Max Eigenmann on good terms with ex Norman Crisologo, Beauty Gonzalez's husband

by Rey Pumaloy
Feb 13, 2020
Indie actress Max Eigenmann on doing mainstream movies: "Sinong maysabi na ayaw ko nang mag-mainstream? Nagpahinga lang ako, but I’m ready na."
PHOTO/S: Mark Atienza

Nananatiling maayos ang samahan ni Max Eigenmann at ng businessman-art curator na si Norman Crisologo.

May anak si Max kay Norman, na kasal na ngayon sa Kapamilya actress na si Beauty Gonzalez.

Pahayag ni Max tungkol sa magandang relasyon nila ng dating karelasyon, “We have a child, we co-parent, and that’s perfectly fine.”

Dagdag niya, “Beauty is great to my kid. That’s all I’m after naman.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Max sa Film Ambassadors’ Night ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), sa Maybank Performing Arts, BGC, Taguig City, noong Linggo, February 9.

Tinanong ng PEP.ph si Max kung nagkaroon na ba ng pagkakataong lumabas at nag-usap sila ni Beauty.

Mabilis na sagot ni Max, “No, nothing like that. That’s not naman necessary.

“At the end of the day, she’s the stepmom of my child.

“So, that’s the only time she has to spend time with any part of my family… it’s just my child.

Continue reading below ↓

“So, to answer your question, no, we’ve never had dinner.”

Habang kausap namin si Max ay bigla siyang nagkaroon ng idea at nanawagan sa Kadenang Ginto actress.

“Actually, Beauty, I would love to have dinner with you one day, with Olivia, your daughter…”

Si Olivia ang four-year-old daughter nina Beauty at Norman.

Sabi pa ni Max tungkol sa anak ni Beauty, “Her daughter is so adorable. Her daughter is so cute.

“She just turned four last February 2… o, di ba, alam ko birthday niya? Kasi sinasabi sa akin ng anak ko.

“My son naman, he’s turning nine this year.”

Tiniyak ni Max na hindi magiging isyu kung may alok na pagsamahin sila ni Beauty sa isang acting project.

“I wouldn’t mind that. That would be lovely, di ba?” pakli niya.

ON HALF-SISTER ANDI EIGENMANN

Pagdating naman sa kanyang paternal half-sister na si Andi Eigenmann, ikinatutuwa ni Max ang kasalukuyang buhay nito sa isla ng Siargao.

Continue reading below ↓

Kasama ni Andi na namumuhay sa Siargao ang live-in partner nitong surfer na si Phil Alipayo at ang anak nilang si Lilo, na magsi-seven months na.

Komento ni Max sa paglayo ni Andi sa buhay-artista: “I am so proud of her.

“She decided that this is what she wanted, and she went for it.

“And there’s nothing I feel other than pride for my sister.”

Ni minsan ay hindi raw inisip ni Max na gayahin si Andi at magpakalayo na rin sa showbiz world.

Paliwanag niya, “Yung journey ko sa showbiz is very different just like anybody else.

“So, ako, matagal akong nawala. Ngayon, ready na ako bumalik.

“Si Andi naman, matagal syang nandun [showbiz], and ngayon gusto niyang magpahinga.

“And to be honest, Andi growing up, she always referred to herself as a mermaid.

“Because she really loves the water, she’s very sporty, and I’m very proud of her for going for it.”

Continue reading below ↓

Sina Max at Andi ay pareho ng ama—ang yumaong aktor na si Mark Gil.

Si Max ay anak ni Mark sa aktres na si Bing Pimentel, at si Andi ay anak ng yumaong aktor kay Jaclyn Jose.

FDCP AMBASSADORS’ NIGHT

Isa si Max sa binigyang parangal ng FDCP sa nakaraang Film Ambassadors’ Night.

Nanalong best actress si Max sa Asia Pacific Screen Awards sa Brisbane, Australia, noong November 2019, para sa pelikulang Verdict.

Personal na natanggap ni Max ang kanyang trophy sa Asia Pacific Screen Awards.

“Yes, I was there. I was able to receive it.

“I was able to experience it. It was so amazing and overwhelming.”

Kabado naman si Max nang umakyat siya sa entablado ng Film Ambassadors Night.

Lahad niya, “I’m very proud but, actually, I’m really really nervous.”

Mas nakaramdam raw siya ng kaba sa parangal mula sa kapwa Pinoy kaysa nang tanggapin niya ang karangalan sa Australia.

Continue reading below ↓

“Ewan ko ba, hindi ko alam kung bakit!” natatawa nyang pahayag.

“Nandito kasi lahat ng kakilala ko, e.”

Nakamit ni Max ang una niyang acting award sa Sine Pilipino noong 2015, para sa kanyang pagganap sa indie film na Next Project.

“That was my first and only local win.

“After that, wala na, but lot of nominations. And I’m honored for that.”

Anong pakiramdam na tila mas nakikilala ang husay ng mga gaya niyang indie actress sa abroad kaysa dito sa Pilipinas?

Tugon ni Max, “Well, you know, everything takes time, and I’m perfectly okay with that.

“Pinili ko namang mag-indie. Siyempre, nakakataba rin ng puso dahil nare-recognize siya sa ibang bansa.

“So, wish ko lang, hopefully, one day, that I will also be recognized here as well..."

Itinanggi ni Max na mapili siya sa paggawa ng mga pelikula at ayaw niyang gumawa ng mainstream o commercial movie.

“Sinong maysabi na ayaw ko nang mag-mainstream?” nakangiti niyang pagtanggi.

Continue reading below ↓

“Nagpahinga lang ako, but I’m ready na.

“I recently finished digital series for signal TV.

“So, that’s kinda, like, my comeback into mainstream.

“I know it’s not TV, but ngayon, parang the new frontier,digital na. May iWant na, may Cignal Play na.

“So, I recently wrapped up a series for Cignal. That’s something to watch out for.

“Nagsubok ako ng mainstream before, but just about… like, about three, four years, and then I quit.

“And then I decided to focus on indie and a lot personal stuff.

“I’m kinda, like, reaching my comeback, and I know the Filipino people will welcome me with open arms.

“Sa TV naman, hopefully they will be welcoming me with open arms.”

Hindi raw totoo na ayaw ng indie actors ng commercial film o TV projects.

“No, wala naman ganun,” paglilinaw niya.

“Commercial stuff is great. Indie films really keep my soul.

“And there’s a time for everything, and I think I’m ready to go back to mainstream, I would love too.”

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Indie actress Max Eigenmann on doing mainstream movies: "Sinong maysabi na ayaw ko nang mag-mainstream? Nagpahinga lang ako, but I’m ready na."
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results