Enchong Dee, Karla Estrada, Erik Santos, Angeline Quinto defend ABS-CBN against bashers

by Bernie V. Franco
4 days ago
Kapamilya stars Enchong Dee, Karla Estrada, Erik Santos, and Angeline Quinto defend their home network with both personal and altruistic posts.
PHOTO/S: @mr_enchongdee, @karlaestrada1121, @eriksantos, @loveangelinequinto on Instagram

Hindi nangiming ipagtanggol nina Enchong Dee, Karla Estrada, Erik Santos, at Angeline Quinto ang ABS-CBN laban sa bashers sa gitna ng hamong kinahaharap ngayon ng kanilang home network.

Nangangamba ang maraming Kapamilya artists at employees sa bantang pagsasara sa ABS-CBN matapos ang inihaing quo warranto petition ni Solicitor General (SolGen) Jose Calida sa Korte Suprema.

Hindi pa rin naaaksyunan sa Kongreso ang mga panukalang batas para ma-renew ang franchise ng ABS-CBN.

Vocal din ang pinakamataas na opisyal ng bansa, si Pangulong Rodrigo Duterte, sa pagsasabing haharangin niya ang franchise renewal ng ABS-CBN, na mag-e-expire na sa March 30, 2020.

ENCHONG DEE

Sa Instagram post ni Enchong Dee ngayong Miyerkules, February 12, hindi nagpigil ang Kapamilya actor na ihayag ang kanyang saloobin.

Saad niya: “I always tell people that ‘Artists should be the first line of defense of our democracy’, people tend to agree, but mostly do nothing about it or get reprimanded for saying something political.

Continue reading below ↓

“now that ABS CBN (my home for almost 15 years ) is being wrongly accused of so many things… I am angry. I am sad. I am bothered.”

Sa kabila nito, naniniwala si Enchong na malalampasan ng kanyang home network ang kinakaharap na banta, gaya ng mga nakaraang pagsubok na pinagdaanan nito.

Pinaalalahanan din ni Enchong ang mga mamamayang Pilipino sa mas malalim na magiging epekto kung sakaling tuluyang magsara ang ABS-CBN.

Aniya: “I am a Filipino first and my job comes second, let’s be vigilant not only because jobs are in peril, but mainly because we are Filipinos fighting for the democracy and constitution of our country.

“I know after this post, paid trolls would attack me but I stand firm with my beliefs and I am not afraid to lose my little popularity.”

Continue reading below ↓

KARLA ESTRADA

Ayon naman sa Magandang Buhay host na si Karla Estrada, ang ABS-CBN ang nagbigay sa kanya ng daan na matulungan ang kanyang kapwa.

Ngunit sa comment section ng kanyang post, isang netizen ang minaliit ang mga artista ng ABS-CBN at sinabing lumabag daw sa batas ang ABS-CBN.

Buwelta ni Karla: “magbasa ka ng mabuti kapatid bago ka maburyong. Saka kita uunawain.”

Continue reading below ↓

Sa quo warranto petition na isinumite ni Calida sa Supreme Court noong February 10, Lunes, binigyang diin nito ang paratang na “highly abusive practices of ABS-CBN” pagdating sa kanilang operasyon.

Kaagad namang naglabas ng official statement ang ABS-CBN at idiniing wala silang nilalabag na batas.

Isa ring netizen ang sumita kay Karla na huwag gamitin ang ABS-CBN bilang “nag-iisang pamamaraan” para makatulong sa kapwa.

Sagot ni Karla, tanging ang ABS-CBN ang nagbigay sa kanya at sa kanyang pamilya ng “chance.”

Ani Karla (published as is): "pero sa pag kakataon na ito ay walang iba na nag bigay samin ng chance.

“Abscbn lang , kaya nasa abscbn ang pasasalamat ko. Magandang buhay sayo”

Continue reading below ↓

ERIK SANTOS

Simple lang ang post ni Erik: ang ABS-CBN logo at tagline nito.

Tanging caption niya: “#InTheServiceOfTheFilipinoWorldWide [heart emojis]”

Isang netizen naman ang nang-uyam sa kanya: “#YesToABSCBNshutdown [clapping emojis]”

Balik-banat ni Erik: “Wow. Kung maka YES!!! I’m sure tutok na tukok ka sa shows ng ABS!!! #wagmagdeny #liarsgotohell”

Continue reading below ↓

ANGELINE QUINTO

Madamdamin naman ang Instagram post ni Angeline.

Aniya, “ABS-CBN lang ang nagbukas ng pinto para sa lahat ng Pangarap ko. Sa ilang taong paghihintay at pag subok, Tanging ABS-CBN ang nagbigay ng magandang buhay sa akin, sa aking Pamilya, Sa amin ng aking mga katrabaho sa industriya.”

Si Angeline ang grand winner ng reality-based singing contest na Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar (2011).

Sa kanyang post, nagpaabot din ng pasasalamat ang singer dahil ito ang naging daan para magbago ang kanyang buhay.

Continue reading below ↓

May netizen na kumastigo kay Angeline, na inakusahang “mukhang pera” ang singer at minaliit ang kinabibilangang network.

Buwelta ni Angeline: “Mas gahaman po kayo sa Talak [laughing emojis]”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya stars Enchong Dee, Karla Estrada, Erik Santos, and Angeline Quinto defend their home network with both personal and altruistic posts.
PHOTO/S: @mr_enchongdee, @karlaestrada1121, @eriksantos, @loveangelinequinto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results