Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

ABS-CBN executive Laurenti Dyogi speaks up about allegations against network

by Arniel C. Serato
Feb 13, 2020
Laurenti Dyogi on Office of the Solicitor General's quo warranto petition against ABS-CBN: "Nakakalungkot isipin na may mga taong nagnanais mapasara ang isang kumpanya na nagsisilbi sa publiko sa loob ng 65 na taon."
PHOTO/S: Mark Atienza

Ipinagtanggol ng TV executive na si Laurenti Dyogi ang ABS-CBN kaugnay ng mga balakid na kinahaharap ngayon ng network.

Sa March 30, 2020 nakatakdang mapaso ang franchise to operate ng Kapamilya network.

Pero hanggang ngayong araw, February 13, hindi pa inaaksyunan ng Committee of Legislative Franchises ng Kongreso ang alinman sa mahigit sampung panukalang batas na magbibigay sa ABS-CBN ng panibagong 25-year franchise.

Ito ay sa kabila ng pahayag ni House Speaker Alan Peter Cayetano, noong January 22, na tatalakayin na sa Kongreso sa unang linggo ng Pebrero ang franchise applications, kabilang na sa ABS-CBN.

May banta ring maipasara ang network dahil sa quo warranto petition na isinumite ng Office of the Solicitor General (OSG) laban sa giant network.

Ayon sa petisyong inihain mismo ni Solicitor General Jose Calida sa Supreme Court noong Lunes, February 10, may mga nilabag daw ang ABS-CBN kaugnay ng prangkisa nito.

Maliban dito, makailang-beses sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang official functions na haharangin niya ang pagbibigay ng panibagong prangkisa sa ABS-CBN/

Continue reading below ↓

Sa katunayan, noong December 30, 2019 ay pinayuhan ng Pangulo ang mga may-ari ng ABS-CBN na ibenta na lamang daw ang network.

Direktang quote mula sa Pangulo:

Sa salita ni Pangulong Duterte: “O, itong ABS, mag-expire ang contract ninyo, mag-renew kayo aywan ko lang kung may mangyari diyan.

"Kung ako pa sa 'yo, ipagbili na ninyo ‘yan.

"Kasi ang Filipino, ngayon lang makaganti sa inyong kalokohan.

“And I will make sure that you will remember this episode of our times forever.”

DIREK LAUREN SPEAKS UP

Sa pamamagitan ng Facebook nitong Miyerkules, February 12, inilabas ni Dyogi ang saloobin tungkol sa sitwasyon ngayon ng ABS-CBN.

Si Dyogi ay kasalukuyang head of TV production ng ABS-CBN, ngunit una siyang nakilala bilang direktor ng sikat na reality show na Pinoy Big Brother at ilang pelikula ng Star Cinema.

Pahayag niya (published as is), “Nakakalungkot isipin na may mga taong nagnanais mapasara ang isang kumpanya na nagsisilbi sa publiko sa loob ng 65 na taon.

Continue reading below ↓

“Mas mahaba pa sa ano mang administrasyon sa ating bansa.

“Di perpekto ang ABSCBN bilang isang kumpanya pero sa loob ng mahabang panahon pilit namin pinagbubuti ang aming serbisyo sa pagbibigay ng mga programa at balita, at sa pagtulong sa kapwa.

“Di man lahat tumatangkilik sa ABSCBN, marami pa rin kaming napapasaya, natutulungan at nabibigyan ng pagkakataon na mapabuti ang buhay, sa likod man o harap ng kamera.”

Kasunod nito ay sinagot ni Dyogi ang akusasyon ng ilan na hindi raw lumalaban ang ABS-CBN sa kabila ng mga birada na natatanggap nito.

“Ba't daw di kami lumalaban? Mag rally at makibaka?

“Kasi bago namin maisip yon, kailangan muna unahing gawin ang pagbuo ng mga programa sa araw-araw, dahil yun ang obligasyon namin sa aming mga manunuod.

“Madaming binabatong isyu laban sa kumpanya.

“Mga isyung madali naman bigyan ng linaw kung pakikinggan lang na bukas ang isip at damdamin.

“Nais namin na sa tamang lugar at panahon makapaghain ng aming mga sagot sa anumang akusasyon sa kumpanya.

Continue reading below ↓

“Umaasa pa rin kaming mabigyan man lang ng pagkakataon pakapagpaliwanag sa Kongreso.

“Pero gusto ko nang magsabi ng saloobin hinggil sa ilang mga batikos.”

ISSUES ABOUT ABS-CBN

Isa-isang sinagot ni Dyogi ang mga akusasyong ibinabato sa ABS-CBN.

Una na rito ang hindi raw nito pagbabayad ng buwis, na nilinaw na ng ABS-CBN sa isang official statement.

Saad ni Dyogi: “DI DAW NAGBABAYAD NG BUWIS.

“Ako bilang mamamayan at empleyado ng ABSCBN, malaking bahagi ng sahod ko ang napupunta sa gobyerno buwan buwan.

“Bawat isang empleyado namin ay nagbabayad ng tamang buwis dahil ang kumpanya mismo namin ay nagbabayad ng tamang buwis.

“Walang utang ang ABS kasi kung meron ba't walang reklamo ang BIR?

“Ba't binigyan ng parangal na isa sa top taxpayer ng bansa?”

Binanggit din ni Dyogi ang bilyun-bilyon diumanong buwis na hindi nakokolekta mula sa mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

“Pero sa reklamo ng BIR na ang mga POGO, 50 bilyong piso ang kulang na buwis, ba't walang umaalma?”

Continue reading below ↓

Muli pa niyang banat: “PAG-AARI NG DAYUHAN

“Sana alamin ng mabuti ang detalye ng PDRs bago manghusga dahil dumaan ito sa tamang proseso at aprobado ng SEC.”

Ang PDRs na tinutukoy ni Dyogi ay ang Philippine Depository Receipts, at ang SEC naman ay ang Philippine Stock Exchange.

Kabilang kasi sa alegasyon ng OSG ay mga dayuhan diumano ang majority owners ng PDRs ng ABS-CBN.

Pagpapatuloy ni Dyogi (published as is), “Bakit ang mga POGO, di ba't buong buo na pag aari ng mga dayuhan?

“Ba't walang naririnig na reklamo?

“Bakit kung sino pa yung kababayan, syang ginigipit?"

Pahayag pa niya: “Nakakalungkot na nauuwi tayo sa pagkakahiwahiwalay sa panahon na may panganib ng kalamidad at epedemya.

“Pero kailangan isantabi ang damdamin para makapagpatuloy sa pagsilbi sa mga kababayan sa loob at labas ng bansa.

“Pero higit sa lahat, nais kong magbigay ng taos pusong pasasalamat sa mga taong nagbibigay ng inspirasyon, suporta at lakas ng loob sa amin.

Continue reading below ↓

“Sa mga pagkakataong ito nararamdaman kong mas tumatapang at mas nagiging buo ang aming pamilya.

“At alam kong lilipas din ito sa takdang panahon! #IstandwithABSCBN #LabanKapamilya

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Laurenti Dyogi on Office of the Solicitor General's quo warranto petition against ABS-CBN: "Nakakalungkot isipin na may mga taong nagnanais mapasara ang isang kumpanya na nagsisilbi sa publiko sa loob ng 65 na taon."
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results