Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Matteo Guidicelli-Sarah Geronimo PDA brings kilig to AshMatt fans

by Rachelle Siazon
Feb 16, 2020
Matteo Guidicelli shows his support for fiancee Sarah Geronimo during the first night of her Unified concert with Regine Velasquez at the Araneta Coliseum.
PHOTO/S: Viva Artists Agency Facebook

Kinakiligan nang husto ang public display of affection ni Matteo Guidicelli, 29, para sa fiancée niyang si Sarah Geronimo, 31, sa Araneta Coliseum.

Sa loob ng mahigit anim na taon nilang relasyon, low-profile lang si Matteo kapag nanonood ng concert ni Sarah.

Pero sa unang pagkakataon, umakyat si Matteo ng stage para personal na i-congratulate si Sarah pagkatapos ng unang gabi ng Unified concert nina Sarah at Regine Velasquez nitong nakaraang February 14.

Sinalubong agad ni Matteo ng mahigpit na yakap si Sarah at saka hinalikan sa kanang pisngi ang Popstar Royalty.

Todo-ngiti rin si Sarah na yumakap kay Matteo.

Pagkatapos ay inabot ni Matteo ang dalang bouquet of flowers at nakangiting may ibinulong kay Sarah.

Wala pang isang minuto ay bumaba rin agad ng stage si Matteo at bumalik sa kanyang kinauupuan sa front row ng Big Dome.

May isang bahagi rin ng concert na special mention si Matteo ni Sarah.

Continue reading below ↓

"Sa Love ko," ani Sarah nang isa-isahin niya ang mga espesyal na taong nais pasalamatan.

Nakangiting dagdag niya, "At siyempre po, nagpapasalamat ako sa aking pamilya— ang aking Daddy Delfin, Mommy Divine, sa aking mga kapatid."

Nasa backstage raw ang mga kapamilya ni Sarah.

Ni-repost ni Matteo sa Facebook ang video ng Viva Artists Agency nang umakyat siya ng stage.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Caption ng aktor, "Super proud fiancé here! Congratulations my love and Ms. Reg!!"

Continue reading below ↓

Marami ang na-excite na makitang magkasama sina Sarah at Matteo, o kilala sa uniname na AshMatt.

Lalo pa't noon lamang November 2019 inanunsiyo ang kanilang engagement.

Ang nakababatang kapatid ni Matteo na si Paolo ang nagbuking na isang taong inilihim ng magkasintahan na engaged na sila.

Bali-balitang March 2020 nakatakdang ikasal sina Sarah at Matteo, pero hanggang sa kasalukuyan ay tikom ang bibig nila ukol dito.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matteo Guidicelli shows his support for fiancee Sarah Geronimo during the first night of her Unified concert with Regine Velasquez at the Araneta Coliseum.
PHOTO/S: Viva Artists Agency Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results