Kris Bernal reveals why she took her time before saying "yes" to Perry Choi's proposal

by Rose Garcia
Feb 14, 2020
Is Kris Bernal really ready to get married? The Kapuso actress replies, “Magti-thirty-one na ako ngayong May. Ready na ako. Feel ko, ready na ako. Pero sa career kasi, gusto ko pang mag-work."
PHOTO/S: Rose Garcia

Sinorpresa ni Kris Bernal at ng non-showbiz boyfriend niyang si Perry Choi ang isa’t isa noong Pebrero 6, Huwebes.

Kuwento ng 30-year-old actress, “Birthday niya yun.

"So, nagplano ako ng surprise birthday party sa kanya. In-invite ko ang family niya.

“So, na-surprise naman siya.

"Pero ang hindi ko alam, may surprise din pala siya."

Nag-propose si Perry ng kasal noong araw na iyon, at umoo si Kris.

Biniro ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalaga na baka nagparinig na siyang gusto na niyang mag-propose ito.

“Hindi, hindi ako nagpaparamdam!” natawa niyang sabi.

“Pero dati, parang nararamdaman ko na magpu-propose siya.

"Kasi, may mga signs, e. 'Tapos, nag-propose nga.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa opening/blessing ng pagmamay-ari nila ni Perry na Korean restaurant, ang House of Gogi (Unlimited Korean Bbq), sa 808 Banawe St., Quezon City, noong February 13, Huwebes.

GUT FEEL

Kuwento ni Kris, medyo nakakaramdam na siya noong araw na yun.

Continue reading below ↓

“Meron na akong inkling habang nagpi-prepare ako sa birthday niya.

"Kasi, naisip ko na, 'Bakit parang sobrang bongga ang lahat? E, ako ang nag-plan.'

“Sabi ko, simple lang. Pero yung suppliers ko, binonggahan nila yung services. Photo and video, lahat, bongga.

"So, parang ako, 'Shucks, hindi kaya may mangyayari?' Alam mo yun?” natatawa niyang lahad.

Pero nagulat pa rin si Kris nang mag-propose nga si Perry dahil hindi raw talaga niya iyon inaasahan.

“Na-surprise talaga ako, kasi wala naman talaga akong idea.

“Ako ang nag-invite ng family niya.

"Kasi, ang first plan naman, kakain lang kami ng dinner.

"First, family niya, mother lang, father, brother, so yun lang, ganoon lang ang plano niya.

“So, na-surprise nga siya dahil surprise birthday party, nandoon ang lahat.

"Sakto rin na magpu-propose siya, nandoon ang lahat."

WHY KRIS TOOK HER TIME TO ANSWER

Sa parte ni Kris, ang mommy niya lang ang wala dahil nag-aalaga ito ng apo.

Continue reading below ↓

Dahil wala ang mommy niya sa proposal, natagalan bago sumagot ng “yes” ang aktres sa boyfriend.

“Noong nag-propose siya sa akin, tumingin ako sa family ko kung alam ng mommy ko.

"Kasi, gusto kong malaman kung alam ng mommy ko.

“Kasi, lahat ng mga big decision ko, nanay ko talaga ang nagga-guide sa akin.

"Pero a month or two weeks ahead, pumunta pala siya kay Mommy, ipinaalam niya.”

Biglang natatawang sabi ni Kris, “Hindi lang ako sanay. Feeling ko, bata pa rin ako!”

Handa na ba siyang magpakasal?

“Magti-thirty-one na ako ngayong May. Ready na ako.

"Feel ko, ready na ako. Pero sa career kasi, gusto ko pang mag-work.

“Sabi ko nga kay Perry, ‘Alam mo, yung proposal natin, sure na sure naman ako sa ‘yo. Pero yung work ko, I don’t know what will happen,’” pag-amin ni Kris sa nagiging alalahanin niya.

Wala raw isyu sa kanyang fiancé ang pagpapatuloy niya sa pagiging artista.

Continue reading below ↓

Mas inaalala ni Kris kung may kukuha pa ba sa kanya.

“Iba kasi kapag engaged ka na," pakli niya.

"Naiinis ako sa kanya, sabi ko, ‘Hindi mo ba naisip ang career ko bago ka nag-propose?’”

Pero binawi rin ni Kris at sinabing biro niya lang iyon.

“On the side, joke lang yun!”

Malapit na rin kasing mag-expire ang kontrata ni Kris sa Kapuso network.

“Sabi ko kay Perry, ‘Alam mo naman na mag-e-expire...’ Hindi niya muna pinalampas!” natatawang biro pa rin niya.

Pero pag-amin ni Kris, “Worried na worried talaga ako sa ano [career] ko.”

2021 WEDDING?

Kung sakali, sa 2021 pa nila planong magpakasal.

Gusto kasi muna nilang magpatayo ng magiging bahay nila kapag ikinasal na sila.

Ayon kay Kris, “May binili kasi akong lot sa Quezon City. Sabi ko, yung pagpapatayo, siya na ang bahala.

"Definitely, not this year, baka next year pa. Para may bahay."

Bago pa man mag-propose, si Perry na raw ang nakikita ni Kris na pakakasalan niyang talaga.

Continue reading below ↓

Ayon naman kay Perry, na nakausap din ng PEP.ph, nakaplano talagang mag-propose siya kay Kris noong mismong kaarawan niya.

Pero hindi raw niya alam na marami palang imbitado ang girlfriend.

“Ang alam ko, apat lang kami, biglang yun,” sabi ng fiancé ni Kris.

Tinanong namin si Perry sa mga alalahanin ni Kris pagdating sa trabaho. Na sana raw, hinintay niya munang mag-renew itong muli ng kontrata sa network.

“Kasi, nagmamadali na rin ang mga grandparents ko,” paliwanag ng negosyante.

Sumingit si Kris na hindi iyon ang main concern niya. Nagkataon lang daw na halos lumaki na siya sa showbiz.

“Magaling ka naman,” papuri ni Perry kay Kris.

Wala raw ipagbabawal si Perry kay Kris sa pagiging artista nito kahit mag-asawa na sila.

Ayon kay Perry, “Yun kasi ang passion niya. Gawin lang niya kung ano ang gusto niya.”

Kinumpirma ni Perry na sa 2021 pa ang kasal nila ni Kris.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is Kris Bernal really ready to get married? The Kapuso actress replies, “Magti-thirty-one na ako ngayong May. Ready na ako. Feel ko, ready na ako. Pero sa career kasi, gusto ko pang mag-work."
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results