Are Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey dropping hints of New York meetup? 

by Rachelle Siazon
Feb 10, 2020
Pia Wurtzbach and Jeremy Jauncey post Instagram Stories of what appears to be their Sunday brunch date at an exclusive, for members-only restobar in New York.
PHOTO/S: @piawurtzbach / @jeremyjauncey Instagram

Tila patuloy ang magandang unawaan sa pagitan ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, 30, at ng nauugnay sa kanyang si Jeremy Jauncey, 34.

Si Jeremy ay isang model/professional traveler/entrepreneur na may lahing Scottish at Colombian.

Hinihinalang magkasama ngayon sina Pia at Jeremy sa New York.

Base ito sa mga pahiwatig nila sa kani-kanilang Instagram Stories ngayong Lunes, February 10 (Philippine time).

Unang nag-post si Jeremy ng litrato ng brunch date nila sa Dumbo House, isang for-members-only club sa Brooklyn, New York.

Isa rin iyong restobar na kilala sa picturesque views nito ng Brooklyn Bridge at Manhattan Bridge.

Sa picture ni Jeremy, ipinakita niya ang isang round table na may dalawang plato ng pastries.

Sa katapat na upuan ay may nakasabit na brown leather jacket, at may nakapatong din sa table na pink handbag.

"The best Sunday brunch," saad ni Jeremy sa caption.

Continue reading below ↓

Parehong-pareho ang ipinost na litrato ni Pia sa Instagram Stories nito.

Makikita roon ang pink bag at brown leather jacket na hinihinalang pag-aari ng beauty queen-actress.

"Cos it's a Sunday [heart emoji]," ani Pia sa written text sa kanyang litrato.

May sumunod pang Instagram Story si Pia kunsaan kinunan niya ng litrato ang Brooklyn Bridge.

Continue reading below ↓

May naka-tag ding location na Dumbo, Brooklyn sa kanyang post.

February 8 nang unang ipinakita ni Pia sa kanyang Instagram na siya ay nasa New York.

Continue reading below ↓

Gayunman, hindi pa rin nagpo-post sina Pia at Jeremy ng anumang litrato na sila ay magkasama.

NEW YEAR BEACH TRIP

Panay pahiwatig lang ang dalawa na magkasama sila, tulad nang magbakasyon sila sa Indonesia noong nakaraang buwan.

January 1, 2020 nang unang umugong sa social media ang espekulasyong may namamagitan kina Pia at Jeremy.

Tugma rin ang pagbabakasyon nila noon sa isang beach destination.

Base sa posts ni Jeremy ay nagpunta sila sa Bawah Reserve, isang exclusive resort sa Ambas Islands, Indonesia.

Pareho sila noong may island-hopping pictures.

Hindi rin nakaligtas sa mapanuring netizens ang isang Instagram Story ni Jeremy, kunsaan hagip ang reflection ng mukha ni Pia sa salamin ng mesang kinunan ng litrato ng binata.

SINGLE PIA

Si Pia ay single ngayon.

Huling nakarelasyon niya ang Filipino-Swiss racer na si Marlon Stockinger.

December 2019 nang kumpirmahin ni Pia ang tungkol sa hiwalayan nila ni Marlon matapos ang tatlong taong relasyon.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pia Wurtzbach and Jeremy Jauncey post Instagram Stories of what appears to be their Sunday brunch date at an exclusive, for members-only restobar in New York.
PHOTO/S: @piawurtzbach / @jeremyjauncey Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results