Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

ABS-CBN asserts it has no unpaid taxes; Vice Ganda defends network from bashers

by Jet Hitosis
Feb 11, 2020
Vice Ganda: “Ang quo warranto petition po ng SolGen vs ABS CBN ay walang kinalaman sa tax. May tax clearance ang Kapamilya Network. Kaya tantanan nyo na yung chika nyo na ‘Magbayad kasi kayo ng tax!”
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram, ABS-CBN PR on Twitter

Iginiit ng ABS-CBN Corporation na wala itong pagkakautang sa buwis.

Ito ay sa gitna ng tax issue na pinalulutang ng ilang netizens na sumusuporta sa Office of the Solicitor General (OSG) na nilalabanan ang renewal ng broadcast franchise ng network.

Sa pamamagitan ng quo warranto petition na inihain sa Korte Suprema nitong Lunes, February 10, hinihiling ng OSG na ipawalang-bisa ang prangkisa ng ABS-CBN Corporation at ng telecommunications unit nitong ABS-CBN Convergence, Inc.

Ito, ayon sa OSG, ay dahil sa mga paglabag ng network sa ilang probisyon ng legislative franchise nito na mag-e-expire sa March 30.

Kabilang sa mga tinukoy ng OSG na paglabag ang umano’y pag-aalok ng ABS-CBN ng paid broadcast nang walang permiso ng National Telecommunications Commission (NTC), at pagpapahintulot ng foreign ownership sa kumpanya.

Sa kabuuan ng official statement ng OSG tungkol sa quo warranto filing, wala namang anumang nabanggit tungkol sa pagbubuwis ng network.

Gayunman, sa reaksiyon ng netizens sa social media posts ng ABS-CBN at ng Kapamilya stars, nababanggit ang tungkol sa kabiguan umano ng network na magbayad ng tamang buwis.

Continue reading below ↓

Dahil dito, naglabas ng official statement ngayong Martes, February 11, ang ABS-CBN upang liwanagin na walang utang ang broadcasting giant sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

NO UNPAID TAXES

Narito ang kabuuang pahayag ng Kapamilya network tungkol sa tax issue na inuungkat ng ilang netizens (published as is):

“WALANG UTANG NA TAX ANG ABS CBN

“Tapat ang ABS-CBN sa pagbabayad ng buwis sa gobyerno. Sa katunayan, binigyan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang ABS-CBN ng Tax Clearance Certificate noong 2019, na isang katibayan na wala itong pagkukulang sa BIR.

“Sa nakalipas na 17 taon, umabot na sa P70.5 bilyon ang binayarang buwis ng ABS-CBN sa gobyerno. Ang ABS-CBN din ay isa sa mga pinakamalaking taxpayer sa bansa.

“Kinilala na rin ang kumpanya bilang isa sa Top 200 Non-Individual Taxpayers sa Pilipinas.

“Ipinagmamalaki ng ABS-CBN ang pamamalakad ng organisasyon nito nang may buong katapatan at integridad. Walang hindi binayaran na utang ang ABS-CBN sa anumang bangko.

Continue reading below ↓

“Ang ABS-CBN ay nagpapasalamat sa pagkakataon na makatulong sa bayan sa pamamagitan ng mga serbisyo nito at buwis na matapat nitong binabayaran.”

VICE DEFENDS KAPAMILYA NETWORK

Kabilang ang It’s Showtime host na si Vice Ganda sa mga Kapamilya stars na nagbahagi ngayong Martes, February 11, ng naturang official statement ng ABS-CBN.

Ginawa ito ng popular na komedyante, host, at actor sa kanyang Instagram at Twitter accounts.

Continue reading below ↓

Ito ay makaraang magkomento ang ilang netizens sa #NoToABSCBNShutdown tweet ni Vice, na nang-giit pang dapat magbayad muna ng tamang buwis ang Kapamilya network.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Reply ni Vice, “walang kinalaman sa tax” ang quo warranto petition na inihain ng OSG laban sa ABS-CBN.

Saad sa kabuuang tweet niya: “Ang quo warranto petition po ng SolGen vs ABS CBN ay walang kinalaman sa tax. May tax clearance ang Kapamilya Network. Kaya tantanan nyo na yung chika nyo na ‘Magbayad kasi kayo ng tax!”

Continue reading below ↓

Sa sumunod na tweet ng TV host, ibinahagi niya ang “ABS CBN Statement regarding TAX ISSUE.”

Caption ni Vice: “Pakibasa po para maunawaan. Marami pong salamat!”

Makalipas ang ilang minuto, muling nag-tweet ang Gandang Gabi Vice host: “Kung napaniwala kayo sa mga chikang may pagkakautang ang ABS CBN sa BIR e nagoyo kayo ng mga TROLL.”

Continue reading below ↓

Bagamat ilang beses nang nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin ang franchise renewal ng ABS-CBN, wala itong direktang banggit tungkol sa hindi pagbabayad ng buwis ng network.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda: “Ang quo warranto petition po ng SolGen vs ABS CBN ay walang kinalaman sa tax. May tax clearance ang Kapamilya Network. Kaya tantanan nyo na yung chika nyo na ‘Magbayad kasi kayo ng tax!”
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram, ABS-CBN PR on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results