Bidaman Miko Gallardo kilig about meeting "all-time crush" Kathryn Bernardo

by Rachelle Siazon
Feb 20, 2020
"Nabubulol ako pag kausap ko siya," Bidaman Miko Gallardo says of his celebrity crush Kathryn Bernardo. Seen in the right photo is a souvenir photo of Miko and Kathryn on the set of Hello, Love, Goodbye in May 2019.
PHOTO/S: Noel Orsal / @mikogallardo_ Instagram

Inamin ni Miko Gallardo, 21, na ang kanyang "all-time crush" sa showbiz ay si Kathryn Bernardo.

Si Miko ay nakilala bilang isa sa finalists ng "Bidaman," ang male talent search sa ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

Lumaki raw si Miko na pinapanood ang mga pelikula ni Kathryn at reel-and-real-life sweetheart nitong si Daniel Padilla.

Ganoon na lang daw ang kilig ng binata nang personal niya itong nakilala sa set ng La Luna Sangre, ang ABS-CBN primetime teleserye na pinagbidahan nina Kathryn at Daniel noong 2017.

Pag-amin ng showbiz newbie, "Every time I meet her, palagi pa rin akong nai-starstruck. Nabubulol ako pag kausap ko siya.

"'Tapos, first time ko siya ma-meet when I was an extra in La Luna Sangre.

"As in, when she came out sa set, parang nag-slow motion siya."

Nagkaroon daw ng pagkakataong sandali silang mag-usap.

Lahad ni Miko, "Pinaupo ako sa tent nila.

"Pag-upo ko run, biglang umupo si Kathryn.

Continue reading below ↓

"Ako asa tabi. Sabi ko, 'Hey, what's up?'"

Kunwari ay cool lang si Miko habang nag-i-small talk sila ni Kathryn.

Nang maging abala na ulit si Kathryn sa phone nito, sa loob-loob daw ni Miko, "Yo, I wanna say I'm a fan!"

Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miko pagkatapos nitong sumalang sa PEP Live noong Martes, February 18.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

FANBOY MOMENT

Patuloy ni Miko, nasundan ulit ang fanboy moment niya sa harap ni Kathryn.

"I've never had the courage to ask for a selfie until the third time na nakita ko siya, on set, sa Hello, Love, Goodbye, sa bar scene. I was Jameson's friend."

Kasama si Miko sa eksenang kinumpronta ni Jameson Blake ang half-brother nito sa pelikula na si Alden Richards.

Nag-shoot daw sila isang linggo bago nag-audition si Miko bilang "Bidaman."

Naglakas-loob daw siyang lapitan si Kathryn.

"Nakita ko, dumadaan-daan na siya.

"Nung pauwi na kami, biglang, "Hey, Kathryn. Okay lang ba pa-picture?'

Continue reading below ↓

"I'm so happy. Pinost ko nga sa Instagram."

Sabi pa raw ni Miko kay Kathryn, "Alam mo ba, ilang beses na kita nakita? But I never had the courage to ask for a photo."

Natuwa si Miko dahil approachable naman daw si Kathryn.

"She was, like, 'Oh really? You dont have to be shy.'

Continue reading below ↓

"I wanted to cry. Hahaha! Ayun. Ang ganda niya kasi!

"I've been watching her movies with Daniel.

"Even nung nasa Dubai pa ako, wala kaming Filipino channel, pero pinapanood ko movies nila.

"Ang husay nila um-acting."

A CHILDHOOD DREAM

Lumaki si Miko sa Dubai kung saan nakabase ang kanyang pamilya.

Ang kanyang stepdad ay isang chief executive officer sa pag-aari raw nitong kumpanya roon.

Noon lamang 2017 nagsimulang manirahan sa Pilipinas si Miko.

Pangarap daw talaga niyang pasukin ang showbiz dahil sa hilig umarte.

"Sabi nila, iniiyakan ko raw yung pusa nung three years old ako. Nasa ilalim ako ng stairs namin.

"Nagulat sila, 'Ay, bakit umiiyak si Miko?' Narinig nila ako, 'Muning, patawarin mo ako, Muning.'

"Ume-emote ako sa pusa ko. 'Tapos tinakbuhan niya ako."

Lalo raw umigting ang kagustuhang mag-artista ni Miko dahil sa panonood niya ng pelikula.

"Sobrang drama ako nung bata ako.

"Kaya nung nakita ko yung movies, while growing up, 'Ay, parang gusto ko gawin once in my life.'"

Continue reading below ↓

LATEST ACTING STINT

Ngayong 2020, kasama si Miko sa supporting cast members ng Us Again, ang Regal Entertainment movie na pinagbibidahan nina RK Bagatsing at Jane Oineza.

Kumusta ang kanyang karanasan sa showbiz?

"Pressure will always be there. Iba pa rin sa mata ng tao yung galaw mo.

"'Tapos yung pressure sa mga nakatrabaho mo, mga big time artists, there are times na nininerbiyos ka.

"There's always gonna be doubts kasi that's what makes us human."

Hindi man daw madali ang makipagsabayan sa ibang artista, desidido si Miko na pagbutihan ang kanyang trabaho.

"Sobrang enjoy. Bihira lang maka-penetrate sa showbiz, kaya namnamin mo na lang. Do your best."

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nabubulol ako pag kausap ko siya," Bidaman Miko Gallardo says of his celebrity crush Kathryn Bernardo. Seen in the right photo is a souvenir photo of Miko and Kathryn on the set of Hello, Love, Goodbye in May 2019.
PHOTO/S: Noel Orsal / @mikogallardo_ Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results