Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Janine Gutierrez hails Parasite historical Oscar win; tweets about government support for PH film industry

by Jet Hitosis
Feb 10, 2020
Janine Gutierrez (left) weighs in on the importance of government's support for its film, sports and music industries as she tweets on February 10 about the historical win of South Korean film Parasite at the 92th Academy Awards. The movie is the first Asian and non-English film to win the coveted Oscars Best Picture recognition, while its filmmaker, Bong Joon Ho (right), won Best Director.
PHOTO/S: @janinegutierrez, @parasitemovie on Instagram

Isa na namang tweet ni Janine Gutierrez ang umani ng reaksiyon mula sa netizens.

Sa pagkakataong ito, nag-suggest ang 30-anyos na Kapuso actress ng karagdagang suporta ng ating gobyerno para sa film industry sa bansa.

Ito ang ipinunto ni Janine sa kanyang tweet ngayong Lunes, February 10, tungkol sa pagkapanalo ng South Korean movie na Parasite bilang Best Picture sa 92nd Academy Awards.

Ang 2020 Oscar Awards ay ginanap sa Dolby Theater sa Los Angeles, California, nitong Linggo ng gabi, February 9 (Lunes ng umaga, February 10, Manila time).

Isa itong historical win para sa Parasite bilang kauna-unahang Asian at non-English film na nagkamit ng prestihiyosong Oscar award ng Amerika.

Bukod sa Best Picture, nasungkit din ng Parasite ang Best Director, Best International Feature Film, at Best Original Screenplay awards.

Tinanggap ng South Korean filmmaker na si Bong Joon Ho ang Best Director trophy.

Naghati naman sila ni Han Jin Won sa Best Original Screenplay award, dahil magkatuwang sila sa pagsulat sa script ng pelikula.

Continue reading below ↓

Isang black comedy thriller film tungkol sa isang mahirap at isang mayamang pamilya, ang Parasite ay una nang nagwagi ng Palme d'Or sa Cannes Film Festival sa France noong May 2019.

Sa tweet ni Janine, nagpahayag siya ng kasiyahan na nagawang maiuwi ng South Korea ang una nitong Oscar trophy.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pinuri ng actress-TV host ang suportang natatanggap ng South Korean film industry mula sa gobyerno nito.

Sa huli, napa-“Sana oil [all]” na lang si Janine para sa Pilipinas, batay sa ginamit niyang Philippine flag emoji sa dulo ng kanyang tweet.

Tweet ni Janine (published as is):

“So happy for South Korea getting their first Oscar!!

“I've read about how their govt has heavily supported the film industry through tax breaks and investments and it really shows that govt support is so important!!

“In film and in sports and in music.

“Sana oil [Philippine flag emoji]”

Continue reading below ↓

Sa comments section, sumang-ayon kay Janine ang Pinay filmmaker na si Tonet Jadaone.

Reply ng direktor: “True!!! First Asian film to win Best Screenplay too! So [three hands up emojis] too for Asian cinema!”

JANINE FANGIRLS OVER COMMENTER

Sinagot ni Janine si Direk Tonet tungkol sa malaking nagawa ng Parasite upang kilalanin ng Academy Awards ang husay ng Asian films.

Pero sa huling bahagi ng reply ni Janine, nagpaka-fangirl siya nang amining "huge fan" siya ng direktor.

Nauwi ito sa pagpapalitan nina Janine at Direk Tonet ng personal na mensahe sa isa’t isa, at sa hiling na sana ay magkatrabaho sila.

Continue reading below ↓

Si Direk Tonette ang 35-year-old filmmaker na nasa likod ng blockbuster movies na That Thing Called Tadhana, Never Not Love You, Alone/Together, at marami pang iba.

QUALITY PINOY FILMS

Samantala, isang netizen ang sumegunda rin sa opinyon ni Janine, sinabing mas maraming “quality at world class movie” ang malilikha ng bansa kung ia-upgrade ang teknolohiya at dadagdagan ang budget ng industriya.

Sagot ni Janine, marami nang world class movies ang napo-produce ng bansa kahit na limitado ang budget ng mga ito.

Dagdag ng aktres, tiyak mapapaganda pa ang Pinoy films kung dadagdagan ang pondo ng industriya, at maging ang budget ng iba pang sektor, tulad ng sports.

Continue reading below ↓

Komento naman ng spoken poetry artist at aktor na si Juan Miguel Severo, ang budget daw ng South Korea para sa isang music video ay katumbas na ng gastusin para sa isang full-length film sa Pilipinas.

Ang isang Twitter user, tinag si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño upang ikonsidera ang tinawag nitong “on-point” suggestion ni Janine.

Continue reading below ↓

May dalawang netizens namang nanawagan ng congressional support sa tatlong halal na senador na pawang dating film actors.

Ito ay si Senate President Tito Sotto, at sina Senators Lito Lapid at Bong Revilla.

Continue reading below ↓

JANINE'S VIRAL TWO-WORD TWEET

May halong biro ang pagkakabanggit ng ilan sa pangalan ni Senator Bong, dahil na rin sa kontrobersiyang kinasangkutan ng senador at ni Janine noong Disyembre ng nakalipas na taon.

Ito ay kaugnay ng nag-viral na two-word tweet ni Janine noong December 18, 2019 bilang reaksiyon ng aktres sa pagbabalik-telebisyon ng senador.

Continue reading below ↓

May caption na “Oh God!” ang pag-retweet ni Janine sa artikulo ng GMA-7 tungkol sa bagong show ni Senator Bong sa Kapuso network, ang Agimat ng Agila.

Ang tweet na ito ni Janine, iniuugnay sa pagkakakulong ni Senator Bong sa kasong plunder dahil sa pagkakasangkot sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam noong 2013.

Continue reading below ↓

Napawalang-sala at lumaya ang senador noong December 2018, at muling nahalal noong May 2019.

Bagamat may mga nam-bash kay Janine sa tweet niya laban sa senador, mas marami ang sumuporta sa aktres.

Sa katunayan, umabot sa mahigit 5,600 ang retweets, at may 45,300 reactions sa post na ito ng Kapuso actress.

Samantala, ang latest tweet ni Janine tungkol sa pelikulang Parasite ay mayroon nang halos 3,500 retweets at 27,400 reactions, mahigit walong oras matapos niya itong i-post.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janine Gutierrez (left) weighs in on the importance of government's support for its film, sports and music industries as she tweets on February 10 about the historical win of South Korean film Parasite at the 92th Academy Awards. The movie is the first Asian and non-English film to win the coveted Oscars Best Picture recognition, while its filmmaker, Bong Joon Ho (right), won Best Director.
PHOTO/S: @janinegutierrez, @parasitemovie on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results