Sarah Geronimo tapes for The Voice Teens, Matteo Guidicelli goes to the gym amid wedding rumors

by Bernie V. Franco
Feb 20, 2020
Amid rumors that they will get married today, February 20, Matteo Guidicelli went to the gym while Sarah Geronimo taped for her ABS-CBN show.
PHOTO/S: @matteog @isgfan on Instagram/ CTTO

Inabangan ng marami kung natuloy ang napabalitang pagpapakasal nina Sarah Geronimo, 31, at Matteo Guidicelli, 29, ngayong Huwebes, February 20.

Ito ay matapos lumabas kaninang umaga ang report ng veteran entertainment writer/editor na si Ricky Lo, sa philstar.com, na may titulong “Sarah and Matteo getting married today?”

Ayon sa report, isang "highly-reliable source" ang nagsabing inaasahan ang pagpapakasal ng celebrity couple ngayong Huwebes.

Nabanggit ding “hush-hush” ang magaganap na kasalan.

Dadaluhan daw ito ng mga magulang ni Matteo na sina Glenna at Gianluca Guidicelli.

Hindi naman daw tiyak kung makararating ang mga magulang ni Sarah na sina Divine at Delfin Geronimo.

Ngayong araw ay naging trending topics sa Twitter ang "Matteo" at "Sarah" dahil sa balitang pagpapakasal nila.

Continue reading below ↓

SARAH TAPES FOR THE VOICE TEENS

Kasabay ng pag-aabang ng netizens kung matutuloy ang rumored wedding nina Sarah at Matteo, ilang malapit sa kanila ang nagbigay ng updates sa social media tungkol sa mga aktibad ng dalawa ngayong araw.

Kaninang umaga, isang staff member ng The Voice Teens ang nag-post ng maiksing video kung saan kasama niya ang Popstar Princess.

Malinaw na sinakyan ng staff member ang balitang ngayong araw ikakasal sina Sarah at Matteo.

Pabirong sambit ng staff member: “Dito kami sa venue… charot!”

Sa video, bumati rin si Sarah ng masayang “Good morning!”

Sa background, mapapanood na abala ang mga taong bahagi ng singing search ng ABS-CBN kung saan isa sa mga mentor si Sarah.

Continue reading below ↓

Nai-post din ang group picture ni Sarah kasama ang kanyang mga katrabaho ngayong araw.

Caption dito: “02.20.20 WORK DAY”

Sa isa pang larawan, makikita na nagri-rehearse ng kanta si Sarah.

MATTEO

Samantala, sa pamamagitan ng Instagram Story, ibinahagi ni Matteo ang mga pinagkaabalahan niya ngayong araw.

Sa gym ginugol ni Matteo ang kanyang umaga.

Continue reading below ↓

Mapapanood sa kanyang Instagram Story ang mga lalaking nakasuot ng karategi o uniform na isinusuot para sa martial arts training.

Ni-repost ng aktor ang short video mula sa kasamahan, at tinukoy niya itong "tusok ulo challenge," isang uri ng Philippine military training.

May ranggong 2nd Lieutenant si Matteo sa Philippine Army.

Continue reading below ↓

Pagsapit naman ng tanghali, nag-post si Matteo ng video inorder niyang soup sa Da Gianni Cucina Italiana Manila, ang kanyang restaurant business sa Alabang, Muntinlupa.

Continue reading below ↓

SARAH SPENT HER DAY AT WORK

Samantala, isang reliable source ang nakausap ng PEP.ph tungkol sa mga naging aktibidad ni Sarah sa trabaho ngayobg araw, mula umaga hanggang hapon.

Ayon sa source, bandang 8:30 a.m. dumating si Sarah sa ABS-CBN compound para sa taping ng The Voice Teens.

Nagkaroon daw si Sarah ng band rehearsal kasama ang Team Sarah, ang tawag sa kanyang team sa programa.

Nag-taping siya hanggang tanghali at nagkaroon ng lunch break mula 12 noon hanggang 1:30 p.m.

Nag-resume umano ang taping hanggang 3:30 p.m.

Kaagad daw umalis si Sarah pagkatapos ng rehearsal.

Nang usisain namin kung kamusta si Sarah, sagot ng source: "She looks chill"

Nakakuha rin ng ilang impormasyon ang source ng PEP Troika tungkol sa rumored wedding nina Sarah at Matteo.

Ayon sa PEP Troika source, pagkatapos ng taping ng The Voice Teens ay dumiretso raw si Sarah sa Victory Fellowship sa The Fort, Bonifacio Global City, Taguig.

Continue reading below ↓

Doon daw kasi magaganap ang isang private Christian ceremony para kina Sarah at Matteo.

Perop hanggang ngayong gabi ay wala pa ring napapaulat na natuloy ang kasal nina Sarah at Matteo.

SARAH-MATTEO ENGAGEMENT

November 7, 2019 nang ianunsiyo ni Matteo sa Instagram ang engagement nila ni Sarah.

Pero lumabas ang katotohanang noon pang 2018 pa pala engaged ang dalawa, ngunit ginawa lamang nila ang announcement noong November 2019.

June 2014 nang aminin ni Sarah, sa interview niya sa defunct ABS-CBN talk show na Aquino and Abunda Tonight, na boyfriend na niya si Matteo.

September 2019 naman nang bumiyahe ang dalawa sa Bali, Indonesia para sa kanilang sixth anniversary.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Amid rumors that they will get married today, February 20, Matteo Guidicelli went to the gym while Sarah Geronimo taped for her ABS-CBN show.
PHOTO/S: @matteog @isgfan on Instagram/ CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results