Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

John Lloyd Cruz, Bea Alonzo meet up with Baron Geisler

by Rachelle Siazon
Feb 18, 2020
After Valentine's Day, John Lloyd Cruz and Bea Alonzo bond with former It Might Be You co-star Baron Geisler.
PHOTO/S: @baron.geisler (center) / @victoria_belo (John Lloyd) / @beaalonzo Instagram

Isang araw makalipas ang Valentine's Day, noong February 15, muling namataang magkasama sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Sa pagkakataong ito, kasama nila si Baron Geisler.

Co-star nina John Lloyd at Bea ang controversial actor sa ABS-CBN prime-time series na It Might Be You, na ipinalabas mula December 2003 hanggang December 2004.

Matagal ding nakatrabaho ni John Lloyd si Baron sa weekly drama series na Tabing Ilog, na umere mula March 1999 hanggang October 2003.

Si Baron ang nag-post sa kanyang Instagram ng masayang pagkikita nilang tatlo sa isang restaurant.

Makikitang nakayakap si Baron sa katabi nitong si John Lloyd, habang si Bea ay nakaupo sa tapat nila at natatawa kay Baron.

Kuwelang sabi ni Baron sa kanyang caption: "Love you guys sobra! Salamat! Sorry, Basha, he's mine!"

Continue reading below ↓

Basha ang pangalan ng ginampanang karakter ni Bea sa One More Chance, ang iconic film na pinagbidahan nila ni John Lloyd, na gumanap naman bilang Popoy.

Noong February 14, magkasamang ipinagdiwang nina John Lloyd at Bea ang Valentine's Day sa Ayala Triangle, Makati City.

Pinaunlakan nila ang live script reading ng Tadhana, ang pelikula nina Angelica Panganiban at JM de Guzman na isinulat ni Antoinette Jadaone.

Bago iyon ay namataan din sina John Lloyd at Bea na magkasamang kumain sa isang Indian restaurant sa Poblacion, Makati City, noong February 5.

JOHN LLOYD-BEA SIGHTINGS

Ngayon ay tampok ng espekulasyon kung ang madalas na pagsasama ng dalawa ay hudyat ng pagbabalik-tambalan nila sa pelikula.

Pero parehong tikom ang bibig nila ukol dito.

Unang nasilayan sina John Lloyd at Bea na magkasama nang mag-shoot sila ng TV commercial sa El Nido, Palawan noong June 2019.

Nang sumunod na buwan, July 2019, sinabi ni Bea sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kahit naka-leave of absence si John Lloyd sa showbiz ay hindi natigil ang komunikasyon nila.

Continue reading below ↓

Noong buwang iyon ay kahihiwalay lang ni Bea sa boyfriend niyang si Gerald Anderson.

Nang sumunod na buwan, August 2019, pumutok naman ang balitang hiwalay na si John Lloyd sa girlfriend nitong si Ellen Adarna.

Hanggang sa kasalukuyan ay walang kumpirmasyon mula kay John Lloyd kung single na nga ba uli ito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After Valentine's Day, John Lloyd Cruz and Bea Alonzo bond with former It Might Be You co-star Baron Geisler.
PHOTO/S: @baron.geisler (center) / @victoria_belo (John Lloyd) / @beaalonzo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results