Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli are now married; Matteo allegedly punched Sarah's bodyguard

by Arniel C. Serato
Feb 21, 2020
Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli tied the knot in a civil ceremony Thursday night, February 20. But the happy occasion was marred by an altercation between the groom and the bodyguard of the bride.
PHOTO/S: Courtesy: @matteog on Instagram

Natuloy ang kasal nina Sarah Geronimo, 31, at Matteo Guidicelli, 29.

Ginanap ang kanilang civil wedding sa Shangri-La at the Fort sa Bonifacio Global City, Taguig, nitong Huwebes ng gabi, February 20.

Naganap naman ang reception sa Ministry of Crab na matatagpuan din sa nasabing hotel.

Ngunit nabahiran ng kaguluhan ang masaya sanang okasyon dahil sa naganap na suntukan umano sa pagitan ni Matteo at ng isang bodyguard ng pamilya ni Sarah.

Nakakuha ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng police report ng insidente.

Nakasaad sa report na nagtungo sa istasyon ng pulis ang isang nagngangalang Jerry Cortes Tamara, 31, bandang 3:27 a.m. ngayong Biyernes, February 21, upang ipa-blotter ang insidenteng kinasangkutan nila ni Matteo.

Ayon kay Tamara—na nagpakilala bilang "family security at close-in security" ni Sarah —sinuntok diumano siya ni Matteo sa lalamunan bandang alas-onse ng gabi.

Lahad pa nito, nagsimula ang kaguluhan nang biglang dumating sa venue ang ina ni Sarah na si Divine Geronimo.

Continue reading below ↓

Humingi raw ng sandali si Mommy Divine upang kausapin si Sarah.

Lumalabas na hindi alam ng ina ni Sarah ang tungkol sa pagpapakasal ng singer-actress kay Matteo noong gabing iyon.

Nang malaman daw ito ni Matteo, inakusahan at kinumpronta ng aktor si Tamara na siya diumanong nagsabi kay Mommy Divine tungkol sa sikretong kasalan.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Batay rin sa report, tumanggi si Tamara na magsampa ng pormal na reklamo laban kay Matteo.

BUSINESS AS USUAL FOR SARAH, MATTEO

Isang taon nang engaged sina Matteo at Sarah nang ianunsiyo ng aktor ang kanilang engagement noong November 2019.

Ngunit wala silang sinabing petsa kung kailan magaganap ang kanilang kasal.

Hanggang kahapon, February 20, lumabas ang report ni Ricky Lo sa The Philippine STAR na magaganap sa araw ring iyon ang pag-iisang dibdib nina Sarah at Matteo sa Victory Fellowship Church, kung saan aktibong miyembro ang showbiz couple.

Nagduda ang marami na may katotohanan ang balita dahil namataan pa si Sarah na nag-taping para sa The Voice Teens ng ABS-CBN, habang si Matteo naman ay nagtungo pa sa gym.

Continue reading below ↓

May report namang lumabas na pagkatapos ng taping ni Sarah, bandang alas-tres y medya ng hapon, ay nagmamadali itong umalis ng ABS-CBN studio.

Ngunit hindi alam kung saan ito dumiretso.

Hanggang Huwebes ng gabi ay walang ulat na nagkukumpirma kung natuloy ang kasal nina Sarah at Matteo.

Kaya nagulat ang marami nang lumabas ngayong araw ang balitang totoong ikinasal sina Sarah at Matteo. Iyon nga lang, nagkaroon ng kaguluhan.

Nakatanggap naman ng impormasyon ang PEP.ph na sa March 27, 2020 talaga ang petsa ng kasal nina Sarah at Matteo.

Ngunit may espesyal na kahulugan daw ang petsang February 20, 2020 sa dalawa kaya pinili nilang magkaroon ng pribadong civil wedding.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na hindi pabor ang mga magulang ni Sarah kay Matteo noong una.

Pero sa pagkakaalam din ng publiko ay nagkaayos na ang magkabilang kampo.

Kaya nakakagulat na tila hindi pa rin pala tuluyang ipinauubaya ng mga magulang ni Sarah ang kanilang anak kay Matteo hanggang ngayon.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli tied the knot in a civil ceremony Thursday night, February 20. But the happy occasion was marred by an altercation between the groom and the bodyguard of the bride.
PHOTO/S: Courtesy: @matteog on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results