NUJP submits 200K signatures to Congress in support of ABS-CBN franchise renewal

by Arniel C. Serato
Feb 20, 2020
After one month, the National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) submits to Congress a partial list of petitioners who signed its "1M signatures for ABS-CBN franchise renewal" online petition.
PHOTO/S: National Union of Journalists of the Philippines Facebook

Isinumite na ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa Kongreso kahapon, February 19, ang nalikom nilang mga pirma na sumusuporta sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, halos 200,000 ang pirmang nalikom ng NUJP mula sa isang milyong layon nila para sa nasabing petisyon.

Sa change.org, makikitang 183,500 signatures ang nakatala, at maaaring sa on-ground gathering galing ang natitirang 20,000 pirma.

Ang isinumiteng mga pirma ng NUJP ay tinanggap ng ilang kongresista, kabilang na si Bayan Muna party-list Representative Carlos Zarate, ang isa sa mga may akda ng House Bill 6052.

Ang House Bill 6052 ay naglalayong magbigay ng panibagong prangkisa sa Kapamilya network.

Sa opisyal na pahayag ng NUJP, sinabi nitong pauna pa lamang ang isinumiteng listahan ng mga sumusuporta sa kanilang petisyon upang hikayatin ang Kongreso na talakayin na ang franchise renewal ng ABS-CBN.

Bahagi ng kanilang statement: “The National Union of Journalists of the Philippines submits and entrusts this partial list of petitioners for the renewal of ABS-CBN's franchise to the Honorable Representatives who authored the 11 bills for such purpose.

Continue reading below ↓

"This list consists of about 200 thousand petitioners gathered through actual signature gathering all over Metro Manila by various organizations and NUJP's online petition through change.org we hereby submit through a flash drive.

"The petition signing was started a month ago and we aim to gather more in the future until such time that the network's franchise issue is positively resolved.

"The NUJP is undertaking this petition signing to show support to the authors of the 11 franchise bills and to urge the House of Representatives Committee on Legislative Franchises to schedule their discussion.

"We need not remind Congress that the network's franchise expires on March 30 and that the First Regular Session only has a little more than a dozen session days to do so."

Continue reading below ↓

Sabi naman ni Congressman Zarate, ibabahagi niya ang dokumento sa mga kapwa mambabatas na nagsusulong ng panukalang batas, at kina House Speaker Alan Peter Cayetano at House Committee on Legislative Franchises Chairman Franz Alvarez upang mahikayat silang simulan na ang deliberasyon.

Pahayag ni Zarate, "I hope that with this show of support coming from the industry and from the other sectors...[will] help the leadership of the House realize the need for immediately taking this issue head-on rather than dine-delay ito at mas lalong nalalagay sa alanganin ang ating mamamayan in general.”

THE ONLINE PETITION

Isang buwan at tatlong araw na ang nakalilipas mula nang ilunsad ng NUJP noong January 17 ang online petition na "1M signatures for ABS-CBN franchise renewal."

Target nilang makalikom ng isang milyong pirma.

Pinangunahan ng ilang Kapamilya stars ang pagpirma ng nasabing online petition.

Kabilang dito ang international singer-actress na si Lea Salonga, ang It's Showtime hosts na sina Vice Ganda at co-host na si Anne Curtis, at ang Magandang Buhay hosts na sina Melai Cantiveros at Karla Estrada.

Continue reading below ↓

Sa March 30, 2020 na mapapaso ang prangkisa ng ABS-CBN.

Pero, nasa committee level pa lamang ito hanggang ngayon.

Ayon kay Speaker Cayetano, baka hindi na ito matalakay sa nalalabing sesyon ng Lower Congress dahil magsa-summer break na sila sa March 14.

Baka raw pagkatapos na ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo ito mapag-usapan.

Pero, dagdag ni Cayetano, maaari pa namang mag-broadcast ang network hanggang March 2022 habang pending pa sa 18th Congress ang kanilang franchise renewal.

May kinakaharap ding quo warranto petition ang ABS-CBN na isinampa ni Solicitor General Jose Calida sa Supreme Court.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After one month, the National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) submits to Congress a partial list of petitioners who signed its "1M signatures for ABS-CBN franchise renewal" online petition.
PHOTO/S: National Union of Journalists of the Philippines Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results