Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Toni Gonzaga on how to deal with ABS-CBN franchise woes: "Just show up in our work."

by Rachelle Siazon Interview by Francesca Ganal
Feb 17, 2020
Toni Gonzaga hopes for positive outcome amid call for cancellation of ABS-CBN franchise: "At the end of the day, you just hope na everything will turn out for the best of all the employees, of all the hardworking people under ABS-CBN."
PHOTO/S: @celestinegonzaga Instagram

Bilang artista, tuloy lang daw ang trabaho ni Toni Gonzaga sa kabila ng nakaambang pagpapasara sa ABS-CBN.

Si Toni ay exclusive star ng ABS-CBN at napapanood sa weekly sitcom na Home Sweetie Home: Extra Sweet.

Sa March 30, 2020 ang expiration ng 25-year franchise ng broadcast giant.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa tinatalakay sa Kongreso ang panukala para ma-renew ito.

Habang inilalaban ng ABS-CBN na patuloy pa rin itong umere sa telebisyon, responsibilidad din daw ng artista na huwag maapektuhan ang kalidad ng trabaho nito.

Sabi ni Toni, "I think the best thing that we can do right now is just to be present.

"Just to show up in our work. Just to be professional. Just do whatever it is that is asked of us.

"Be ready. Know our scenes. Keep doing what we usually do."

Nakapanayam si Toni ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang reporters sa media launch ng Cetaphil noong February 13, Huwebes.

Continue reading below ↓

Ang ipinag-aalala raw ni Toni ay ang mga empleyado ng ABS-CBN na posibleng mawalan ng trabaho sa oras na hindi payagang mag-broadcast sa telebisyon ang network.

"I guess, at the end of the day, you just hope na everything will turn out for the best of all the employees, of all the hardworking people under ABS-CBN.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Because, at the end of the day, it's really for them.

"The company is all about giving service to the Filipino people."

Dagdag ni Toni, idinadasal niyang sa huli ay ma-renew pa rin ang franchise ng network.

"Prayers na lang. Kasi hindi naman natin alam kahihinatnanan ng buong ordeal.

"Basta ang prayer ko, sana hindi maapektuhan ang workers.

"Siguro ang prayer natin is magkaroon ng solusyon, and mag-continue pa rin yung pagbibigay saya sa mga manonood."

SOLICITOR GENERAL VS. ABS-CBN

Bukod sa mahigit siyam na nakabimbing panukala para sa ABS-CBN franchise renewal, nahaharap din sa legal battle ang Kapamilya network dahil sa mga diumano'y nilabag nitong batas.

Continue reading below ↓

Ang Office of the Solicitor General, o abogado ng gobyerno, ay naghain sa Supreme Court ng quo warranto petition upang patigilin ang operasyon ng ABS-CBN Corporation at ABS-CBN Convergence Inc.

Ilan sa mga alegasyon ng OSG ay ang diumano'y mapang-abusong pamamalakad ng network at paglabag umano nito sa batas na dapat ay 100-percent Filipino-owned ang mass media companies.

Nanindigan ang ABS-CBN na wala itong nilalabag na violation.

Ang pag-isyu raw nila ng Philippine Deposit Receipts (PDRs) sa foreign investors ay dumaan daw sa karampatang proseso at aprubado ng parehong government at private regulatory bodies.

Wala raw iyong pinagkaiba sa kalakaran ng ibang broadcast companies na gumagamit ng PDR para makakuha ng kapital sa isang negosyo.

Sinasabing ang PDR ay dokumento para sa "stocks" na binili ng isang investor, pero hindi saklaw ng karapatan ng investor na magmay-ari ng titulo ng kumpanyang pinagbilhan nito.

Isa pang malaking balakid sa pagpapatuloy ng prangkisa ng ABS-CBN ay ang deklarasyon mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin niya ang mga panukalang kaugnay nito.

Continue reading below ↓

Sa isang talumpati noong December 30, 2019, sinabi ng Pangulo ng dapat ibenta na lamang ng mga may-ari ng network ang ABS-CBN.

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Toni Gonzaga hopes for positive outcome amid call for cancellation of ABS-CBN franchise: "At the end of the day, you just hope na everything will turn out for the best of all the employees, of all the hardworking people under ABS-CBN."
PHOTO/S: @celestinegonzaga Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results