Nora Aunor recounts relief operation for Taal victims

by Arniel C. Serato
Feb 14, 2020
Superstar Nora Aunor to victims of Taal Volcano eruption in Batangas: "Huwag po kayo mawawalan ng pag-asa sapagkat marami hong tao ang tutulong sa inyo...”
PHOTO/S: Noel Orsal / PEP.ph Source

Hindi raw matatawaran ang kagalakan sa puso ni Nora Aunor na kahit papaano ay nakapag-abot siya ng tulong—kasama ang kanyang mga tagahanga—sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Kahit umuulan, sumugod pa rin si Nora sa Agoncillo, Batangas, noong Sabado, February 8, upang mamahagi ng relief goods.

Bakit sa Agoncillo nila naisip mamahagi ng tulong?

Paliwanag ng Superstar, “Yung una kasing pinuntahan namin, medyo madaming tao, so nagpunta kami talaga sa bayan-bayan.

“Talagang inisa-isa namin ang mga bahay-bahay, at talagang marami nang bahay na wala nang tao talaga, wala nang nakatira.”

May mga pagkakataon pa raw na bumaba ng sasakyan si Nora upang mamigay ng relief goods sa mga nakatira sa may aplaya.

Kuwento nito, “Ano naman, okay lang din naman sila.

“Kaya lang, nakakaawa din sila dahil ilang pamilya lang yung nakikita mo na nandun.”

Ano ang pakiramdam na kahit papaano ay nakatulong siya sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal?

Continue reading below ↓

Tugon ng legendary actress, “Ako'y natutuwa dahil sa kahit na umuulan, ang mga tao talaga kahit papa'no…

“Gusto ko pasalamatan muna yung NoW, Noranians Worldwide, kasi sila talaga yung nagpagod, nag-pack nung mga ipinamigay dun sa mga tao.

“Kaya hindi rin ako, talagang bukas ang loob ko sa pagsama sa kanila para mamigay.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Mensahe pa niya sa mga taga-Batangas, “Huwag po kayo mawawalan ng pag-asa sapagkat marami hong tao ang tutulong sa inyo.

“Hindi lamang kami. Hindi lamang ang ibang artista, kundi marami pong mga tao na talagang may maganda ang puso na tutulong sa inyo.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang reporters si Nora sa media conference ng upcoming Kapuso drama series na Bilangin ang Bituin sa Langit, noong Martes, February 11.

REMAKE OF NORA'S CLASSIC FILM

Ang Bilangin ang Bituin sa Langit ay TV remake ng award-winning film ng Superstar na ipinalabas sa mga sinehan noong 1989.

Continue reading below ↓

Leading man niya noon sa pelikula ang kanyang perennial loveteam partner na si Tirso Cruz III.

Sa TV adaptation, medyo naiba nang kaunti ang istorya nito.

Wala naman daw problema dito si Nora.

Sabi niya, “Hindi naman, kasi halos pareha din naman, e, dun sa ginawa namin.”

Bukod kay Nora, kasama rin sa cast sina Mylene Dizon, Kyline Alcantara, Zoren Legaspi, Gabby Eigenmann, Ina Feleo, Yasser Marta, Isabel Rivas, Divina Valencia, Ricky Davao, Dante Rivero, at Candy Pangilinan.

Ito ay mula sa direksiyon ni Laurice Guillen.

Mapapanood ito sa GMA Afternoon Prime simula February 24.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Superstar Nora Aunor to victims of Taal Volcano eruption in Batangas: "Huwag po kayo mawawalan ng pag-asa sapagkat marami hong tao ang tutulong sa inyo...”
PHOTO/S: Noel Orsal / PEP.ph Source
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results