sila ng nakababatang kapatid na si Issa Pressman at ang kanilang ama.

Maririnig naman sa background ang kantang “Dance With My Father.”

Binanggit ni Yassi sa caption kung bakit espesyal sa kanya ang kanta.

“This was the last song he heard before we said goodbye...” bungad ng leading lady ni Coco Martin sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Sa pagpapatuloy ng caption, mensahe ng pagmamahal ang iniwan ng aktres sa ama.

“We miss you already, Papa.

“I don't know how i am going to live my life without you, Daddy..... but, I also know I will never have to, because even if you're up in heaven, you'll never leave my side.

“Love you to the ends of this universe, and back, Twice.”

Continue reading below ↓

Puno naman ang pangungulila si Issa sa komento niya sa post ng kapatid.

Sa comments section din, bumuhos ang mensahe ng pakikiramay sa magkapatid na Yassi at Issa mula sa kapwa nila artista na sina Iza Calzado, Marjorie Barretto, Rachel Peters, Katrina Rodriguez, Valeen Montenegro, DJ Chacha, at Donnalyn Bartolome.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Samantala, sa kanyang Instagram Story ay nag-post si Issa ng larawan na kuha sa isang columbarium kung saan nakalagak ang urn ng ama.

February 6, 2020 nang sumakabilang-buhay si Ronald Pressman, 90, dulot ng mga kumplikasyon dahil sa katandaan.

February 2 nagkaroon siya ng heart attack at isinugod sa St. Luke’s Medical Center, Bonifacio Global City, Taguig.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yassi Pressman (left) posts touching video of late father Ronald Pressman, who passed away last week. (Right photo), Yassi, sister Issa, and their dad during happy times.
PHOTO/S: @yassipressman on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results