Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Regine Velasquez mum about Sarah Geronimo-Matteo Guidicelli wedding

by Melba R. Llanera
Feb 18, 2020
Regine Velasquez on Sarah Geronimo's upcoming wedding with Matteo Guidicelli: “Kami, we're all very happy for her, of course. Kasi, mahal namin siya."
PHOTO/S: Smart Araneta Coliseum Instagram

Matagumpay ang back-to-back concert nina Regine Velasquez at Sarah Geronimo na Unified noong Pebrero 14 at 15, Biyernes at Sabado, sa Araneta Coliseum.

At masayang-masaya ang Asia's Songbird sa resulta ng concert nila.

Sabi ni Regine, “I'm very happy. Yung isa sa mga nasa isip ko nung time na yun, ang galing-galing ni Sarah.

"Ang galing-galing niya, ang ganda ng mga production numbers niya.

“'Tapos, yung mga duet namin, ang galing-galing niya, so I was very proud of it."

May repeat ba ito?

“Di ko pa alam kung may repeat. Depende kung ano ang magaganap sa mga susunod na araw.

“Di ko pa alam, they haven't said anything.

"I'll be happy to work with her again.

"I had such a wonderful time to work with her. It's so easy."

Ayaw naman kumpirmahin ni Regine kung totoong ninang siya sa kasal nina Sarah at Matteo Guidicelli.

“I'm not at liberty to say anything about it, I'm sorry,” sabi ni Regine nang nainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa studio ng ASAP Natin ‘To, nitong Pebrero 16, Linggo.

Continue reading below ↓

“Entourage? Oo naman, walang problema, but they haven't said anything.

“Kami, we're all very happy for her, of course. Kasi, mahal namin siya."

Ayon sa usap-usapan ay gaganapin ang kasal nina Sarah at Matteo sa Marso 14 sa Italy.

Pero may ilang ding nagsasabing dito lang sa Pilipinas gaganapin ang kanilang kasal.

WELL-APPLAUDED NUMBER

Sa Unified concert, pinalakpakan nang husto ang pag-awit nina Regine at Sarah ng "Sino" ni Unique Salonga.

“Oo nga, favorite yun ni Sarah, super favorite niya,” pagsang-ayon ni Regine.

“She's the one who suggested that...

"Ako, bilang madyonders na ako, nun ko lang actually narinig yung kanta, pero I love it.

“It was such a beautiful song, and it was such a fun number to do.

"Kasi, it was easy, walang belting, pero alam mo yun, ang sarap lang pang-opening... after opening. Plus it's OPM."

Matagal na proseso ang pinagdaanan nila kaugnay sa repertoire ng kanilang concert.

Continue reading below ↓

Saad ni Regine, “We wanted to make sure that the show will be balanced.

"Yung mga gustong marinig ng tao yung kakantahin namin.

“At the same time, we also wanted to sing the songs that we wanted to sing together.

"So, talagang matagal na proseso, but we're very, very happy with the outcome."

COVID-19

Sa kabila ng banta ng COVID-19 ay dinagsa ng mga tao ang Unified concert.

Pero laging nandoon ang pag-aalala ni Regine para sa anak na si Nate.

“Naku, there's not a day that I'm not worried just like everyone else, I guess!” bulalas niya.

“Pag nanay ka, it's very difficult not to.

"I'm also panicking even if people are saying not to panic, but I'm panicking inside, alam mo yun?

“Parang lahat naman tayo ganun, takot. Kasi, walang cure.

"'Tapos, I have an eight-year-old son who goes to school.

“I have to make him wear a mask kahit he doesn't understand why he needs to wear a mask, and he can't breathe.

Continue reading below ↓

“It's very hard and ang ginagawa mo ay magpe-pray ka na lang nang magpe-pray, sandamakmak na prayers lang talaga.

“Kung ano yung puwede kong maibigay na protection sa kanya, iyon yung ginagawa namin.

"Tinuruan siya na laging maghugas ng kamay, although he's very good with that, kasi he loves to wash his hands.

"Siyempre, yung mask, I have to tell him to keep it on all the time."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Regine Velasquez on Sarah Geronimo's upcoming wedding with Matteo Guidicelli: “Kami, we're all very happy for her, of course. Kasi, mahal namin siya."
PHOTO/S: Smart Araneta Coliseum Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results