Jimuel Pacquiao says breakup with Heaven Peralejo was "really tough"

by Jet Hitosis
Feb 12, 2020
Jimuel Pacquiao on breakup with Heaven Peralejo: “It was really tough. The way we ended the first time. Kasi parang may galit po kasi, dun sa first time. Hindi po maayos yung breakup."
PHOTO/S: @pacquiao.emmanuel, @heavenperalejo on Instagram

Inamin ni Jimuel Pacquiao na naging mahirap ang hiwalayan nila ni Heaven Peralejo.

Ito, ayon sa 19-anyos na panganay nina Senator Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao, ay noong una silang maghiwalay ng Kapamilya young actress.

March 2019 nang inamin nina Jimuel at Heaven ang kanilang relasyon.

Pero pagsapit ng July, naging usap-usapan sa social media na hiwalay na sila matapos nilang i-unfollow ang isa’t isa sa Instagram.

Nang sumunod na buwan, lumutang naman ang issue ng pagiging “gold digger” diumano ng 20-anyos na dating Pinoy Big Brother housemate.

Kapwa naman ito itinanggi nina Heaven at Jimuel.

“It was really tough. The way we ended the first time,” sinabi ni Jimuel kay Boy Abunda nang mag-guest ang binata sa Tonight With Boy Abunda nitong Martes, February 11.

“Kasi parang may galit po kasi, dun sa first time. Hindi po maayos yung breakup,” dagdag ni Jimuel.

Inamin ng binata na nang mga panahong iyon ay may galit sila ni Heaven sa isa’t isa.

Continue reading below ↓

“Pero overtime naman, nawawala po kasi yung galit.

“The decisions we made nung galit kami, parang ni-regret namin.

“Napag-usapan namin yun, kaya nagkabalikan kami.”

SECOND BREAKUP

Gayunman, ayon kay Jimuel, nauwi pa rin sa hiwalayan ang pagbabalikan nila ni Heaven.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pero sa ikalawang pagkakataon, maayos na ang naging breakup nila.

“Pero the second time around, it was a peaceful breakup,” anang binata.

“Ngayon, we’re good with each other.

“Sometimes we have shows outside, and wala naman po kaming problema sa isa’t isa.”

Kapwa endorser ng isang jeans brand sina Jimuel at Heaven.

Hindi idinetalye ni Jimuel kung ilang buwan tumagal ang relasyon nila ni Heaven sa magkahiwalay na pagkakataon.

Pero sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Heaven noong September, sinabi ng aktres na "I'm not closing my doors" sa posibilidad na magkabalikan silang muli ni Jimuel.

JIMUEL AND BARBIE

Sa interview ng Tonight With Boy Abunda, natanong din si Jimuel tungkol sa isa pang Kapamilya young actress na nali-link ngayon sa kanya, si Barbie Imperial, 21.

Continue reading below ↓

Sagot ni Jimuel: “We’re actually… good friends.”

Diretsahang tinanong ni Boy si Jimuel kung may plano siyang ligawan, o nililigawan ba niya si Barbie?

“Hindi po,” mabilis na sagot ni Jimuel. “Friends lang po talaga.”

Malapit na magkaibigan sina Heaven at Barbie.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jimuel Pacquiao on breakup with Heaven Peralejo: “It was really tough. The way we ended the first time. Kasi parang may galit po kasi, dun sa first time. Hindi po maayos yung breakup."
PHOTO/S: @pacquiao.emmanuel, @heavenperalejo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results