Netizens defend Ogie Alcasid, Regine Velasquez against basher who called the couple "malas"

by Arniel C. Serato
Feb 20, 2020
Singer-songwriter Ogie Alcasid and wife Asia's Songbird Regine Velasquez pose for the camera after the singer-comedian renewed his contract with ABS-CBN yesterday, February 19.
PHOTO/S: Courtesy: Kapamilya All Access on Facebook

Mahinahong sinagot ng singer-songwriter na si Ogie Alcasid ang isang basher sa Twitter na tumawag sa kanya at sa misis niyang si Asia’s Songbird Regine Velasquez na “mag-asawang malas.”

Noong February 13, nagkomento ang isang basher na ang mag-asawang entertainers daw ang dahilan kaya nawala sa ere ang mga kinabilangan nilang programa noong pareho pa silang nasa GMA-7.

Binanggit ng basher ang dating musical-variety shows nina Ogie at Regine na SOP, Party Pilipinas, at Sunday All Stars.

Ang mag-asawa rin ang sinisisi ng basher sa "pagsasara ng ABS-CBN."

Pareho na ngayong nasa bakuran ng ABS-CBN sina Ogie at Regine.

Si Ogie ay lumipat sa ABS-CBN noong 2016, at sumunod sa kanya si Regine noong 2018.

Nanganganib mapasara ang ABS-CBN dahil hindi pa dinidinig sa Kongreso ang mga panukalang batas na magbibigay ng panibagong 25-taong prangkisa sa network.

Bukod pa rito, may reklamo ring kinakaharap ang Kapamilya network sa Supreme Court kaugnay ng isinampang quo warranto petition ng Office of the Solicitor General dahil diumano sa mga probisyong nalabag ng istasyon sa kanilang prangkisa.

Continue reading below ↓

Mariin naman itong pinabulaanan ng ABS-CBN.

Magtatapos ang franchise ng ABS-CBN sa March 30, 2020.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Tanging sagot ni Ogie sa walang-basehang akusasyon ng basher: “God bless you.”

Continue reading below ↓

NETZENS DEFEND OGIE, REGINE

Kung naging manahon si Ogie sa pagsagot, hindi naman nagpigil ang ibang netizens na nakabasa ng nakakabastos na komento ng basher.

Kinuyog ng mga ito ang tila walang magawang basher.

Continue reading below ↓

Pinatunayan naman ni Ogie ang pagiging loyal niya sa ABS-CBN nang pumirma siya ng panibagong kontrata sa network kahapon, February 19.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-songwriter Ogie Alcasid and wife Asia's Songbird Regine Velasquez pose for the camera after the singer-comedian renewed his contract with ABS-CBN yesterday, February 19.
PHOTO/S: Courtesy: Kapamilya All Access on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results