Ethel Booba to netizens bashing her amid ABS-CBN franchise issue: "Di ako bayaran." 

by Rachelle Siazon
Feb 11, 2020
In her series of Twitter posts yesterday, February 10, sexy comedienne Ethel Booba weighs in on Solicitor General Jose Calida lodging a petition to cancel ABS-CBN franchise before the Supreme Court. She also answers critics of her stance about the issue.
PHOTO/S: @ashley_hmua via @ethelbooba Instagram / @IamEthylGabison Twitter

Inalmahan ni Ethel Booba ang alegasyong "bayaran" siya nang dahil sa pagtuligsa sa umano'y pang-iipit ng gobyerno sa ABS-CBN.

Kaugnay ito ng petisyon ng Office of the Solicitor General (OSG) na kanselahin ng Supreme Court ang license to broadcast ng ABS-CBN.

Si Solicitor General Jose Calida ang personal na naghain ng "very urgent motion" laban sa ABS-CBN sa Supreme Court kahapon, February 10.

Isa si Ethel sa showbiz personalities na hayagang kinontra ang aksyon ng OSG, na tumatayong abogado ng gobyerno.

TWEET NO. 1

Sa kanyang Twitter account na @IamEthylGabison, nagpatutsada si Ethel na ang "highly abusive practices" ng gobyerno ang dapat silipin.

Tweet ni Ethel: "We want to put an end to what we discovered to be highly abusive practices of this government. Charot!"

Kalakip nito ang quote card kunsaan sinabi ni SolGen Calida na sangkot umano ang ABS-CBN sa "highly abusive practices" kaya dapat lang daw na makansela ang prangkisa ng network.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓
Recommended Videos

TWEET NO. 2

Ni-repost din ni Ethel ang video, mula sa DZBB Radyo, nang mag-file si SolGen Calida ng quo warranto petition sa Korte Suprema.

Tweet ng sexy comedienne: "Calida also used this weapon to remove former Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Charot!"


Continue reading below ↓

Ang quo warranto, batay sa Rule 66 ng Rules of Court, ay legal action ng gobyerno laban sa isang tao o korporasyon na walang legal authority na humawak ng posisyon sa gobyerno o magkaroon ng prangkisa.

Si Chief Justice Maria Lourdes Sereno ay tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na "enemy" noong panahong inireklamo si Sereno dahil umano sa undisclosed wealth nito.

Tuluyang napatalsik sa puwesto si Chief Justice Sereno, gawa ng quo warranto petition na isinampa ni SolGen Calida noong 2018.

TWEET NO. 3

Kinonek din ni Ethel ang agaw-eksenang pagkuwestiyon ni SolGen Calida sa isang ABS-CBN reporter sa trending ding balita tungkol sa pagkapanalo ng Korean film na "Parasite" ng Best Picture sa Oscars.

Hirit ni Ethel laban kay SolGen Calida: "Parasite wins Best Picture. Charot!"


Continue reading below ↓

Kinompronta kasi ni Calida ang ABS-CBN reporter na si Mike Navallo, na gustong humihingi ng masusing eksplanasyon sa pagnanais ng SolGen na matanggalan ng prangkisa ang Kapamilya network.

Umiwas si SolGen Calida sa tanong ng news reporters, at saka pinuna si Navallo na palagi raw siyang binabanatan sa reports nito.

Pinabulaanan ito ni Navallo at sinabing ginagawa lang niya ang trabaho bilang reporter.

TWEET NO. 4

Ang pagkontra ni Ethel sa pamahalaan ay kinondena naman ng isang netizen na pabor sa pagkansela sa prangkisa ng ABS-CBN.

Minura ng netizen si Ethel.

Kalakip ng tweet ng netizen kay Ethel ang isang listahan ng diumano'y malaking pagkakautang ng Lopez Group of Companies sa gobyerno.

