Is a Jelai Andres-Jon Gutierrez reconciliation in the works? 

by Rachelle Siazon
Feb 16, 2020
Jelai Andres on spending time with estranged husband Jon Gutierrez: "Thanks for the treat and for this day. Hindi naman ito last, e. Cool naman tayo, e."
PHOTO/S: @jelaiandresofficial / @easymoneybadger Instagram / Jelai Andres Youtube (insets)

Nag-trend sa Twitter ang pakikipag-date ni Jelai Andres sa "ex" daw niyang si Jon Gutierrez.

Sina Jelai at Jon ang mag-asawang web stars na nasangkot sa kontrobersiyal na hiwalayan dahil sa isyung third party noong March 2019.

Si Jelai ay may 2.46 million subscribers sa YouTube, 2.2 million followers sa Facebook, at higit 600,0000 followers sa Twitter.

Si Jon o King Badger ay miyembro ng hiphop group na Ex Batallion. Mayroon siyang 1.9 subscribers sa YouTube at 1.69 followers sa Facebook.

Ang tambalang JoLai ay may sariling YouTube account na may 1.25 million subscribers.

Gabi ng February 15, 2020 nang maglabas sila ng video na buong araw silang nag-date para sa post-birthday celebration ni Jelai.

Kuwela ang usapan nila habang nasa loob ng sasakyan ni Jelai na ang nagmaneho ay si Jon.

Kasama nila ang chaperone ni Jelai na isang batang babae.

Kinumusta ni Jon ang mga magulang ni Jelai, "Nasaan nga pala sina Mama tsaka si Papa?"

Continue reading below ↓

Sagot ni Jelai, "Mama mo? Papa mo? Galit sa iyo. Nasa Japan sila," sagot ni Jelai.

Hindi raw sumama si Jelai dahil may trabaho siya.

Hirit ni Jon, "Work or dahil imi-meet mo ako?"

Akmang tinuturo ni Jon si Jelai dahil mukhang kinikilig daw ito.

Kontra naman ni Jelai, "Close tayo? Huwag ka nga nakikitusok-tusok. Hindi kita kabiruan. Close tayo?"

Sinabi ni Jon na patunay daw na unti-unting lumalambot ang puso ni Jelai sa kanya ay ang pagpayag nito sa kanilang date.

"Sinundo mo nga ako, e," sabi pa ni Jon na coding daw ang sasakyan.

Hiwalay pa rin sila ng bahay ni Jelai.

"Tropa, e," komento ulit ni Jelai na tinawag na "Tol" o utol si Jon.

Maya-maya pa ay pasimpleng nahawakan ni Jon ang legs ni Jelai.

Tinapik ni Jelai ang kamay ni Jon, "Huwag ka kumapit!"

Depensa ni Jon, hindi raw niya sinasadya dahil nasa tabi ng manibela o gear stick ang legs ni Jelai.

Continue reading below ↓

Nang dumating na sila sa restaurant, tuloy ang simpleng pang-aasar ni Jelai kay Jon.

Naglalaro ng mobile game si Jelai nang usisain ni Jon ang ginagawa nito.

Sinubukan ni Jon na laruin ang mobile game, pero inagaw ni Jelai ang mobile phone niya kay Jon.

"Ano ba iyan, hindi ka marunong! Tira ka lang nang tira, hindi ka nag-iisip!" malamang patutsada ni Jelai kay Jon.

"Kung sinu-sino na lang tinitira, o!"

Hindi nagkomento si Jon at inawat na lang si Jelai sa paglalaro.

Pagkatapos kumain, sumakay ulit sila ng kotse papunta ng simbahan.

Hindi nila kasama ang batang chaperone ni Jelai, at tila iniwan muna ang bata sa nanay nito.

Habang nagbi-video, napansin ni Jelai ang bagong tattoo ni Jon sa inner right forearm nito.

"Ano naman iyang tattoo mo dun? Kadiri!" turo ni Jelai.

Maliit na male organ ang tattoo ni Jon.

"Tatak iyan ng stupidity," simpleng pag-amin ni Jon.

Continue reading below ↓

JON'S PAST MISTAKE

Hindi idinetalye ni Jon, pero tila kaugnay ito ng pinag-awayan nila noon ni Jelai.

Ikinagalit nang husto ni Jelai nang kumalat sa kanilang sirkulo ng web stars ang balitang nambababae diumano si Jon.

Sangkot ang kinilalang si Toni Fowler, isang dancer na dati na ring naugnay kay Jon. Si Toni rin ang itinurong dahilan ng hiwalayan nina Jon at Jelai noong magkasintahan pa lang sila.

October 2018 kinasal sina Jelai at Jon. Limang buwan silang kasal nang lumabas ang balitang nakipagkita si Jon kay Toni.

Parehong nanindigan sina Jon at Toni na walang malisya at nagkataon lang na nagkrus ang kanilang landas noong February 2019. Kasama raw nila noon ang isa pang Ex Battalion member na si Mark Maglasang.

Pero lubhang nasaktan si Jelai.

Isiniwalat niya ang panloloko sa kanya nina Jon at Toni nang magkaugnayan ang mga ito noong 2016. Nahuli raw noon ni Jelai ang isang insidenteng nagkita sina Jon at Toni.

Continue reading below ↓

March 2019 nang kumpirmahin ni Jelai na umalis siya sa bahay nila ni Jon.

April 2019 nang ihayag ni Jon na pinagsisisihan niya na nasaktan niya ang kanyang asawa.

RECONCILIATION IN THE WORKS?

Ilang buwan ding sinuyo ni Jon si Jelai.

Noong October 2019, sorpresang dumalo si Jon sa isang fanmeet kunsaan guest si Jelai.

Doon unang sinabi ni Jelai na "friends kami ni Jon."

Sa kasalukuyan ay hindi pa rin daw nagbabalikan ang dalawa.

Pero kapansin-pansing pumapayag si Jelai na yumakap at makipag-hawak kamay kay Jon sa kanilang date nitong mga nakaraang araw.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jelai Andres on spending time with estranged husband Jon Gutierrez: "Thanks for the treat and for this day. Hindi naman ito last, e. Cool naman tayo, e."
PHOTO/S: @jelaiandresofficial / @easymoneybadger Instagram / Jelai Andres Youtube (insets)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results