Robi Domingo, Gretchen Ho, Karen Davila, other celebs say no to gag order on ABS-CBN franchise issues

by Rachelle Siazon
Feb 19, 2020
Amid OSG's gag order plea, Gretchen Ho (center) tweets, "NO to intimidation. NO to political blackmail. YES to freedom of speech." Robi Domingo (left) and Karen Davila (right) also stand by the right to keep public informed about ABS-CBN's legal battle against OSG.
PHOTO/S: @iamrobidomingo / @gretchenho / @iamkarendavila Instagram

Hindi pasusupil ang ABS-CBN stars sa kabila ng pagsisikap ng gobyernong makakuka sa Korte Suprema ng gag order para sa mga nananawagang huwag mapasara ang broadcast giant.

Ito ay sa kasagsagan ng legal battle ng ABS-CBN at Office of the Solicitor's General (OSG), ang tumatayong abogado ng gobyerno.

Noong February 10, naghain ang OSG ng quo warranto petition sa ABS-CBN na naglalayong makansela ang prangkisa o lisensiya ng network para mag-broadcast sa radyo at telebisyon.

Mula noon ay dumagsa sa social media ang pag-alma ng mga artista at empleyado ng network.

May ilang personalidad din mula sa GMA Network at iba pang netizens ang naghayag ng suporta sa ABS-CBN sa gitna ng bantang pagpapasara rito.

Walong araw ang nakalipas, nagreklamo ulit ang OSG dahil sa pananadya diumano ng ABS-CBN na impluwensiyahan ang publiko na kampihan ang network sa legal battle nito.

Nais nitong pagbawalan ng Korte Suprema ang paglabas ng ABS-CBN ng mga komentaryo tungkol sa merits ng quo warranto petition.

Continue reading below ↓

Pati na ang pag-ulat ng pahayag ng mga artista at personalidad na ipinagtatanggol ang ABS-CBN ay bahagi raw ng "propaganda" ng kumpanya.

Mariing inalmahan ng ilang artista at media personalities ng ABS-CBN ang pagkilos ng OSG para hindi maisapubliko ang mga reklamo laban sa pagtanggal ng prankisa ng network.

Sa halip na matigatig, inilalaban ng mga tagasuporta ng ABS-CBN ang right to press freedom at free speech.

Continue reading below ↓

ROBI DOMINGO

Isa rito ay si Robi Domingo, na kilalang TV host sa ABS-CBN.

Ibinahagi niya ang red, green, at blue ribbon na sumisimbolo sa pakikiisa sa laban ng ABS-CBN.

Pahayag ni Robi, "Kapamilya, ikaw ang totoong BIG WINNER.

"Let your VOICE be heard. My CHOICE. My HOME. #InTheServiceOfTheFilipino"

Continue reading below ↓

GRETCHEN HO

And Kapamilya TV host at reporter na si Gretchen Ho ay diretsahang inalmahan ang umano'y panggigipit ng abogado ng gobyerno sa ABS-CBN.

Malinaw raw na pulitika ang ugat ng pagnanais na mapasara ang ABS-CBN.

"NO to intimidation. NO to political blackmail.

"YES to freedom of the press. YES to freedom of speech. YES to upholding truth."

Si Gretchen ay isa co-hosts ng morning public affairs program na Umagang Kay Ganda.

Continue reading below ↓

KAREN DAVILA

Dismayado naman ang Bandila news anchor na si Karen Davila dahil tila hindi pa raw nakuntento ang OSG sa pagharang nito sa pag-renew ng prangkisa ng ABS-CBN.

Aniya, "Now a GAG ORDER?

"Asking a media company not to say anything on media...to the media?

"Mabuhay ang malayang pamamahayag."

Continue reading below ↓

RITA AVILA

Para kay Rita Avila, umaasa siyang magiging patas ang Korte Suprema pagdating sa legal battle ng ABS-CBN at OSG.

Hindi man daw siya exclusive artist ng ABS-CBN, nakikiisa si Rita sa panawagang "#notoabscbnshutdown."

Nag-aalala siya sa mga empleyadong mawawalan ng trabaho sakaling tuluyang mapasara ang broadcast giant.

Binanggit din ni Rita ang isyung ang galit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ABS-CBN ang mitsa ng umano'y panggigipit sa ABS-CBN.

Kaugnay ito ng makailang-beses na pagbabanta ng Pangulo na sisiguruhin daw niyang hindi ma-renew ang prangkisa ng broadcast giant.

Ikinagalit nang husto ni Pangulong Duterte ang umano'y panggigipit sa kanya ng ABS-CBN noong 2016 presidential elections, partikular na ang hindi pag-ere ng binayaran niyang ad campaign.

Dagdag pa rito ang pagpayag ng ABS-CBN na umere ang isang ad campaign na naglalaman ng paninira sa kanya bilang presidential candidate noon.

Sa puntong ito, sinabi ni Rita na walang dahilan para magalit ang Pangulo lalo pa't nalulok ito sa pinakamataas na puwesto sa bansa.

