Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Superstar Nora Aunor distributes relief goods to Taal victims in Agoncillo, Batangas

by Arniel C. Serato
Feb 10, 2020
Superstar Nora Aunor braves the rain to personally distribute relief packs to the victims of Taal Volcano eruption in Agoncillo, Batangas.
PHOTO/S: Courtesy: PEP.ph Source

Hindi inalintana ng Superstar na si Nora Aunor ang ulan noong umaga ng Sabado, February 8, upang hindi ituloy ang kanyang pamamahagi ng relief goods sa mga apektadong residente at pamilya sa Agoncillo, Batangas.

Ang bayan ng Agoncillo ang isa sa pinakaapektadong lugar noong sumabog ang Bulkang Taal.

Continue reading below ↓

Ayon sa source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na nagpadala rin ng mga larawan sa ginawang relief operations ni Nora, kasama ng Superstar ang Nora Aunor Worldwide fans club niya.

Lahad ng source, “Pumunta talaga siya sa pinaka-affected na area sa Agoncillo na nasira ang mga bahay at halaman.

“Umuulan pa nung pumunta kami. Kanina lang ‘yan naganap.

“Saya-saya ng mga tao. Kahit umuulan lumabas sa mga bahay nila.”

Continue reading below ↓

Mga relief packs daw ang dala ni Nora, kasama ang kaibigang si Commissioner Reli de Leon ng Philippine Racing Commision (Philracom).

Ayon pa sa anonymous sender, “Isang mini truck lang... hindi mabilang ang mga nabigyan kasi nagbahay-bahay talag siya sa Agoncillo.

“As in yung mga nasa aplaya pinuntahan niya na sobrang naapektuhan talaga.”

Continue reading below ↓

Bukod kay Nora, marami nang celebrities ang nagpaabot ng kanilang tulong sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Ilan sa kanila ay sina Angel Locsin, Judy Ann Santos at asawang si Ryan Agoncillo, Melai Cantiveros at asawang si Jason Farncisco, Ara Mina, Sylvia Sanchez, Rossana Roces, at Ynez Veneracion.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Superstar Nora Aunor braves the rain to personally distribute relief packs to the victims of Taal Volcano eruption in Agoncillo, Batangas.
PHOTO/S: Courtesy: PEP.ph Source
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results