Is Ellen Adarna dropping hints about "what had been" with John Lloyd Cruz?

by Rachelle Siazon
2 days ago
On Valentine's Eve, Ellen Adarna catches up with former colleagues in ABS-CBN "talking about what had been." The 31-year-old sexy star has been away from the limelight since her controversial romance with John Lloyd Cruz in 2017.
PHOTO/S: @maria.elena.adarna Instagram

Si John Lloyd Cruz ba ang tinutukoy ni Ellen Adarna na bahagi na lang ng kanyang nakaraan?

Base ito sa makahulugang pahayag ni Ellen nang makipagkita siya sa ilang dating kasamahan sa ABS-CBN.

Huwebes ng gabi, February 13, nang mag-post si Ellen sa kanyang Instagram Stories ng video kunsaan kasama niya ang ilang stafff ng "RSB Unit."

Ang RSB Unit ay kilalang drama unit o grupo ng creative staff na gumagawa ng mga teleserye sa ABS-CBN.

Pinamumunuan ito ni Ruel S. Bayani, na noo'y business unit head ng grupo at kilalang direktor ng mga pelikula at teleserye.

ABS-CBN head of scripted programs na ngayon si Ruel.

Ilan sa mga proyekto ni Ellen sa RSB Drama Unit noon ay ang Langit Lupa (2016-2017) at Pasion de Amor (2015).

Sa video ni Ellen, masaya niyang ipinakita ang pagkikita nila ng mga dating katrabaho.

"RSB Unit in the house!" saad ng sexy star.

Continue reading below ↓

Makahulugang dagdag ni Ellen sa sumunod na video: "Catching up! Talking about... what had been."

Continue reading below ↓

Sabay tawanan ang kanilang grupong nagkakasiyahan.

Bisperas ng Valentine's Day nang magkita-kita sila.

Isa sa mga kasama ni Ellen ang nagpaalala sa aktres ng kuwelang hirit nito bilang single noong 2015 Valentine's Day.

Sabi raw ni Ellen sa Facebook post nito noon, "f*** valentines LOL! who needs a date when there's tequila. #rampa #walwal."

Kapansin-pansin ang kulitan ng grupo dahil anim na buwan nang tampok ng espekulasyon ang estado ng relasyon nina Ellen at John Lloyd.

JOHN LLOYD-ELLEN LOVE STORY

Mahigit dalawang taong nawala sa sirkulasyon ng showbiz si Ellen.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang kontrobersiyal na love story nila ng premyadong aktor ng ABS-CBN na si John Lloyd.

Noong September 2017, lumikha ng ingay ang namumuong unawaan nina Ellen at John Lloyd sa kanilang dalawang magkasunod na bakasyon sa Cebu.

Co-stars sila sa ABS-CBN sitcom na Home Sweetie Home, na pinagbibidahan nina John Lloyd at Toni Gonzaga.

Continue reading below ↓

Pero mula sa pagiging simpleng magkatrabaho, nasubaybayan ang sweet moments nina John Lloyd at Ellen sa mga litratong ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram account.

Pati si John Lloyd, na kilalang mailap pagdating sa kanyang pribadong buhay, ay gumawa ng Instagram account na maaaring i-follow ng fans.

Minsang sinabi ng aktor dito kung gaano kaespesyal sa kanya si Ellen.

"Sobrang baduy neto pero this girl really did something good to my soul. i'll always be grateful," saad ni John Lloyd sa kanyang Instagram post ng September 24, 2017.

Pero binura ito ng aktor noon dahil na rin sa mga kontrobersiyang nauugnay sa kanila ni Ellen.

Hanggang sa sabay silang umalis ng Home Sweetie Home noong October 2017.

October 6, 2017 nang opisyal na naghayag si John Lloyd ng kanyang "indefinite leave of absence" sa showbiz.

Mula noon ay hindi na nakita sa sirkulasyon ng showbiz ang dalawa.

Kinalaunan ay iilang mga kaibigan sa industriya ang nakikitang kinakatagpo ni John Lloyd.

Continue reading below ↓

NO LONGER TOGETHER?

May anak sina John Lloyd at Ellen.

Nakita pang magkasama ang couple sa first birthday party ng kanilang anak noong June 27, 2019, base sa mga kumalat nilang litrato sa social media.

Pero makalipas lamang ng limang linggo, pumutok ang balitang hiwalay na umano ang dalawa.

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 5, 2019, isang source na malapit kay Ellen ang nagsabing nagkakalabuan na ang sexy star at si John Lloyd noon pa lang birthday ng kanilang anak.

Sabi pa ng source, "Co-parenting na lang sila.

"Hindi naman kasi nagbago mga buhay.

"Mahirap na ganun."

Naging kapansin-pansin ding hindi magkasama ang dalawa sa mga espesyal na okasyon.

Solo lang si John Lloyd na nagtungo ng Japan para sa kasal ng kaibigan niyang si Vhong Navarro kay Tanya Winona Bautista, noong November 28, 2019.

Hindi naman kasama si John Lloyd nang magbakasyon si Ellen sa Europe mula December 2019 hanggang January 2020.

Continue reading below ↓

IS ELLEN GETTING BACK TO WORK?

January 2020 nang maging aktibo ulit sa social media si Ellen, pero burado na sa kanyang Instagram posts ang mga litrato nila ni John Lloyd.

Ngayong nakipagkita siya sa mga dating kasamahan sa ABS-CBN, binibiro ng mga ito si Ellen na handa na raw magtrabaho ulit ang sexy star sa RSB Drama Unit.

Tila masigla si Ellen at panay lang ang tawa habang nakikipagkulitan sa mga ito.

Continue reading below ↓

Una nang nagbalik-trabaho si John Lloyd, na may cameo appearance sa 2019 Metro Manila Film Festival entry na Culion.

Nagsimula na rin itong mag-shoot ng Servando Magdamag na gawa ng acclaimed director na si Lav Diaz mula sa panulat ng batikang writer na si Ricky Lee.

Makakatambal ni John Lloyd dito ang ex-girlfriend niyang si Shaina Magdayao.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On Valentine's Eve, Ellen Adarna catches up with former colleagues in ABS-CBN "talking about what had been." The 31-year-old sexy star has been away from the limelight since her controversial romance with John Lloyd Cruz in 2017.
PHOTO/S: @maria.elena.adarna Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results