Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Angel Locsin defends "melodramatic" posts of Kapamilya stars amid shutdown threats

by Bernie V. Franco
Feb 13, 2020
Angel Locsin appeals to netizens to be careful about their comments on threats to shut down ABS-CBN. (Right photo) Angel posts a photo of her co-stars and the production team of "The General's Daughter," her 2019 teleserye in ABS-CBN.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram

Ipinagtanggol ni Angel Locsin ang sarili at kapwa Kapamilya stars laban sa panunumbat ng ilang netizens dahil sa marubdob na panawagan at pagtatanggol sa ABS-CBN mula sa bantang pagpapasara nito.

Sa kanyang Instagram post nitong February 12, Miyerkules, ipinaliwanag ni Angel na libu-libong empleyado ng ABS-CBN ang mawawalan ng trabaho kung ipatitigil ang operasyon ng network.

Kalakip ng post ni Angel ang larawan ng co-stars at ang production team ng pinakahuli niyang teleserye sa ABS-CBN, ang The General's Daughter, na umere mula January 21 hanggang October 4, 2019.

Umapela si Angel sa netizens na maging maingat sa kanilang posts, at magkaroon ng simpatiya sa mga nagtatrabaho sa network na inaasahan ng kani-kanilang mga pamilya.

Bahagi ng post ng 34-year-old actress (published as is): “Bago po tayo magsalita, isiping mabuti kung makakasira ba ito ng buhay ng napakaraming tao. Kung ito ho ba ang tamang solusyon?

“Kung meron pong pagkakamali man, gawin po nating tama.

Continue reading below ↓

“Hindi po ang pagpapasara ng isang network ang makakatulong sa amin at sa pamilya po namin.

“We have families that rely on us kagaya nyo rin po.”

WHY IT'S EMOTIONAL...

Pero hindi lahat ay nakikisimpatiya sa panawagan ni Angel at ng iba pang mga artista.

Isang netizen ang tinawag na “melodramatic” ang mga pahayag ng ABS-CBN stars.

Continue reading below ↓

Ayon pa sa netizen, huwag gamitin ng mga artista ang kanilang boses “to blind the public.”

Dagdag nito, i-shutdown daw ang ABS-CBN kung napatunayang nagkamali, at huwag isara kung wala naman itong pagkakamali.

Hayaan daw ang korteng magdesisyon.

Sabi pa ng netizen, itigil ng mga artista ang pagiging “pavictim” at “emotional blackmailing,” na isang uri raw ng “stepping right on the head of the public.”

Mahinahon namang nagpaliwanag si Angel kung bakit "emotional" ang dating ng mga post ng Kapamilya stars ukol sa isyu.

Bahagi ng komento ng aktres (published as is): “emotional siguro ang dating because this is personal to us na gusto rin po naming maintindihan nyo po sana Salamat sa maayos na pakikipagusap”

Continue reading below ↓

May isa namang netizen ang ibinalik ang pahayag ni Angel na “think before you click.”

Inirason ng netizen na maraming mga mamamayan ang makikinabang sa dapat sana'y buwis na ibinabayad ng ABS-CBN sa gobyerno.

Sabi pa nito, huwag daw idahilan ang mga maaapektuhang empleyado ng network para palagpasin ang paglabag nito sa batas.

Halatang ang pinanggagalingan ng netizen ay ang kumalat na paratang na diumano’y may atraso ang ABS-CBN sa pagbabayad ng buwis.

Naglabas ng official statement ang network upang ituwid ang maling impormasyong ito, at iginiit na wala silang atraso pagdating sa pagbabayad ng buwis.

Nilinaw ito ni Angel sa simula ng kanyang komento.

Sagot ng aktres sa netizen: “according to the network, wala daw po silang utang, ma’am”

Diin pa ni Angel, maraming artistang kagaya niya ang malaki ang ibinabayad na buwis sa gobyerno.

Kung pagsasama-samahin daw ang buwis na ibinabayad ng mga empleyado ng ABS-CBN ay malaki rin ito.

Continue reading below ↓

“gusto ko rin pong ipaalala na kami pong mga empleyado ay nagbabayad rin po ng tax.

“And to be honest, kung bilangan po natin ang lahat ng empleyado ng ABS, malaki-laki po ang naiaambag po namin sa pagbayad ng tax na alam po namin na makakatulong sa bansa natin.

“Ginagawa po namin ang part po namin, ma’am sa bansa.

“Karamihan po sa amin ang kabilang sa mga pinakamalaking magbayad ng buwis.”

Continue reading below ↓

Totoo ngang kalimitan, malaking bilang ng mga artista ang kasali sa Top 500 taxpayers sa listahan ng Bureau of Internal Revenue.

Inaabot ng milyun-milyon ang buwis na ibinabayad ng mga artista.

Halimbawa, sa website ng Department of Finance, naka-post ang listahan ng Top 500 taxpayers noong 2013.

Thirty-nine dito ay mga artista, kabilang na si Angel.

Hanggang ngayon ay hindi pa nareresolbahan ng Kongreso ang mga panukalang batas para sa renewal of franchise ng ABS-CBN na mag-e-expire sa March 30, 2020.

Pinangangambahan din ang isinumiteng quo warranto petition ni Solicitor General Jose Calida—ang official counsel ng gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte—laban sa network dahil sa umano’y “highly abusive practices” ng ABS-CBN sa kanilang operasyon.

Kaya ngayon ay nakabitin pa rin ang kinabukasan ng ABS-CBN, kasama na ang libu-libong mga artista, empleyado, at trabahador nito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin appeals to netizens to be careful about their comments on threats to shut down ABS-CBN. (Right photo) Angel posts a photo of her co-stars and the production team of "The General's Daughter," her 2019 teleserye in ABS-CBN.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results