Yassi, Issa Pressman pay tribute to late father with a dance

by Rachelle Siazon
Feb 18, 2020
A still grieving Yassi Pressman recalls words to live by from late father Ronald: "Carry on, He said. Be Strong, He said. Stay Happy, He said."
PHOTO/S: @yassipressman Instagram

Nagdadalamhati man sa pagpanaw ng kanilang ama, pinili ng magkapatid na Yassi at Issa Pressman na magpakatatag ang loob.

Mugto ang mga mata ni Yassi sa video na inilabas niya sa Instagram ngayong Martes, February 18.

Kuha ang video sa lamay ng 90-year-old British father ni Yassi na si Ronald Pressman.

Pumanaw si Ronald sa kumplikasyon dala ng katandaan.

Tila kakatapos lamang ng speech ni Yassi nang lumapit ang nakababata niyang kapatid na si Issa Pressman.

Sabi ni Issa, "Wait, we have a song for dad!"

"Oh yeah, we have a song for dad," sang-ayon ni Yassi.

Pumailanlang ang kantang "We Are Family."

Sa puntong iyon ay inaya ng magkapatid ang iba nilang kaanak na magsayaw.

Sabi pa ni Yassi sa caption ng kanyang post, "Carry on, He said.
Be Strong, He said. Stay Happy, He said.

"Always Celebrate Life, & value the People you love, He said.

"Love u Forever."

Continue reading below ↓

Tila hilig ni Ronald ang pagsasayaw kasama nina Yassi at Issa, tulad ng ibinahaging video ng Kapamilya actress noong February 9.

Sa video, nagsasayaw ng swing ang mag-aama habang nasa loob ng isang wine cellar.

Kuwento pa ni Yassi, ang kantang "Dance With My Father Again" ang huling kantang pinakinggan ng ama bago ito bawian ng buhay.

Continue reading below ↓

Madamdaming caption ni Yassi: "This was the last song he heard before we said goodbye...

"We miss you already, Papa.

"I don't know how i am going to live my life without you, Daddy.....
but, I also know I will never have to, because even if you're up in heaven,
you'll never leave my side.

"Love you to the ends of this universe, and back, Twice."

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A still grieving Yassi Pressman recalls words to live by from late father Ronald: "Carry on, He said. Be Strong, He said. Stay Happy, He said."
PHOTO/S: @yassipressman Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results