Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Angel Locsin calls Julia Montes "My Darna"

by Jet Hitosis
Feb 20, 2020
Former Darna actress Angel Locsin (left) reacts to the trailer of Julia Montes's (right) comeback project, an action-drama weekly series titled 24/7, using only two words: "My Darna."
PHOTO/S: @therealangellocsin, @montesjulia08 on Instagram

Si Julia Montes ang “Darna” ni Angel Locsin.

Ito ang naikomento ni Angel, 34, matapos niyang mapanood ang trailer ng comeback series ni Julia, 24, sa ABS-CBN.

Ipinost ni Julia sa Instagram nitong Lunes, February 17, ang trailer ng bago niyang Kapamilya teleserye sa ABS-CBN, ang 24/7.

Maituturing itong pagbabalik-telebisyon ni Julia, na mahigit isang taong namahinga sa showbiz.

Isang action-drama series ang 24/7, na ipalalabas tuwing Linggo simula sa February 23.

Sa weekly series, magbibida si Julia bilang si Mia Agbayani, isang ina na gagawin ang lahat upang mahanapan ng lunas ang anak niyang dinapuan ng misteryosong virus.

May actions scenes si Julia sa serye.

Posibleng napanood ni Angel ang ilang lumabas na videos ng training at rehearsals ni Julia, na maaaring paliwanag sa naging komento ng dating Darna actress.

Kilala si Angel sa mahusay na paggawa ng action scenes, gaya sa katatapos niyang teleserye na The General’s Daughter.

Continue reading below ↓

ANGEL AND JULIA EXCHANGE MESSAGES

Limitado lang ang maaaring magkomento sa Twitter post ni Julia, pero kapansin-pansin sa comments section ang maikling mensahe sa kanya ni Angel.

Komento ni Angel: “My Darna [heart emoji]”

Sagot ni Julia: “love you ate [heart emoji]”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Continue reading below ↓

Nag-react naman ng apat na heart at isang smile with heart eyes emojis ang aktres na si Dimples Romana sa palitan ng mensahe nina Angel at Julia.

Mahihinuhang nagpahayag ng suporta si Dimples sa naging impression ni Angel kay Julia.

Si Dimples ay best friend ni Angel.

Dahil nilimitahan ni Julia ang comments feature ng kanyang post, hindi nagawang makapag-react ng fans nila ni Angel sa naging mensahe nila sa isa’t isa.

Continue reading below ↓

Hindi rin tuloy mahingan ng paliwanag si Angel kung bakit niya tinawag na "My Darna" si Julia.

Sa kabila nito, nakakuha pa rin ng mahigit 2,400 likes mula sa netizens ang two-word comment ni Angel kay Julia.

ANGEL AS DARNA

Sumikat si Angel sa pagbibida niya sa Darna teleserye ng GMA-7 noong 2005.

Continue reading below ↓

Si Darna ang fictional Pinay superheroine na likha ng comic book cartoonist at graphic novelista na si Mars Ravelo.

Si Ravelo rin ang lumikha ng iba pang Pinoy pop culture characters, tulad ng sirenang si Dyesebel, at ng superheroes na sina Captain Barbell at Lastikman.

Isa si Angel sa mga gumanap na Darna na pinakatumatak sa publiko.

Sa teleserye rin nagbida si Marian Rivera (2009) para sa highly-coveted role.

Sa pelikula naman nag-Darna sina Vilma Santos (1973-1975, 1980), Nanette Medved (1991), at Anjanette Abayari (1994).

Taong 2014 at nasa ABS-CBN na si Angel nang ihayag na muli niyang gagampanan ang iconic role sa pelikula.

Gayunman, hindi natuloy ang proyekto matapos matuklasang may disc bulge sa gulugod ang aktres.

FROM ANGEL TO LIZA TO JANE

Napunta ang role kay Liza Soberano, 22.

Sa isang interview kay Angel noong October 2018, sinabi niyang si Liza “talaga ang first choice ko” para sa role.

Continue reading below ↓

Pero naudlot din si Liza sa pinakahihintay na movie project matapos siyang magtamo ng finger injury.

Ito ay makaraang maaksidente ang young actress sa taping ng Kapamilya teleseryeng Bagani.

April 2019 nang kumpirmahin ng ABS-CBN na hindi na matutuloy si Liza sa proyekto.

At pagsapit ng July, inihayag ng network na may bago nang napili para magbida sa Darna movie.

Ito ay ang baguhang artista at dating miyembro ng all-girl dance group na Girltrends—si Jane de Leon.

Sa Instagram post ni Jane, 21, para kumpirmahing gagawin niya ang pinakaaabangang pelikula, nagpahayag ng suporta si Angel sa bagong Darna.

Continue reading below ↓

Komento ni Angel sa post ni Jane: “Congratulations Jane de Leon :)”

Nagpasalamat naman si Jane kay Angel: “Maraming Salamat po Ate @therealangellocsin [heart emoji].

Sinimulan na kamakailan ni Jane ang kanyang Darna training, habang nabalitang nagsimula na rin ang shooting ng pelikula.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Darna actress Angel Locsin (left) reacts to the trailer of Julia Montes's (right) comeback project, an action-drama weekly series titled 24/7, using only two words: "My Darna."
PHOTO/S: @therealangellocsin, @montesjulia08 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results