Cable TV group criticizes ABS-CBN for franchise renewal "shortcut"

by Arniel C. Serato
Feb 18, 2020
Federation of International Cable TV Associations of the Philippines (FICTAP) chair Estrellita Juliano-Tamano on ABS-CBN franchise renewal: “Bakit sila ABS-CBN gusto nilang mag-shortcut? Kami, six years sa NTC para lang magkaroon ng lisensya ang operators. 'Tapos sila shortcut lang?”
PHOTO/S: Courtesy: Wilson Flores on Facebook / ABS-CBN News Online

Inakusahan ng grupo ng cable television operators ang ABS-CBN na nais daw nitong ma-shortcut ang pag-apruba ng kanilang prangkisa.

Sa ulat na lumabas sa GMA News Online ngayong araw, February 18, sinabi ng pinuno ng Federation of International Cable TV Associations of the Philippines (FICTAP) na si Estrellita Juliano-Tamano na ang pag-apruba ng isang prangkisa ay tumatagal mula lima hanggang anim na taon.

Saad ni Tamano sa Pandesal Forum, “Bakit sila ABS-CBN gusto nilang mag-shortcut?

“Kami, six years sa NTC [National Telecommunication Commission] para lang magkaroon ng lisensiya ang operators.

“'Tapos sila, shortcut lang?”

Ayon pa kay Tamano, noong 16th Congress ay tinutulan din ng kanilang grupo ang ABS-CBN franchise renewal sa House Committee on Legsilative Franchises.

Ginawa raw nila ito dahil sa aplikasyon ng ABS-CBN ay nakasaad diumano ang pagsasama ng “multiple channels” para sa application ng iisang prangkisa.

Dapat daw kasi ay isang channel lang sa bawat isang prangkisa.

Continue reading below ↓

Hindi raw naaprubahan ng Legsilative Franchises committee ang franchise application ng Kapamilya network noong panahon na iyon.

Nag-schedule ng panibagong hearing ngunit hindi na ito dininig.

Saad pa ni Tamano, “Noong 16th Congress, noong nag-oppose kami sa franchise renewal, hindi umimik.

"Bakit noong 17th Congress, hindi nila ginawa ang assignment nila?

“Bakit ngayong 18th Congress sila nag-refile at saka sasabihin nila na wala nang panahon, sasabihin nila na March 31 ng March 31."

Sa March 30, 2020 mapapaso ang prangkisa ng ABS-CBN.

ABS-CBN FRANCHISE FOR FREE-TO-AIR BROADCAST

Ayon pa kay Tamano, hindi rin umano nakasaad sa prangkisa ng ABS-CBN na maaari silang mag-offer ng pay-per-view services dahil ito ay free TV.

Noong 2015, binalaan na raw ng National Telecommunications Commission (NTC) ang ABS-CBN na tumigil sa pag-o-offer ng kahit na anong pay-per-view services sa kanilang digital terrestrial television (DTT) o TV Plus.

Ang TV Plus, o naunang nakilala sa tawag na “mahiwagang black box,” ay may maraming channels.

Continue reading below ↓

Kabilang dito ang Kapamilya Box Office (KBO), na kasama sa quo warranto petition ng Office of the Solicitor General (OSG).

Ang KBO ay may mga offer na P30 at P99 depende sa promo at bilang ng pelikulang mapapanood.

Isa raw ito sa mga paglabag ng ABS-CBN sa kanilang prangkisa, ayon kay Solicitor General Jose Calida.

Binigyan ng Supreme Court ang ABS-CBN ng sampung araw upang magkomento sa quo warranto.

Dagdag pa ng FICTAP chair, “Kung na-approve yun [franchise] noong 16th Congress, it will justify their pay-per-view.”

Mayroon daw 24,000 empleyado ang 600-member operators ng FICTAP ang magiging apektado sa “questionable operation” ng ABS-CBN.

Aniya, “Ang maaapektuhan ng ginagawa nila, yung employees namin, mawawalan ng trabaho.

“Bakit ganun, sila lang ang may 11,000?

"Kami ang mawawalan ng hanapbuhay.”

ABS-CBN FRANCHISE RENEWAL HURDLES

Mayroong 11 panukalang batas na nakabinbin pa rin sa House Committee on Legsilative Franchises.

Ngunit wala pa ring naka-schedule na hearing tungkol dito sa Kongreso.

Continue reading below ↓

Sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na hindi urgent ang franchise renewal bills ng ABS-CBN dahil maaari pa naman daw itong mag-broadcast hanggang March 2020.

Pero inangalan ito ng ibang mga mambabatas na pabor sa pagbibigay ng panibagong prangkisa ng ABS-CBN.

May mga indibidwal, pulitiko, at ilang grupo ang nampi-pressure sa Kongreso upang dinggin na ang panukalang batas para sa prangkisa ng ABS-CBN.

Nanindigan naman si Cayetano na hindi nila ito prayoridad sa ngayon dahil marami silang urgent bills na dapat unahin.

Sa pahayag na inilabas ni Cayetano sa kanyang Facebook account kagabi, February 17, iginiit nitong walang makaka-pressure sa kanila.

Saad ni Cayetano, “As the leader of the House, I disagree with the rush to judgement, whether in favor or against the renewal. And I will stand by this decision.

“Everyone from all sides of the issue say that this is an important debate, so allow us then to give it the due importance it deserves.

Continue reading below ↓

“Pressure us to do what is right regardless if it is popular or unpopular. But do not pressure us to do what is expedient for the sake of being popular. Congress is the wrong chamber for that.”

Bukod sa mga balakid na ito, ang kaalyado ni Cayetano na si Pangulong Rodrigo Duterte ay ilang beses nang inihayag na haharangin niya ang panukalang magbibigay ng panibagong prangkisa sa ABS-CBN.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Federation of International Cable TV Associations of the Philippines (FICTAP) chair Estrellita Juliano-Tamano on ABS-CBN franchise renewal: “Bakit sila ABS-CBN gusto nilang mag-shortcut? Kami, six years sa NTC para lang magkaroon ng lisensya ang operators. 'Tapos sila shortcut lang?”
PHOTO/S: Courtesy: Wilson Flores on Facebook / ABS-CBN News Online
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results