Who is Ellen Adarna alluding to in cryptic "DON'T ME" post?

by Rachelle Siazon
Feb 11, 2020
Ellen Adarna posts cryptic quote: "STOP TESTING THE NEW ME LIKE THE OLD ME AIN'T STILL IN ME."
PHOTO/S: @maria.elena.adarna Instagram

May pinatatamaan ba si Ellen Adarna?

Ngayong Martes, February 11, nagpakawala si Ellen ng matalinhagang post na nagsasabing "DON'T ME" kalakip ng isang laughing emoji.

Naka-tag sa kanyang Instagram Stories ang dalawa niyang non-showbiz friends.

Hindi malinaw kung nagkakatuwaan lang silang mga magkakaibigan o may pinariringgan silang ibang personalidad.

May kasama ring quote card ang post ni Ellen.

Sabi rito: "STOP TESTING THE NEW ME LIKE THE OLD ME AIN'T STILL IN ME."

Continue reading below ↓

Bago ito ay may post din si Ellen na video clip kunsaan makikitang poker face at tila umiirap ang 31-year-old sexy star.

Walang iba pang detalyeng binanggit si Ellen.

WHIRLWIND ROMANCE

Si Ellen ay kilalang palaban at independent type.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang hinarap na kontrobersiya ni Ellen at ng dating nitong partner na si John Lloyd Cruz, simula nang mag-viral ang kanilang Cebu vacation noong September 2017.

Continue reading below ↓

Mainit na pinag-usapan ang kanilang hindi inaasahang unawaan, hanggang sa sabay silang umalis sa kinabibilangang sitcom sa ABS-CBN, ang Home Sweetie Home.

Kasabay iyon ng "leave of absence" sa showbiz ni John Lloyd Cruz, na prized star noon ng ABS-CBN at ng talent management arm nitong Star Magic.

November 2017 nang iulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagdadalantao si Ellen at na si John Lloyd ang ama.

January 2018 nang kumpirmahin ni Ellen, sa isang post sa Instagram, na nobyo niya si John Lloyd.

June 27, 2018 nang ipanganak ng sexy star ang anak nila ni John Lloyd na si Elias.

Noong panahong iyon ay umiwas si Ellen sa social media at nabuhay nang tahimik kasama ang binubuong pamilya nila ng aktor.

Pero nang sumunod na taon, o noong August 2019, pumutok ang balitang hiwalay na sina Ellen at John Lloyd.

Ayon sa source ng PEP.ph mula sa kampo ni Ellen, nagkasundo ang celebrity couple na "co-parenting" na lang sila sa kanilang anak na lalaki.

Continue reading below ↓

Pareho namang tahimik sina Ellen at John Lloyd hinggil sa isyu.

ELLEN's comeback on social media

Hanggang sa nitong January 2020, nagbalik si Ellen sa pagiging aktibo sa social media.

Ang kanyang mantra ngayong 2020: "keep going."

Sa kabila ng sinasabing hiwalayan nila ni John Lloyd, tila masaya si Ellen na solo flight at hindi kasama ang aktor sa mga aktibidades nito.

Nakapagbakasyon si Ellen sa Europe kasama ang kanyang pamilya at ilang mga kaibigan mula December 2019 hanggang third week of January 2020.

Hindi rin itinago ni Ellen na sa kanyang bakasyon sa Spain ay naka-bonding niya ang isang foreigner na naka-tag sa Instagram bilang @doncarlemuss.

Ilang linggo mula nang makauwi siya ng Pilipinas, o noong February 1, namataan ang sexy star na nanonood ng concert ng American band na LANY sa Cebu.

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna posts cryptic quote: "STOP TESTING THE NEW ME LIKE THE OLD ME AIN'T STILL IN ME."
PHOTO/S: @maria.elena.adarna Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results