Vice Ganda pens short but sweet Valentine's message for boyfriend Ion Perez

by Arniel C. Serato
Feb 14, 2020
Vice Ganda celebrates Valentine's Day in Japan, while boyfriend Ion Perez returns to It's Showtime after their Amanpulo getaway.
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin on Instagram

Kasalukuyang nagbabakasyon sa Japan ang It’s Showtime host na si Vice Ganda.

Ito ay base sa kumalat na social media post noong February 11, Martes.

Diretso sa Japan si Vice pagkatapos ng bakasyon nila ng nobyong si Ion Perez sa Amanpulo, Palawan.

Naiwan sa Pilipinas si Ion at balik-trabaho ito sa It’s Showtime.

Continue reading below ↓

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ipinarating ni Ion ang pagka-miss niya kay Vice.

Kalakip ang larawan ni Vice na naka-side view at bahagyang natatakpan ng buhok ang mukha, ito ang mensahe ng binata:

“I Miss U!

“Happy Valentine’s! Sa Mahal ko.

“I luv u!

“I love you!

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“I lab you!

“I lav you!”

Continue reading below ↓

VICE'S VALENTINE MESSAGE FOR ION

Ngayong February 14, mismong Araw ng mga Puso, nag-post naman si Vice sa Instagram ng kanyang mensahe kay Ion.

Saad ng 43-year-old TV host-comedian: “Our love doesn’t have to be the same with yours.

“Every love is unique and special.

“Love is not supposed to be mediocre.

“Happy Valentines Day!!!”

Sinamahan ito ni Vice ng apat na larawan nila ni Ion habang ini-enjoy ang magandang beach sa Amanpulo.

Continue reading below ↓

Puno ng heart emojis at kilig ang komento ng mga kaibigang artista ni Vice tulad nina Ryan Bang, Angeline Quinto, Angel Locsin, Loisa Andalio, Richard Juan, at marami pang iba.

Continue reading below ↓

Hindi pa malinaw kung kailan magbabalik sa noontime show ng ABS-CBN si Vice.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda celebrates Valentine's Day in Japan, while boyfriend Ion Perez returns to It's Showtime after their Amanpulo getaway.
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results