Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Fans to John Lloyd Cruz and Bea Alonzo: "Sana kayo na lang."

Feb 17, 2020
Bea Alonzo after doing live script reading with former leading man, who's been in showbiz hiatus since 2017: “I have to say, nakakamiss makabatuhan ng mga linya ang isang John Lloyd Cruz."
PHOTO/S: @beaalonzo on Instagram

“Sana kayo na lang.”

Ito ang nagkakaisang apela ng maraming fans nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo matapos magsama ang dating magka-love team sa isang event nitong Valentine’s Day.

Itinampok sina John Lloyd, 36, at Bea, 32, sa live script reading ng That Thing Called Tadhana sa Art Fair Philippines 2020 nitong Biyernes, February 14.

Ginawa sa Makati City ang Valentine’s Day event, na dinaluhan din ng direktor ng pelikula na si Antoinette Jadaone.

Ang That Thing Called Tadhana ang 2015 blockbuster rom-com movie na pinagbidahan nina Angelica Panganiban at JM de Guzman.

Naging isang malaking sorpresa ang event para sa maraming fans ng tambalang John Lloyd at Bea, hindi lang dahil reunited ang former love team.

Ito rin kasi ang unang public appearance ng aktor makaraang mag-indefinite leave sa showbiz noong 2017.

BEA’S VALENTINE’S DAY WITH JOHN LLOYD

Ipinost ni Bea sa Instagram nitong Linggo, February 16, ang mga litrato ng live script reading nila ni John Lloyd.

Continue reading below ↓

Sa caption, sinabi ng aktres na hindi niya inasahang magiging “a little different” ang kanyang Valentine’s Day sa ginawa niyang live script reading kasama si Idan.

Idan ang nickname kay John Lloyd ng mga taong malalapit sa aktor.

Caption ni Bea: “Valentine’s Day turned out to be a little different from what I had expected.

“I did a live script reading of Tonette Jadaone’s beautiful script, ‘That thing called TADHANA’ at Ayala Triangle with Idan. @dumpsitegallery

“It was a beautiful evening.

“The air was crisp, it didn't feel like it was a busy Friday night, it almost felt like the holidays again.”

Continue reading below ↓

Ayon kay Bea, “unannounced” ang pagpunta nila ni John Lloyd sa event, kasama ang ilan nilang kaibigan.

“We went there unannounced with a few of our friends who opted to spend their Valentine's with us.

“Most of them stayed until we finished reading the two-hour-long script.”

Habang ginagawa ang live script reading, aminado si Bea na na-miss niyang kabatuhan ng dialogue ang dati niyang leading man.

“I have to say, nakakamiss makabatuhan ng mga linya ang isang John Lloyd Cruz. [raising hands emoji]

“I am so glad I had the privilege to be on stage with these two amazing and talented people,” ani Bea, na tinukoy rin si Direk Tonet.

Continue reading below ↓

Nagpasalamat din ang Kapamilya actress sa writer-creative director na si Erwin Romulo at sa film critic na si Philbert Dy, na organizers ng event.

Hindi naman maitatago ang kilig ng mga nagkomento sa post ni Bea.

Ayon sa isang Instagram follower ni Bea, ito raw marahil ang unang beses na magkasamang nag-celebrate ng Valentine’s Day ang aktres at si John Lloyd.

Continue reading below ↓

Lagi kasing may kani-kanyang romantic partners ang dalawa sa nakalipas na mga taon.

Hindi naman unusual na makitang magkasama sina John Lloyd at Bea, na napapadalas ang sightings sa nakalipas na mga buwan.

Sa katunayan, nitong February 5 ay kumalat sa social media ang litrato kung saan spotted silang magkasama sa isang restaurant sa Makati.

Continue reading below ↓

September 2019 naman nang magkatabi silang nanood ng stage play na Himala: Isang Musikal, sa Makati rin.

JOHN LLOYD AND BEA ARE BOTH SINGLE

Parehong single ngayon sina John Lloyd at Bea.

July 2019 nang magkahiwalay sina Bea at Gerald Anderson. Kontrobersiyal ang breakup ng dalawa dahil sa anggulong third party.

Tumagal ng tatlong taon ang relasyon nina Bea at Gerald.

August 2019 naman nang kumalat ang balitang ilang buwan nang hiwalay si John Lloyd sa sexy actress na si Ellen Adarna.

May anak sina Ellen at John Lloyd, si Elias Modesto, na mahigit isang taong gulang na ngayon.

Mahigit dalawang taon naging magkarelasyon sina John Lloyd at Ellen.

Dahil dito, sumegunda ang ibang netizens, at sinabing baka sina John Lloyd at Bea talaga ang “itinadhana,” “meant to be,” o “soulmates.”

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Maraming fans nga ng dalawa ang nagsabing sana ay sina John Lloyd at Bea na lang ang maging magkarelasyon o magkatuluyan.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

ROMANTIC RELATIONSHIP IN THE PAST?

First quarter ng 2016 nang umugong ang mga balitang may relasyon sina Bea at John Lloyd.

Nang mga panahong iyon, kahihiwalay lang ni Bea kay Zanjoe Marudo, habang kagagaling lang din ni John Lloyd sa breakup kay Angelica Panganiban.

Pero sa isang TV interview, itinanggi ni John Lloyd ang balita, at iginiit na magkaibigan lang sila ni Bea.

Samantala, sinabi ng ilang Bea-John Lloyd fans na miss na miss na nilang makitang magkasama sa proyekto ang dalawa.

Continue reading below ↓

Observation pa ng ilan, hindi kumupas ang “chemistry” ng “tandem” nina Bea at John Lloyd.

Hiling ng fans, sana raw ay muling magtambal sa pelikula o teleserye ang dating magka-love team.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

JOHN LLOYD-BEA TEAMUP

Nagtambal sina John Lloyd at Bea sa walong pelikula at pitong teleserye sa ABS-CBN.

Pero pinakatumatak sa publiko ang mga karakter nilang Basha (Bea) at Popoy (John Lloyd) sa One More Chance noong 2007.

Nagkaroon pa ng sequel ang pelikula, ang A Second Chance, na ipinalabas noong 2015.

Ang isang fan, direktang umapela kay John Lloyd na bumalik na sa pag-arte para makagawa na ito ng pelikula kasama si Bea.

Continue reading below ↓

Kumpirmado namang balik-showbiz na si John Lloyd.

Sinimulan na niyang gawin ang pelikulang Servando Magdamag, sa direksiyon ni Lav Diaz.

Nagkaroon din ng special cameo appearance ang aktor sa Culion, na ipinalabas sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo after doing live script reading with former leading man, who's been in showbiz hiatus since 2017: “I have to say, nakakamiss makabatuhan ng mga linya ang isang John Lloyd Cruz."
PHOTO/S: @beaalonzo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results