Arci Muñoz attends Oscars events; fangirls over Parasite star, filmmaker

by Jet Hitosis
Feb 11, 2020
Arci Muñoz takes to Instagram to share her fangirling moment photos with Oscar Best Picture winner Parasite star Kang Ho Song (left) and Best Director Bong Joon Ho (right), taken during the 92nd Academy Awards after-party in Los Angeles, California on February 9.
PHOTO/S: @ramonathornes on Instagram

Napakinabangan ni Arci Muñoz ang inaral niyang Korean language nang magpaka-fangirl siya sa direktor at sa bida ng South Korean film at Oscar Best Picture winner na Parasite.

Nangyari ito pagkatapos ng 92nd Academy Awards ceremonies sa Los Angeles, California, nitong Linggo ng gabi, February 9 (Lunes ng umaga, February 10, sa Pilipinas).

Bukod sa Best Picture, tinanggap din ng Parasite ang Best International Feature Film, Best Original Screenplay, gayundin ang Best Director award para kay Bong Joon Ho.

Gumawa ng kasaysayan ang Parasite bilang kauna-unahang Asian at non-English film na nanalo ng Oscar Best Picture.

KOREAN-SPEAKING ARCI

Sa Instagram post ni Arci nitong Lunes, ibinahagi niya ang sariling litrato kasama ang bida ng Parasite na si Kang Ho Song.

May picture din ang 31-anyos na Kapamilya actress kasama si Bong Joon Ho, ang unang Asian filmmaker na nakapag-uwi ng Oscar trophy.

Sa caption ni Arci, sinabi nitong ginamit niya ang mga natutuhan sa Korean language class upang makausap si Kang Ho Song.

Continue reading below ↓

September 2019 nang simulan ni Arci ang kanyang Korean language class sa University of the Philippines (UP) Diliman.

Aminado naman ang aktres na pinili niyang mag-aral ng wikang Korean dahil big fan siya ng seven-member Korean boy band na BTS.

Sa kanyang pambihirang encounter kay Kang Ho Song, sinabi ni Arci sa Korean actor na gandang-ganda siya sa Parasite, kaya kaagad siya nitong ipinakilala kay Bong Joon Ho.

Caption ni Arci (published as is): “greeted mr. Kang ho Song! Had a convo with him in korean!!

“Oh was soo glad I took my korean class!!

“Told him how much I love their movie!!

“He quickly grabbed me by the hand and introduced me to ze man!! #bongjoonho And so the next photo happened!

“Congratulations to #parasitemovie @parasitemovie making history today at the #oscars #academyawards”

Nagpasalamat din si Arci sa Israeli socialite-TV host-fashion entrepreneur na si Hofit Golan, na kumuha ng mga litrato habang nagpa-fangirling ang Pinay actress.

Continue reading below ↓

PINOY CELEBRITIES REACT

Sa kanilang komento, nagpahayag ng pagkainggit kay Arci ang mga kapwa niya celebrities, tulad ng co-star niya sa ABS-CBN teleserye na Pamilya Ko na si JM de Guzman, at ni Arlene Muhlach.

Continue reading below ↓

Nag-react din sa mga “Parasite” post ng aktres sina Martin Nievera, Ryan Bang, Darren Espanto, Jerald Napoles, Barbie Imperial, ang impersonator na si Kaladkaren, ang aktres na si Alora Sasam, ang Cebuana beauty titlist na si Kris Janson, at si Gelli de Belen.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

ARCI MEETS HER GIRL CRUSH

Nauna rito, dumalo si Arci nitong Sabado, February 8, sa Hollywood for the Global Ocean Gala, sa Beverly Hills sa California.

Layuning kumalap ng ayuda para sa ginagawang mga research kontra climate change, highlight ng event ang pagkakaloob ng Lifetime Achievement Award kay Prince Albert II ng Monaco.

Continue reading below ↓

Sa parehong event, nakapagpa-picture din si Arci sa American actress na si Michelle Rodriguez.

Sa caption, tinawag ni Arci na “girl crush” ang Fast & Furious actress.

Hindi naman malinaw kung bakit dumalo sa Academy Awards events si Arci.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arci Muñoz takes to Instagram to share her fangirling moment photos with Oscar Best Picture winner Parasite star Kang Ho Song (left) and Best Director Bong Joon Ho (right), taken during the 92nd Academy Awards after-party in Los Angeles, California on February 9.
PHOTO/S: @ramonathornes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results