Jennylyn Mercado on boyfriend Dennis Trillo: "Walang babae, walang barkada, walang bisyo."

by Rachelle Siazon
Feb 16, 2020
Jennylyn Mercado and boyfriend Dennis Trillo have learned how to deal with misunderstandings: "Kapag sinong may kasalanan siya yung magsu-sorry."
PHOTO/S: Cyrus Panganiban

Masayang ibinahagi nina Jennylyn Mercado, 32, at Dennis Trillo, 38, na wala silang malaking pinag-awayan sa loob ng humigit-kumulang limang taon nilang relasyon.

"Walang babae, walang barkada, walang bisyo," nakangiting pahayag ni Jennylyn.

Dagdag niya, "Yung mga pinag-aawayan namin maliit na bagay lang.

"Mga ano lang, 'Bakit hindi mo ako na-replyan?' Mga ganun lang."

Natawa si Dennis sa ibinigay ni Jennylyn na sampol ng kanilang lover's quarrel dahil sobrang liit na bagay ito.

Paglilinaw naman ni Jennylyn, "Ako yun."

Sinabi ito nina Jennylyn and Dennis sa PEP.ph Challenge na "How Well Do You Know Each Other?"

Parehong "AKO" ang sagot nila sa tanong kung sino ang unang nagsu-sorry kapag may tampuhan.

Sabi pa ni Jennylyn: "Ako kaya! Kasi palaging ako yung may kasalanan! Hahaha!

"Hindi... Kasi ganun talaga. Kapag sinong may kasalanan siya yung magsu-sorry. Alam na namin yun.

"Pag ako yung may mali, ako yung magsu-sorry. Pag siya yung may mali, siya yung magsu-sorry."

Continue reading below ↓

Sang-ayon naman si Dennis na pareho silang marunong magpakumbaba ni Jennylyn.

Aniya, "Tama naman. Kaya yun siguro ang sinulat namin pareho kasi yun ang rule dapat, e. Kung sino may kasalanan siya dapat yung mauna."

PAST BREAKUP

Natuto na raw sila sa mga pagkakamali nila noong una silang magkarelasyon.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

April 2010 nang maging opisyal silang magkasintahan. Nagkamabutihan sila habang ginagawa ang GMA-7 afternoon drama series na Gumapang Ka Sa Lusak.

Pero makalipas ang eleven months ay nagkaroon sila ng matinding pag-aaway na nauwi sa hiwalayan.

Sa ginanap nilang CoLove Live concert kagabi, February 15, inamin nina Jennylyn at Dennis na nasaktan nila ang damdamin ng isa't isa noon.

Sabi ni Dennis, "I think wala namang tao na intensyon na masaktan ang mahal nila.

"May mga nagagawa tayo na kapag pinag-isipan natin maigi ay hindi na sana natin nagawa.

"May mga nasasabi tayo na sana hindi natin sinabi."

Dagdag ni Jennylyn, "We were immature then. Maliit na bagay pag-aawayan. Madikit lang sa kung sino, pagseselosan."

Continue reading below ↓

Kuwento pa ni Dennis, wala raw gustong magpatalo sa kanila noon ni Jennylyn kapag mayroon silang away.

Kaya raw hindi nila nalampasan ang pagsubok na pinagdaanan nila noon.

Dagdag ni Jennylyn, "We felt that we were not good for each other, so it's best for us to part ways."

A SECOND CHANCE

April 2015 nang maiulat ang panunumbalik ng pagtatangi nina Jennylyn at Dennis sa isa't isa.

Aminado si Dennis na siya ang unang nagparamdam kay Jennylyn na may gusto pa rin siya dito.

Pareho raw silang nagbago at naging mas handa na para sa isang relasyon.

Sabi naman ni Jennylyn, "Baka nakilala namin ang isa't isa sa maling panahon kaya hindi nag-work.

"Pero hindi ibig sabihin hindi na magwu-work ever. Kasi lahat naman ng mali maaaring nating itama kung gugustuhin."

Sa puntong ito sinabi ni Dennis kung gaano niya kamahal si Jennylyn.

Lahad niya, "Everyone deserves a second chance. Mahal ko talaga, e.

Continue reading below ↓

"Lalo na nung nagkabalikan kami. Masasabi ko talaga na mahal na mahal ko itong tao na 'to."

Ilang taon ding ginawang pribado nina Jennylyn at Dennis ang kanilang relasyon.

Taong 2017 nang unti-unting naging bukas sila sa publiko tungkol sa sweet moments nila bilang magkasintahan.

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jennylyn Mercado and boyfriend Dennis Trillo have learned how to deal with misunderstandings: "Kapag sinong may kasalanan siya yung magsu-sorry."
PHOTO/S: Cyrus Panganiban
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results