Continue reading below ↓

"I do not want to think that the President wanted the shutdown just because of the failure of showing his advertisement during the campaign.

"The President is mature enough to see through that. He won. Nanalo na.

"Ano, parang batang gusto lang gumanti, eh siya na nga ang nanalo? Sa edad ng Pangulo, d na bata yan para umaktong bata. May puso at isip yan."

Pero nais man daw niyang isiping "mature enough" ang Pangulo, hindi naniniwala si Rita na hands-off ito sa mga kinikilos ng Solicitor General.

Patuloy ni Rita: "He said that he does not want ABS CBN to close. He is giving the decision to the Supreme Court. Talaga po ba?"

Hiling naman niya sa Pangulo, "People held so much hope from you because they were tired of the promises of your opponents.

"So to our imperfect President who may give more goodness, pls. be the right leader to this poor nation. That matters."

Continue reading below ↓

Si Rita ay huling napanood sa ABS-CBN weekly series na The Haunted at nagkaroon ng guest appearances sa Maalaala Mo Kaya at Ipaglaban Mo noong 2019.

Asawa niya si FM Reyes, na kilalang direktor ng mga teleserye sa ABS-CBN.

JUAN MIGUEL SEVERO

Sa pagpapatuloy ng mga artistang kontra sa hiling na gag order ng OSG, isa pa sa mga nakiisa ay si Juan Miguel Severo.

Continue reading below ↓

Diin niya, mahalagang ipaglaban ang right to press freedom, na maaaring masupil sakaling payagan ng Korte Suprema ang gag order.

Sabi niya, "More than our personal histories with the network and even the thousands of jobs now being endangered, we fight for the free press.

"We will not be silenced.

"#InTheServiceOfTheFilipino"

Nakilala si Juan Miguel sa kanyang "spoken word," o mga hugot tungkol sa pag-ibig. Una siyang napanood sa ABS-CBN primetime series na On The Wings Of Love noong 2015.

Continue reading below ↓

FPJ'S ANG PROBINSYANO STARS

Si Rowell Santiago, kilalang stage/TV director at actor, ay nakiisa sa ABS-CBN sa pamamagitan ng pag-post ng red, green, at blue ribbon na sumisimbolo sa network.

Ibinahagi niya ito sa kasagsagan ng hiling na gag order ng OSG.

Tweet pa ni Rowell: "STAND TALL, EVEN IF IT THAT MEANS... STANDING ALONE."

Napapanood si Rowell sa ongoing ABS-CBN primetime series na FPJ's Ang Probinsyano.

Continue reading below ↓

Ni-like ni Coco Martin, lead star ng FPJ's Ang Probinsyano, ang tweet ni Rowell.

May hiwalay ring post si Coco sa Instagram na art card ng blue, red, green ribbon na nakadisensyo sa litrato ng ABS-CBN tower.

Walang iba pang caption na inilagay si Coco.

Ang isa pa nilang co-star na si John Prats ay nag-post din sa Instagram ng red, green, at blue ribbon.

Continue reading below ↓

WHAT IS SUB JUDICE?

Sinasabi ng OSG na ang gag order plea nito sa Korte Suprema ay dahil labag sa "sub judice rule" ang mga inilalabas na ulat ng ABS-CBN tungkol sa quo warranto petition.

Pati na rin ang paglabas ng ABS-CBN ng pahayag ng mga artistang sumusuporta sa network ay paglabag daw dahil maituturing daw itong "propaganda."

Continue reading below ↓

Kontrobersyal ang "sub judice rule."

May tumutuligsa ritong Senate Bill 1357 na nagsasabing mali ang pagbabawal sa press o anumang form ng media na magsapubliko ang merits o demerits ng isang kaso sa oras na simulan itong litisin sa korte.

Ang nakahain na SB 1357 o "Judicial Right To Know Act" ay inakda ni yumaong Senator Miriam Defensor-Santiago, na nagsabing dapat tanggalin ang konsepto ng "sub judice" sa batas.

Ipinaliwanag niya rito na ang "sub judice" ay isang "foreign legal concept" na ginaya sa Pilipinas bilang "restriction" sa freedom of the press.

Pero aniya, ang konsepto ng sub judice ay labag daw sa batas na nagproprotekta sa freedom of the press.

Base raw ito sa isang kaso sa U.S. Supreme Court na nagsabing walang dapat pumigil sa press na magbalita ng kung anumang nangyayari sa loob ng courtroom.

Dagdag niya, "The constitutional guarantees of free speech, free press, and right to information occupy lofty positions in the Filipino society's hierarchy of values.

Continue reading below ↓

"Any attempt at 'freezing' them, which gag orders or other form of prior restraint do, must be shown necessitated by an interest more substantial than the guarantees themselves."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Amid OSG's gag order plea, Gretchen Ho (center) tweets, "NO to intimidation. NO to political blackmail. YES to freedom of speech." Robi Domingo (left) and Karen Davila (right) also stand by the right to keep public informed about ABS-CBN's legal battle against OSG.
PHOTO/S: @iamrobidomingo / @gretchenho / @iamkarendavila Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results