May kinalaman ito sa multimillion-peso loans na iginawad diumano ng Development Bank of the Philippines sa ilang kumpanyang pag-aari ng Lopez family.

Umabot diumano ng PHP1.6 billion ang loan ng apat na Lopez-owned companies na ni-write off ng DBP noong 2006, ayon sa ulat ng Philippine Daily Inquirer noong November 2011.

Continue reading below ↓

Ang mga kumpanyang nabanggit na diumano'y may pagkakautang sa DBP na hindi na nasingil ay ang Maynilad Water (P710.86 million), Bayantel (591.81 million), Central CATV Inc. (207.10 million), at Benpres Holdings (157.95 million).

Ang Benpres Holdings ay kilala ngayon bilang Lopez Holdings Corporation, at ang Central CATV Inc. bilang Sky Cable.

Noong 2017, nagpahaging si Pangulong Duterte hinggil sa isyung "utang" ng Lopez-owned companies sa "DBP."

Pero sa isang official statement, na nailathala sa GMA News Online noong August 2017, nanindigan ang Lopez Holdings Corporation na wala silang "unpaid obligations" sa DBP o anumang government institution.

Hindi rin daw involved ang kumpanya nila sa maanomalyang transaksiyon.

"Lopez Holdings and its operating units were never recipients of behest loans from any government financial institution."

Dagdag pa rito, ang na-write off na loans ay hindi raw direktang galing sa DBP kundi sa "consortia" ng mga bangko sa bansa.

"All debts incurred were provided by institutions that had all the time and the opportunity to review our investment portfolio, and had the same opportunity to refuse us credit."

Continue reading below ↓

September 2019 nang muling nagpasaring si Pangulong Duterte na uungkatin niya ang diumano'y dating utang ng Lopez-owned companies sa DBP.

Ang Lopez Holdings Corporation ang majority stakeholder ng ABS-CBN Corporation.

Ang isyu sangkot ang ibang Lopez-owned companies ang isa sa mga tirada ng netizens na pabor sa pagkansela ng prangkisa ng Kapamilya network.

Sinagot ni Ethel ang nagpadala sa kanya ng listahan ng diumano'y utang ng Lopez-owned companies.

Hindi raw kasali ang inirereklamo ng netizen sa quo warranto petition ni SolGen Calida laban sa broadcast giant.

"Yung filed ni Calida ay regarding KBO and ABS CBN TV Plus na wala daw approval of the National Telecommunications Commission saka yung isa ay violation of the foreign ownership restriction on mass media.

"Share ko sayo para dagdag sa kaalaman mong hayop ka. Charot!"

Continue reading below ↓

ETHEL: "DI AKO BAYARAN"

May iba pang netizens ang bumatikos kay Ethel; na panay na raw ang tirada ng sexy comedienne sa present administration dahil may pinapaboran itong ibang politiko.

At press time, naka-hide na ang tweets ng naturang netizens.

Pero base sa tweets ni Ethel, sinabi niyang maging si dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ay hindi raw nakaligtas sa batikos niya noon.

"Wala akong Twitter noong panahon ni GMA and up.

"Noong kay PNoy inookray ko sya lalo na kapag sinisisi nya pa din si GMA imbis na humanap ng solusyon.

"Magbasa ka lang may mahahanap ka dyan. Charot!"

Dagdag pa ni Ethel, "Uy actually inoofferan ako ng mga PR ng ibang mga politiko para promote or sabihan sila ng maganda, kaso ayoko kasi nga di ako bayaran.

"Sa tabas ng dila mo malamang supporter ka nila. Charot"

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In her series of Twitter posts yesterday, February 10, sexy comedienne Ethel Booba weighs in on Solicitor General Jose Calida lodging a petition to cancel ABS-CBN franchise before the Supreme Court. She also answers critics of her stance about the issue.
PHOTO/S: @ashley_hmua via @ethelbooba Instagram / @IamEthylGabison Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results